Yugto 63: Halik
“Kanina, you pulled me out of the dancefloor because you’re jealous of the girl that I’m with. Ngayon naman, I want to talk to you, pero ayaw mo. You girls are hard to get,” wika ni Enrick.
“Hard to get mong mukha mo!” inis kong sabi. “Pwede bang palabasin mo na ako rito kasi ang sabi ko, kung mag-uusap tayo, roon na lang sa loob ng bar. You’re so kulit! At wala akong pakialam sa kung ano man ang gusto mong pag-usapan natin. Kaya, please lang—”
“Will you just shut up for a sec, Beatrix? Because as I said, I want us to talk.”
“Hindi tayo mag-uusap dahil wala tayong kailangan pag-usapan, Mr. de Vera! Palabasin mo na lang ako rito, pwede ba?”
“Ang ingay mo.” Parang sa dinami-dami kong sinabi ay wala siyang inintindi kahit isa roon.
Hininaan niya ang aircon. May kinuha siya sa backseat at natahimik ako nang itabon niya sa akin ang kanyang coat. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa.
“Your dress is too short. Makikitaan ka na kanina. Mabuti na lang at nandoon ako. Kailan ka pa natutong magdamit nang ganyan? At kung makasayaw ka para kang prostitute. Hindi por que’t eighteen ka na ay gagawin mo na ang lahat ng nakikita mong ginagawa ng mga kaedad mo. Mali iyon.”
Nalaglag ang panga ko. Dala na rin siguro ng kalasingan ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para sagutin siya.
“Excuse me? Kung iyan lang naman pala ang pag-uusapan natin kaya mo ako binuhat magmula roon sa dancefloor patungo rito, well, sorry ka dahil hindi ako interesadong makinig sa ‘yo at sa mahabang litanya mo. Grabe ka. Dinaig mo pa iyong parents ko kung maka-sermon ka sa akin! Bakit? Noong nakita ba kitang nambababae, sinermonan ba kita at sinabi ko sa ‘yo na mali iyong ginagawa mo? Hindi naman, ‘di ba? Kaya huwag mo akong sermonan!
“At please lang, kung ayaw mong ako ang pumindot ng button na iyan para nakalabas ako rito, ikaw na lang ang pumindot para mag-unlock na itong pintuan kasi ayaw ko rito sa loob ng BMW mo at ayaw ko rin dito sa tabi mo! At kung ayaw mo pa rin akong palabasin, I’ll broke your car window, using my pumps at doon ako lulusot para makalabas...”
Natigil ako nang bigla na lang niya akong halikan.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.
Ramdam ko ang malambot niyang labi habang dumadampi iyon sa akin. Kumabog bigla nang malakas ang dibdib ko at ang mga paru-paro sa aking tiyan ay biglang nabuhay. Libo-libong kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan nang hawakan niya ang baba ko at bahagyang hinaplos ang pisngi ko. Lalo pa noong naramdaman ko ang dila niya na naglalaro sa bibig ko.
Nang tumigil siya ay pareho naming hinabol ang hininga namin. Titig na titig siya sa akin at ang kamay niya ay nakahawak pa rin sa pisngi ko. Unti-unting umakyat ang lahat ng dugo sa aking mukha.
Binitiwan niya ang mukha ko at lumayo sa akin. Nilaro niya ang kanyang labi. “Halik ko lang pala ang makakapag-patahimik sa ‘yo. I should have known.”
Nag-iwas ako ng tingin. Noong tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin ay kitang-kita ko ang pamumula ng labi at pisngi ko.
“Bastos!” Kinagat ko ang labi ko.
“Bastos? Eh, parang nagustuhan mo rin naman.” Binigyan niya ako ng nakakalokong ngisi.
Bakit niya ako hinalikan? May feelings pa ba siya sa akin? At saka... nagustuhan ko rin ba iyon?
“Ano? Hindi ka makasagot kasi tama ako, ‘no? You like my kiss.”
“Shut up! Bwisit ka!” Tinulak ko siya at napasandal siya sa car window.
Tumawa siya... at dios mio. Naloko na talaga. Because to my ears, his laugh was sexy.
“I’m getting out of here! Palabasin mo na ako!” buong puso kong sigaw habang tinutulak ang pinto ng sasakyan na ayaw mabuksan.
“No, Beatrix. Stay put coz we need to talk.”
“I’m not your puppy so don’t expect na kapag sinabi mong stay put ay susundin kita! Palabasin mo ako rito! Ayaw ko nga rito! Bwisit! Bwisit!” sobrang frustrated kong sigaw at nagpapadyak pa.
Habang siya naman ay titig na titig sa akin at nakakunot ang noo.
“Gusto mo bang halikan kita para tumahimik ka ulit?” seryoso niyang tanong.
Napatingin ako sa kanya at sinimangutan ko siya. Habang ginagawa ko iyon ay bumalik sa alaala ko iyong ginawa niyang paghalik sa akin. Para ba iyong ini-record at ni-play nang paulit-ulit sa utak ko. The way he held my cheeks... the way his lips...
“Bwisit ka!” Tinulak ko siya nang itinulak. May sinabi pa siya pero dahil sa kalasingan ay medyo hindi ko na iyon narinig.
I hate it. Ayaw ko ng gano’n. Ayaw ko noong hahalikan niya ako pagkatapos niyang halikan ang ibang babae. Feeling ko, nagiging second option lang ako. Feeling ko, gano’n rin siyang humalik sa mga babae niya. Kay Dana, kay Hannah, kay Abby, at sa kung sino-sino pa.
Gano’n rin siguro iyong naramdaman noong babae na kahalikan niya sa loob ng bar. Fresh na fresh din siguro sa memory noong babae na iyon kung gaano kagaling humalik si Enrick.
Nagseselos ako, oo.
“Bwisit ka! If you want to talk, then go talk to your girls! Bumalik ka roon sa loob ng Foursquare at hanapin mo iyong babae na kahalikan mo kanina! O kaya, hanapin mo si Hannah. Hindi ba ay naging close na kayo noon? Sila ang kausapin mo at huwag ako! Kasi para sabihin ko sa ‘yo... hindi ako isa sa mga babaeng ginagawa mong flavor of the day! Iba ako sa kanila!” Hinampas ko ang matigas na dibdib ni Enrick.
Damn those alcoholic drinks. Damn love. Ang gulo-gulo. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin o maramdaman. Kung galit, inis, lungkot, o saya.
Nahulog sa paanan ko ang coat ni Enrick. Tinigilan ko ang paghampas sa kanya at ibinaon ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya habang marahas na tumutulo ang mga luha ko.
I was so emotional.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Teen FictionBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
