Yugto 61

121 14 0
                                        

Yugto 61: Dancefloor

Sumandal si Courtney sa couch matapos niya iyong sabihin. Binitiwan ko ang nilalarong shotglass at napatitig na lang sa dancefloor. Nagpalit ng music ang deejay at mas naging wild pa ang mga sumasayaw.

Dumating ang in-order kong tubig at nagpasalamat ako roon sa nag-serve.

"Hay, naku!" biglang sigaw ni Courtney at halos padabog niyang ibinagsak ang bote ng beer sa lamesa. Natigil ako sa pag-inom ng tubig para tingnan siya.

"Bakit ba tayo nagmumukmok dito? This is an after party for Pete's sake. We should be dancing. Come on!" Hinila niya ako patayo.

"Ayoko," pagtanggi ko pero mas nilakasan niya ang paghila sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya.

Nang nakarating kami sa dancefloor ay halos malunod ako sa dami ng tao na nandoon at sumasayaw. Hawak pa rin ni Courtney ang kamay ko at nagsimula na siyang magsayaw nang nakapikit. Kahit na noong una ay ayaw ko, nang naglaon ay sinabayan ko na rin ang bawat indak na ginawa niya.

Bakit ako matatakot na gawin ang mga bagay na gano'n? That was fun. That was freedom. At bakit ako magmumukmok sa couch habang hinihintay na makita si Enrick? Kung pwede naman pala akong sumayaw?

Hindi ko na namalayan na dahil sa sobrang pagsayaw ko ay nawala na pala sa harap ko si Courtney. Kung saan man siya napunta ay hindi ko na alam. At dahil sa dami ng tao sa dancefloor ay hindi ko na siya nahanap sa paningin ko.

Ang bawat beat ay sinabayan ko. Habang tumatagal ay naramdaman ko na medyo nanlabo ang aking paningin. Siguro ay dahil na rin sa dami ng nainom kong shots.

"Hey, beautiful."

Naramdaman ko na may humapit sa baywang ko. Napalingon ako sa nagsalita at bahagya akong natigil sa pagsasayaw. I saw a boy. Western boy, I thought. Siguro ay kasing edad ko lang siya at hindi ko naikaila ang pagiging dayuhan niya dahil sa kanyang kulay green na mata at blond na buhok.

Bahagya akong lumayo sa kanya. Hindi ako kumportable na may nakakalapit sa akin nang gano'n

"Hey, don't go away," sabi niya at mas lalo pang inilapit ang katawan niya sa akin habang sumasayaw. "I'm Spencer. And you are?"

"Beatrix," tipid kong sabi at kahit anong gawin ko ay hindi pa rin ako kumportable sa kilos niya.

"Beatrix. You're beautiful," ulit niya.

"T-Thanks."

Habang tumatagal kami sa gano'ng posisyon ay mas lalong hindi ko nagugustuhan. Patuloy siya sa paghapit sa baywang ko at pagsayaw sa likuran ko.

"Um... Spencer, I need to go."

Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa baywang ko pero parang wala siyang narinig at mas hinigpitan pa niya ang hawak niya sa akin. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang hininga niya sa batok ko.

"Stop," saway ko.

"I don't want to." He chuckled at nagtaasan yata ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Luminga ako sa paligid at sinuri ko ang mukha ng mga taong nagsasayaw. Hindi ko nahagilap ang mga kakilala ko. Sa gitna ng paggala ng mga mata ko ay nahagip ng paningin ko ang pamilyar na mukha.

It was Enrick.

Nandoon din siya.

Kahit na medyo malayo siya sa akin ay sigurado akong siya iyong nakita ko. Suot pa rin niya iyong formal attire niya. Ang kaibahan nga lang ay hindi na niya suot ang coat niya. He was dancing with a girl. Isang babae na mahaba ang brown na buhok at makurba ang katawan.

Naestatwa ako dahil sa nakita ko.

Habang sumasayaw ang babae ay mas inilapit nito ang katawan sa katawan ni Enrick. Napalunok na lang ako.

Hanggang sa naramdaman ko ang dila ni Spencer sa leeg ko. Spencer started licking and kissing my neck.

"So beautiful," dinig kong sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Kasabay ng paghalik ni Spencer sa leeg ko ay ang paghalik din ng babaeng kasayaw ni Enrick sa kanya. Nanlamig ang buo kong katawan. Hindi iyon ang unang pagkakataon na may nakita akong may lumandi kay Enrick. But that was... too much. To the point that they were kissing passionately.

I remembered Dana.

Gamit ang buo kong lakas ay itinulak ko ang lalaki na humahalik sa leeg ko.

"Bastos!" sigaw ko at tinalikuran ko siya. Bahagya akong pinagtinginan ng mga tao dahil sa ginawa ko.

"What the?! Hey, wait!" dinig kong sigaw ni Spencer pero hindi ko siya nilingon.

Nagpatuloy ako sa pagmamartsa sa gitna ng dancefloor. Halos itulak ko ang mga taong nakaharang sa daan ko. Mabilis akong nakalapit sa kinaroroonan ni Enrick at ng babaeng kahalikan niya. Gamit ang natitira kong lakas ay buong pwersa kong itinulak iyong babae palayo sa kanya.

Ramdam ko ang titig at rinig ko ang bulong-bulungan noong mga tao sa dancefloor dahil sa ginawa ko. Nakita ko rin ang malanding ekspresyon noong babae. "What the hell? Who are you?" tanong niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Mabilis kong kinuha ang kamay ni Enrick at hinila ko siya mula roon.

"Beatrix? What the fuck?"

Binalewala ko ang sinabi ni Enrick at hinila ko siya nang hinila hanggang sa nakaalis kami sa dancefloor. Hanggang sa nakalabas kami ng bar at nakapunta kami sa parking lot ng Foursquare.

Binitiwan ko na ang kamay niya.

"What the hell are you doing?!" Ginulo niya ang buhok niya at mariin akong tinitigan. Kita ko na pulang-pula ang mukha niya dahil siguro sa kalasingan.

"Ikaw ang dapat tanungin ko niyan! What the hell are you doing Enrick?!" Itinulak ko siya pero hindi siya napaatras.

"Ano? Anong sinasabi mo? Are you talking about the girl that I'm kissing?"

"Oo! Siya nga! Siya nga! Bwisit ka! Walang hiya ka!" I tried to punch him pero umilag siya. "You're a damn playboy! I hate you!"

Sa bawat suntok ko ay hinuli niya ang kamao ko. Humakbang siya palapit sa akin at napaatras naman ako hanggang sa wala na akong naatrasan dahil pader na ang nasa likuran ko. Inilagay niya ang isa niyang kamay sa taas ng ulo ko, at ang isa pa niyang kamay ay nasa mga kamao ko naman.

"Why, Beatrix?"

Kasabay ng pagsabi niya noon ay ang pagdampi ng mainit niyang hininga sa mukha ko dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon