Yugto 66

129 5 0
                                        

Yugto 66: The Western Boy

Maniniwala na sana ako na seryoso si Janine, kaso ay hindi naman ako tanga. Tandang-tanda ko pa kung paano niya ako kinausap noon sa KFC para sabihin na niloloko ako ni Enrick.

“Go ahead, tell me,” taas-noo kong sabi kay Janine. Siniguro kong nakakapangliit ang titig na ibinigay ko sa kanya.

“Uh... Beatrix, maiwan ko muna kayo rito. Mukhang masinsinan iyong pag-uusapan n’yo, eh. I’ll just go find Courtney,” paalam ni Jane. Bago ko pa siya mapigilan ay mabilis na siyang naglaho sa tabi ko.

Nilingon ko ulit si Janine. Parang hindi makabasag-pinggan iyong mukha niya. Pero huwag papadaya dahil hindi lahat ng nakikita sa labas ay siya ring nasa loob.

“Kagabi pa ito sa akin sinabi ni Joshua,” panimula niya. “Hindi ko alam kung kilala mo siya pero kaibigan din siya ni Enrick. He told me na nagpunta sila ni Leila sa Foursquare noong gabi ng birthday mo. Leila saw you with a foreign guy, expat. Na-video-han ni Leila kung paano ka hinalikan noong expat sa dancefloor. Ang ginamit na pang-video ni Leila ay ang phone ni Joshua...”

Nanlaki ang mga mata ko nang naalala ko ang lalaking humalik sa akin sa dancefloor. Spencer, the western boy.

“Nakita rin ni Joshua iyong pangyayari. Gustong ibigay ni Leila iyong video kay Enrick noong time na iyon, pero binawi ni Joshua ang phone niya kaya hindi naipakita o naibigay ni Leila kay Enrick ang video... Now, I’m going to ask you. Alam mo kung gaano ka kamahal ni Enrick, ‘di ba? Pero bakit mo iyon ginawa?”

Agad na uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

“They don’t know the truth! Hindi ko ginusto na halikan ako ni Spencer! Hindi ko kaagad napigilan si Spencer, dahil noong time na hinalikan niya ako ay nakita ko na may babae ring humahalik kay Enrick! Kaya hindi ko kaagad siya naitulak! And did they even watch me intently? Oo, hindi ko kaagad naitulak si Spencer, but after several seconds ay itinulak ko siya!”

“Wala akong sapat na patunay para sabihing nagsisinungaling ka o kung nagsasabi ka ng totoo. Pero ikaw ang nakakaalam sa sarili mo. So, if you are really telling the truth, kailangan mong pumunta sa bahay nina Leila ngayon din.”

“Why?”

“Ang ginamit na pam-video ni Leila ay ang phone ni Joshua. Hindi ipinakalat ni Joshua iyong video pero hindi niya rin ni-delete. At kaninang umaga, tumawag na naman sa akin si Joshua, saying na pumunta si Leila sa kanila para kuhanin iyong video sa cellphone niya.”

“Nakuha ni L-Leila iyong video?”

“Sadly, yes. Nakuha niya. Kaya kailangan mong pumunta sa bahay nina Leila. There’s a party at invited si Enrick doon. At doon ipapakita ni Leila iyong video.”

Bigla kong naalala ang text sa akin ni Enrick.

“What? No! Hindi niya pwedeng gawin iyon. Ni hindi niya alam ang buong istorya! People will think ill about me. Especially, Enrick!”

“Alam ko. At kung ayaw mo iyong mangyari you should do what I told you.” Hinawakan ni Janine ang balikat ko.

Sa ilang momento ay naniwala ako, natuliro, at nataranta dahil sa mga nalaman ko. Pero para akong pinitik at ipinaalala sa akin ang lahat ng panlolokong ginawa ni Janine, months ago.

Dahil sa kanya ay nag-break kami ni Enrick.

Marahas kong tinanggal ang kamay niya na nasa balikat ko. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa ginawa ko.

“Old habits die hard, huh? Ano? Akala mo ba maloloko mo ulit ako?”

Pinagtinginan kami ng mga tao pero wala akong pakialam.

“Ikaw ang sumira ng relasyon namin ni Enrick. Because of the damn lie that you told me! At ngayon, sinasabi mo sa akin ito? Why? Sa tingin mo maniniwala na naman ako? Dahil lang naging maayos na kami ni Enrick, nandito ka na naman para guluhin kami?”

“No!”

Natigil ako.

“Oo. Noon, nagsinungaling ako. Noon, pinlano ko at ng mga kaibigan ko kung paano kayo sisirain ni Enrick. Kasi ayaw ka namin para sa kanya. Kasi gusto namin, isa sa amin ang mahalin niya. So I told you a lie. Pero hindi ko ine-expect na maniniwala ka. At dahil naniwala ka, the plan went well. Naghiwalay kayo hanggang sa g-um-raduate na tayo,” mariin niyang sabi.

“At first, masaya ako. Masaya ako dahil nasira ko na kayo ni Enrick. Masaya ako dahil napalayo ko na iyong babaeng mahal ng mahal ko. Pero noong g-um-raduate tayo? Noong sinabi mo iyong speech mo sa harap naming lahat, noong pinasalamatan mo si Enrick? Na-realize ko na mahal mo pala talaga siya. Na hindi mo deserve iyong ginawa ko. I’m sorry, Beatrix...”

Tumulo ang mga luha niya. I’m a bit shocked. Hindi ko na alam.

“Akala ko kasi kapag napaghiwalay ko na kayong dalawa, magkakaroon na ako ng chance kay Enrick. Pero hindi pala. Kasi ikaw lang iyong mahal niya. Ngayon ay naiintindihan ko na. Mas okay nang ako iyong masaktan kapag nakikita ko kayong dalawa na magkasama. Kaysa iyong masaktan ako kapag nakikita ko si Enrick na nasasaktan dahil hindi ka niya kasama...”

Naestatwa na lang ako roon. Si Janine ba talaga iyon? Siya ba talaga ang nasa harapan ko?

“Nagsisisi na ako sa ginawa ko sa inyo noon. Lahat ng tao pupwedeng magbago. Not all liars are still liars in the end. Not all villains are purely evil and bad. Sometimes there is a twist. Sometimes the villains will be the heroes in the end of a story. Kaya tigilan mo na iyong pag-iisip na nagsisinungaling na naman ako. Kasi ngayon, purong katotohanan lahat ng sinabi ko... You just have to trust me...” She smiled sadly. At nakita kong may dumaan na sakit sa kanyang mga mata.

Nag-iwas ako ng tingin.

“Beatrix... Beatrix...”

Nakita ko na tumakbo si Jane patungo sa amin.

“I’m sorry. Nakita ko lang kasi ito. Kumakalat sa internet, eh. It was posted by Leila Cortez herself. Walang nakalagay na tag pero...”

Ni-play niya ang isang video.

Halos mapamura ako nang nakita ko kung anong video iyon.

Lahat ng sinabi ni Janine ay totoo.

Klarong-klaro sa video ang mukha ko at ang mukha ni Spencer. Sa unang parte ng video ay ipinakita na sumasayaw si Spencer sa likuran ko hanggang sa sinimulan na niyang halikan ang leeg ko. Ilang segundong puro gano’n bago natapos ang video. Hindi nakunan noong tinulak ko si Spencer.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon