Yugto 70: Commerce At Medicine
“After this, we’ll go to my parents,” sabi ni Enrick habang hinahalikan ang kamay ko.
Nasa sasakyan niya kami at kakarating lang sa bahay namin. Tumango ako sa kanya at tinanggal ko na ang seatbelts. Gano’n din ang ginawa niya at sabay kaming bumaba. Sinalubong kaagad ako ng kasambahay namin na nasa gate.
“Magandang gabi po, Ma’am, Sir,” bati nito.
Malumanay akong ngumiti habang naramdaman ko na hinawakan ni Enrick ang kamay ko.
“Manang, nandiyan po sina Daddy at Mommy?”
“Opo, Ma’am. Kararating lang ni Sir Eduardo.”
“Sige po.”
At dumiretso na kami sa malaking double doors. Bumungad sa akin ang masayang mukha ng kapatid ko.
“Mommy! Ate’s here!” deklara niya at nalaglag ang panga nang nakita kung sino ang kasama ko. “Who are you?”
“I’m your Kuya Enrick.” Binitiwan ni Enrick ang kamay ko para maglahad ng kamay kay Ryle.
Tinanggap naman iyon ni Ryle at walang hiya-hiyang ipinakilala ang sarili niya. “I’m Ryle Adrian Soledad!”
“Nice meeting you, Ryle.”
Mayamaya pa ay lumapit na sa amin si Mommy at nanlaki rin ang mata nang nakita si Enrick. “Beatrix? Enrick? O, pasok kayo.” Iginiya niya kami sa dining room at agad na nagpahanda ng makakain sa mga kasambahay.
“Sandali. I’ll call Eduardo,” paalam ni Mommy bago nagtungo sa office ni Dad.
Habang tinatawag ni Mommy si Daddy ay nakipag-huntahan naman si Ryle kay Enrick. Kapalmuks talaga ng kapatid ko.
“We have a visitor...”
Narinig ko ang papalapit na boses ni Mommy at nang nakabalik siya sa amin ay kasama na niya si Daddy. Daddy was still wearing his long-sleeves and slacks while Mommy was wearing her usual.
“Good evening po. I’m Enrick de Vera.” Mabilis na tumayo si Enrick mula sa kinauupuan niya.
“Good evening, hijo. I’m Amelia Soledad.” Bumeso si Mommy at nakipag-shake hands si Daddy.
“Eduardo Soledad.” Tumango si Daddy. “Kaano-ano mo si Federico de Vera?”
“Tatay ko po.”
“Oh! I know your father! Nagkakilala kami sa isang investment dati!” Humalakhak si Daddy at umupo na sa kabisera. Umupo sa tabi niya si Mommy at si Ryle naman ay nakisingit at umupo rin sa upuan niya. Nag-serve na kaagad ng samut-saring pagkain ang mga kasambahay.
“Dad... we’re here because I want to introduce Enrick to you as my—”
Pinutol ako ni Daddy. “As your boyfriend?”
“Opo.”
“Matagal mo na sa amin itong nasabi, ‘di ba? Noong high school ka pa lang.”
“Opo. Naging boyfriend ko siya noong grade twelve. But unfortunately we broke up before graduation. And nagkabalikan ulit kami kaya ipinapakilala ko na po si Enrick nang mas pormal sa inyo.”
Ilang sandali na natahimik ang lahat dahil sa sinabi ko. Feeling ko nga ay nakarinig na ako ng mga kuliglig dahil sa nangyaring katahimikan.
Hanggang sa binasag ng kapatid ko ang katahimikan nang nagtanong siya. “Mommy? Can I eat na?”
Unti-unting gumaan ang mood dahil sa ginawa ng kapatid ko.
Nagsimula na kaming mag-dinner at paminsan-minsan ay sumusulyap ako kay Enrick na nakatitig din sa akin. Habang kumakain ay pinaulanan kaagad siya ng mga tanong nina Mommy at Daddy. Nagmistulan kaming nasa isang interview o talkshow dahil sa dami ng tanong nila kay Enrick.
“So, tell me, hijo. Ano ang nagustuhan mo sa anak namin? Aside from her beautiful image, of course.”
Napainom na lang ako ng tubig dahil sa tanong ni Daddy.
“I love her good qualities along with her flaws and imperfections po. I also love her because she made me happy and she changed me.” Tumitig sa akin si Enrick at nag-iwas naman ako ng tingin.
Bahagyang naubo si Daddy dahil sa sinabi ni Enrick. “That’s just... sweet. Ganyan din ako nang na-in love ako sa Mommy ni Beatrix. Kasama kong minahal ang kanyang mga kamalian at pagkukulang.”
“Hijo, knowing that the de Veras are into business, I’m wondering, kung iyon din ba ang pangarap mo?” tanong ni Mommy. Halatang iniba niya ang topic.
“Yes po. Just like what my parents desired, and just like what I dream of, I want to be the successor of De Vera Lands.”
“Oh? Ibig sabihin ba nito ay Business Administration ang kukunin mong kurso?”
“Hindi po. Commerce po ang kukunin ko. I heard from Mom and Dad na mas mabuti kapag maalam ako sa business mismo at pati na rin po sa pamamalakad ng pera.”
“Oh, yes! Yes! Tama ka diyan!” si Daddy kay Enrick.
“If you’re planning for Commerce, which is a four-year course, are you willing to wait for our daughter?”
“Ano pong ibig ninyong sabihin?” tanong ni Enrick kay Mommy.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tahimik lamang si Ryle na kumakain dahil wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan.
“Ang ibig niyang sabihin, Beatrix is going to take up Medicine for college, which is a ten-year course... Sa kasalan din naman mapupunta ang relasyon n’yo kaya sinasabi na namin ito sa ‘yo... Are you willing to wait in those ten years? Dahil hindi namin papayagan si Beatrix na magpakasal nang hindi tapos sa pag-aaral... So I repeat, are you willing to wait for her? Hindi ka ba magsasawa o maiinip?” Si Daddy na mismo ang nagpaliwanag.
Nagulat ako roon. Bakit may kasal agad na nabanggit?
“Yes, Mr. Soledad. Hindi rin naman po ako nagmamadali. I’m willing to wait. Even if it will took ten years. Dahil kapag si Beatrix, walang matagal sa akin, walang nakakainip. And I assure your daughter that in those ten years and even after, ay siya lang ang mamahalin ko.”
Napalunok na lang ako sa naging sagot ni Enrick.
Just imagine how my world became like this. Back then, I hated Enrick to the moon and back. Pero isinulat na yata ng tadhana na si Enrick de Vera ay mamahalin ni Beatrix Soledad. And knowing destiny, it’s really inevitable. So, here I am... loving the man that I used to hate the most.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Dla nastolatkówBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
