Yugto 64: Papasagutin Ng Oo
“Nakakainis ka, eh!” inis kong sabi habang nakabaon pa rin ang mukha ko sa dibdib ni Enrick.
“Bakit ba sa tuwing kasama kita ay halo-halong emosyon ang nadarama ko? Kapag kasama kita... minsan naiinis ako sa ‘yo. Minsan napapasaya mo ako. Minsan naman nagagalit ako o nagseselos. At minsan naman nalulungkot ako kapag naaalala ko na sinaktan kita. At madalas... m-madalas bumibilis iyong...”
At madalas ay bumibilis iyong pintig ng puso ko kapag kasama kita.
Mahal ko pa rin siya.
Kinagat ko ang labi ko.
Naramdaman ko na hinawakan niya ang mukha ko at dahan-dahan iyong inilayo sa dibdib niya. Inayos niya ang magulo kong buhok at inilagay ang mga takas sa likod ng tainga ko. Pinalis niya rin ang mga luhang lumandas sa aking pisngi.
Tinitigan niya ako gamit ang seryoso niyang mga mata habang hawak niya ang magkabila kong pisngi.
“I’m sorry. I’m sorry if I always make you confused. Sorry kung dahil sa akin ay iba-ibang emosyon na ang nararamdaman mo kapag magkasama tayo. Sorry rin kung bigla kitang hinalikan kanina. Sorry kapag iniinis kita, kapag ginagalit kita, kapag napapaiyak kita, tulad ngayon. Sorry, baby... Sorry rin kasi may kahalikan akong ibang babae kanina sa dancefloor. Sorry kung napagselos kita dahil doon. Siya naman iyong unang nanghalik. Pero alam kong kasalanan ko pa rin dahil hinayaan kong halikan niya ako.
“Iyong tungkol naman kay Hannah, sorry rin. Last week ay nag-sorry sa akin si Janine dahil nagsisisi na raw siya sa ginawa niyang pambi-brainwash sa ‘yo. At alam ko na isa si Hannah sa grupo nina Janine, sa grupo na nagtangkang paghiwalayin tayo. Galit ako sa kanila pero dahil makulit si Hannah ay hindi ko siya napigilan kapag pumupunta siya sa bahay. Sorry kung hinayaan kong lumapit sa akin si Hannah. I promise that after this, itataboy ko na siya.”
Niyakap niya ako nang mahigpit.
“And to tell you, tama ka, hindi ka laruan. Hindi ka kabilang sa mga babae ko. Hindi mo sila katulad at hindi sila katulad mo. Back to the very first moment that I saw you, nalaman ko na kaagad na iba ka sa lahat. I may have kissed many girls but I only loved you. Ikaw lang iyong babae na minahal at mamahalin ko. You’re special and unique. You are special because you are Beatrix Lynn Soledad. You are unique because I love you.”
Napahikbi ako at ipinulupot ko ang mga braso ko sa kanya.
“Inaamin ko na sobra talaga akong nasaktan dahil sa ginawa mo almost five months ago. Kaya noong nagkita ulit tayo ay naisipan kong maghiganti. Noong hiniling mo ang kapatawaran ko ay naisipan ko na hindi kita papatawarin. Naisip ko na papahirapan at sasaktan muna kita. But I’m wrong. So wrong, Beatrix. Dahil hindi ko pala kayang nakikita ka na nasasaktan o nahihirapan. Kaya hindi mo na kailangan pang hilingin ang kapatawaran ko, dahil pinapatawad na kita. Kahit na ilang kasalanan pa ang gawin mo, kahit na ilang beses mo pa akong saktan, kahit paulit-ulit pa, paulit-ulit din kitang papatawarin.”
Parang gusto ko na lang itigil ang oras dahil gusto kong manatili na lang kami roon. Gusto ko na laging gano’n, iyong nagiging malinaw ang mga bagay-bagay.
“I would never cheat on you. Hinding-hindi kita ipagpapalit. I’d be a good boy just like before noong naging tayo.” Kumalas siya sa pagkakayakap at hinarap niya ulit ako. “I will court you again. At papasagutin ulit kita ng oo.” At pinatakan niya ng halik ang aking noo.
Naging kalmado ako. Ang puso ko ay naghuhurumentado pa rin pero kalmado na ang isip ko.
Masakit ang ulo ko nang gumising ako kinabukasan.
Tumayo ako mula sa higaan ko at hindi pa ako nagsisimulang lumakad nang naramdaman ko na naduduwal ako. Tumakbo ako patungong banyo at hinanap ang sink para sumuka.
Hindi ko nagustuhan ang amoy ng isinuka ko kaya binuksan ko ang gripo para ma-drain iyon. Pinilig ko ang ulo ko at nag-isip.
“Hangover ba ito?”
Kinuha ko na lang ang facial wash na nasa gilid ng sink at naghilamos ako ng mukha para matanggal ang tira-tirang makeup sa mukha ko.
Si Enrick ang nag-uwi sa akin at pinasalamatan siya nina Mommy at Daddy. Habang si Mommy naman ang nagpalit sa damit ko. Malaki ang pasasalamat ko dahil kahit na lasing ako ay naalala ko pa rin ang lahat.
Nang natapos akong maghilamos ay lumabas ako ng banyo at kinuha ang cellphone ko na nasa bedtable ko lang. Ini-scroll ko ang madaming unread messages na noon ko pa lang babasahin. Ang ilan doon ay mga bumati lang ng happy birthday. Iyong iba naman ay personal message na talaga.
Courtney:
Beatrix, nasaan ka na ba?
Jane:
Hey. I saw what you did doon sa expat. He deserves it, he’s a maniac.
Courtney:
Are you with Enrick?
Kenneth:
Courtney and I are looking for you. Are you still here in the bar? O umuwi ka na? Please, reply ka kaagad kapag nabasa mo ito. I’m really worried.
Courtney:
Hindi kita mahahatid pauwi. Tawagan mo na lang ang driver n’yo...
Ibinaba ko ang cellphone ko nang nai-open ko na lahat ng unread messages.
Nang dumating ang hapon ay inaya ako ni Courtney na pumunta sa isang bagong bukas na mall. As usual, sinundo na naman niya ako at pinayagan naman akong sumama sa kanya. Kasama pa namin si Jane.
Ang dami-dami nilang itinanong sa akin.
“Bakit bigla kang nawala kagabi? ‘Di ba kasama pa kitang pumunta sa dancefloor?”
“Huh? Hindi ako nawala. Nandoon lang ako. Baka hindi n’yo lang ako nakita.”
Nagsinungaling ako sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong sabihin na sumama ako kay Enrick kaya hindi nila ako nahanap. Iniba ko na lang ang topic hanggang sa ang pinag-usapan na lang nila ay tungkol doon sa pupuntahan naming mall.
Ilang sandali pa ang lumipas. Habang nagtatawanan sina Courtney at Jane ay tumunog ang cellphone ko.
“O, Beatrix? May tumatawag sa ‘yo?” Sumulyap si Courtney sa akin.
“Sino?” Nakiusyoso rin si Jane.
Nakita namin na nag-flash iyong pangalan ni Enrick sa screen ko at siya iyong tumatawag. Matagal ko nang in-unblock ang number ni Enrick, noong March pa. At iyon ang first time na tumawag siya sa akin mula nang gawin ko iyon.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Ficção AdolescenteBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
