Yugto 58: Sayaw
Sa sumunod na araw ay pumunta kami nina Mommy at Courtney sa Marriott Hotels dahil doon mag-eensayo para sa sayaw, at doon din mismo gaganapin ang debut ko. Pagpasok pa lang sa venue ay namangha ako dahil sa ganda roon.
“Dito na muna kayo. Marami-rami na rin ang mga kakilala mo rito, Beatrix. I’ll just go talk to the dance instructor,” sabi ni Mommy sa amin ni Courtney.
“Sige po, Tita.” Ngumiti si Courtney at nanatili kami roon sa isang gilid kung saan puno ng bulaklak at lights at mayroong mga upuan.
Noong tuluyan nang nakaalis si Mommy ay kinabahan ako. Naalala ko kasi noong ibinigay ni Courtney ang invitation kay Enrick. He didn’t respond. He didn’t say if he’s going to be my escort or not.
“I’m really excited. Two days na lang, debut mo na! Mag-e-eighteen ka na talaga. Parang ang hirap paniwalaan, pero sobrang nakaka-excite,” wika ni Courtney sa aking tabi. Ngumisi siya nang malaki.
Lumipas pa ang ilang minuto at nagsimula nang magdatingan ang iba pang imbitado at kasali sa practice. Dumating na rin ang pinsan kong si Travis. Puro pagbati ng advance happy birthday ang narinig ko mula sa kanila. Marami sa kanila ay nakipag-usap sa amin ni Courtney. Hanggang sa dumating na si Mommy kasama iyong dance instructor.
Nagpaalam din kaagad sa akin si Mommy. “Goodbye for now, Beatrix. I need to go to the company’s office.” She sighed. “Just some appointments.” At humalik sa pisngi ko.
“It’s okay, Mommy.”
Nilisan ni Mommy ang venue at sinimulan nang iayos ng baklang dance instructor ang magiging places namin kapag nagsayaw. Medyo nahirapan pa nga siya dahil hindi kaagad nakuha ng iba ang gusto niyang mangyari.
“Beatrix, iyong escort mo na lang ang hinihintay,” sabi niya nang sa wakas ay natapos na ang pag-ayos sa proper places namin.
Hindi naman kaagad ako nakasagot at napalingon na lang ako sa relo ko para tingnan ang oras. Enrick was fifteen minutes late.
“Magsisimula na tayo nang wala siya, okay?”
“Okay po.”
Sinimulan nang patugtugin ang music na gagamitin at mas lalo lang akong na-down dahil doon. Nakita ko kasi na halos lahat ng imbitado ay may partner. At ako iyong magde-debut, ako pa ang may late na escort.
Itinuro ang mga steps ng sayaw na medyo madali lang naman. Ang dance instructor muna ang nagsilbi kong partner habang wala si Enrick.
“Hawak sa balikat... and one, two, three four...” Kasabay noon ay ang step sa paa at sa kamay. Para akong lantang gulay na nagsayaw roon. Hindi nakisama ang katawan ko sa mga step na gustong gawin ng isip ko.
Lumipas pa ang ilang minuto at noong nasa kalagitnaan na kami ng buong sayaw ay saka pa lang dumating si Enrick, wearing a simple black polo-shirt and khaki shorts.
“Sorry, late ako.”
At mabilis na dumirekta ang mga mata niya sa akin. Pumalakpak naman ang dance instructor at binitiwan na ako. Tumigil na rin ang iba sa pagsayaw kahit na patuloy pa rin ang tugtog.
“Mabuti naman at dumating ka na! Para hindi na malungkot ang debutant natin!” masayang sabi ng dance instructor at talagang kinuha pa ang kamay ko at inilagay iyon sa balikat ni Enrick na para bang sasayaw na talaga kami.
“Akala ko... hindi ka na dadating,” mahina kong sabi nang ituro na naman ng dance instructor ang first part para matutunan iyon ni Enrick.
“I’m your escort and last dance, kaya hindi pwedeng hindi ako dumating,” bulong niya sa tainga ko habang sinusundan ang mga steps.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti.
That was all I remembered. Hanggang sa dumating na ang ika-tatlumpu ng Mayo. My birthday.
Sa araw ng debut ko ay naging abala ang lahat. Hapon pa lamang ay nandoon na kami sa Marriott Hotels. Nandoon din ang mga stylists at mga event coordinators. Kita ko na abalang-abala sila sa pagpapaganda pa lalo ng venue.
Before the clock ticks to seven o’clock in the evening, everything was already set.
Ang straight kong buhok ay kinulot sa ladlaran ng stylist. Nilagyan din ako ng silver head chain. Nakalugay ang umaalon na itim kong buhok at bumagay iyon sa white off-shoulder ball gown with purple ruffles na suot ko.
“Dito ka muna, Ms. Beatrix,” utos ng isang staff sa akin habang iginigiya niya ako. Nasa harapan ko ang isang malaking double doors.
“Everything’s already set. Yes. She’s already here... Okay, sige,” dinig kong sabi ng staff sa kanyang kausap sa walkie talkie. “Ms. Beatrix, hintayin n’yo lang po na magbukas ang double doors. Then lalabas na po kayo at bababa ng stairs para magsayaw.”
“Opo, nasabi nga po ng dance instructor.”
Lumipas pa ang ilang sandali at narinig ko na lang na tumugtog na ang music. Kasabay noon ay ang pagbukas ng double doors na nasa harapan ko. Tumapat sa akin ang spotlight pero kita ko pa rin ang naging kaayusan ng buong venue. Pumalakpak ang mga bisita na nandoon at bumaba ang tingin ko sa hagdan.
Nakapila sa right side ng staircase ang mga lalaki na sasayaw. At sa left side naman ay ang mga partner nilang babae. Sa pinakababa at sa pinakagitna ng staircase ay roon nakatayo si Enrick.
Napangiti ako at nagsimula na akong bumaba ng hagdan. Maingat ang ginawa kong pagtapak sa bawat baitang dahil heels ang suot ko. Habang bumababa ako, lahat ng nalagpasan kong lalaki ay kinuha na ang kamay ng kanilang partner para sumunod na ring bumaba sa akin. At noong nasa pinakababa na ako ay naglahad ng kamay sa akin si Enrick.
Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko at kahit medyo kinakabahan ay tinanggap ko ang kamay niya. Mas lalong naging malakas ang tugtog, hudyat na kailangan na naming sumayaw.
At first, hindi ako makatingin sa lalaking nasa harapan ko. Pero noong inilagay na niya ang kamay ko sa balikat niya, at noong inilagay niya ang kamay niya sa baywang ko, ay napatitig ako sa kanya.
He looked so stunning because of his black tux. Ang kanyang buhok ay inayos nang mabuti at ang mga malalim niyang mata ay kumikislap. Hindi ko alam kung kumislap ba iyon dahil sa mga ilaw o dahil sa kasiyahan.
“You look so beautiful,” aniya habang nagsasayaw kami.
“T-Thank you.” Nanginig ang boses ko.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Ficção AdolescenteBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
