Yugto 55: Betadine At Gasa
Nagtiim-bagang ako noong sinamahan ni Enrick si Hannah papasok sa bahay nila. Nagkatinginan kaming tatlo nina Alec at Courtney.
Mayamaya pa ay narinig ko ang malakas na tili ni Hannah.
Napalingon kaming tatlo. Nakita ko na nakapaluhod si Hannah at nakahawak sa ankle niya. Nakaupo rin si Enrick sa harap niya at cino-comfort siya.
“What happened?” Mabilis na lumapit si Alec sa kanilang dalawa.
Gano’n na rin ang ginawa namin ni Courtney.
“Natapilok siya,” si Enrick.
“I-I think, I-I broke my ankle.” Humagulgol si Hannah at yumakap kay Enrick.
Nagtiim-bagang ako.
“Alec, kunin mo iyong first aid kit sa kwarto ko,” sabi ni Enrick at mabilis namang sumunod si Alec.
“Calm down, Hannah,” ani Courtney. Sinuri niya ang dumugong ankle ni Hannah. “Shit. This needs betadine and alcohol.”
“A-Alcohol? Ayaw ko noon. Mahapdi iyon.” Umiling siya habang umiiyak. “Enrick...” Mas lalo pa niyang niyakap si Enrick.
Hindi nagtagal ay bumalik na si Alec na may dalang first aid kit. Agad naming hinalungkat ang first aid kit. “Ubos na iyong betadine,” sabi ni Alec nang nakitang walang lumabas na liquid mula sa bote ng betadine.
“Mayroon pang alcohol at bulak.” Kinuha ko ang alcohol na nakita pati iyong bulak.
“Wala nang betadine at gasa. How are we going to cure her?” tanong ni Courtney.
“Enrick, bumili na lang kayo ni Beatrix sa may pharmacy store,” wala sa sariling sabi ni Alec at kinuha ang alcohol at bulak mula sa akin. Inalalayan naman ni Courtney si Hannah patayo at lumakad sila papasok sa sala para maiupo siya sa couch.
“P-Pero sinong mag-aalaga kay Hannah?” nauutal kong tanong.
“Kami na ni Courtney ang bahala kay Hannah. Bumili na muna kayo ng betadine at gasa.”
“Kung si Manang na lang kaya?” si Enrick habang inaayos ang first aid kit. Hindi niya ako tiningnan.
“Day-off ng mga kasambahay n’yo ngayon, ‘di ba?” giit ni Alec.
“Yeah.”
“Alam mo naman pala. Kaya wala kang mauutusan na iba. Kayo na lang ni Beatrix ang bumili. We’ll take care of Hannah.” Tinalikuran na kami ni Alec.
Walang imik din akong tinalikuran ni Enrick doon. Naestatwa ako at hindi ko alam ang gagawin ko.
“Ano pang hinihintay mo diyan?” malamig na tanong ni Enrick nang napansin na hindi ako gumalaw roon.
“W-Wala,” nauutal kong sabi at sumunod na sa kanya.
Pinatunog niya ang sasakyan niya at pumasok na roon. Nanatili akong nakatayo roon sa labas dahil hindi ko alam kung saan ako uupo. Sa backseat o sa front seat?
Binuksan niya ang pintuan ng front seat habang nakaupo sa driver’s seat. “Get in.”
Naupo na ako sa front seat at pinaharurot na niya ang sasakyan.
Halos dumugin kami ng crickets dahil sa sobrang tahimik naming dalawa. Para rin akong robot na nakatingin lang nang diretso sa daanan. Hindi ko nagawang magsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Huminto kami sa isang pharmacy store na nadaanan namin. Tinanong ko kaagad ang babae na nasa front desk kung mayroon ba silang betadine at gasa. Binigyan niya naman ako ng nanghihinayang na ekspresyon at nagtagal ang titig niya kay Enrick.
“Ay, sorry ho, ma’am at ser. Ubos na.”
Hindi ako makapaniwala na naubusan sila ng gano’ng supplies. Kaya naman sumakay ulit kami ni Enrick sa sasakyan niya para maghanap pa ng tindahan na mabibilhan ng betadine at gasa.
“Ay, wala na po.”
“Ubos na po. Try n’yo na lang na magtanong sa iba.”
“Naubusan na kami ng stock.”
Sa limang pharmacy na napagtanungan namin ay puro iyon ang isinagot nila.
Madilim na ang langit at ala-sais na ng gabi pero wala pa rin kaming nakitang betadine at gasa. Pinaglalaruan ba kami ng tadhana?
Frustrated na talaga ako nang sumakay ulit kami ni Enrick sa sasakyan niya.
“Bakit palagi na lang walang betadine at gasa iyong napupuntahan natin? What’s up with pharmacies today?” inis kong tanong habang inaayos ang seatbelt ko.
Nagsimula nang mag-drive si Enrick at doon ko lang namalayan na mali pala iyong ginawa ko. Bakit pa kasi ako nagsalita? Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa inis. Nanatili siyang nakatitig sa daan at hindi niya ako kinausap. Nahiya ako dahil wala man lang siyang ini-respond sa sinabi ko.
Kinagat ko na lang ang labi ko.
Kung bakit ba kasi kami inutusan ni Alec.
“Why are you biting your lip?”
Napalingon ako dahil nagsalita si Enrick. For the very first time, nagsalita siya. Gustong maghurumentado ng puso ko dahil nagsalita siya. At hindi lang basta salita, tinanong niya ako.
“Uh... wala lang ito.” Tinigilan ko ang pagkagat sa labi ko at bumagsak ang tingin ko sa mga kamay ko.
Ang awkward.
Lumipas pa ang maraming minuto at nanatili ang awkward moments namin ni Enrick sa loob ng sasakyan niya. Hanggang sa nakakita na naman kami ng isang pharmacy sa daan. Mabilis kaming bumaba mula sa sasakyan para makapunta roon.
Laking pasalamat ko nang mayroong tindang betadine at gasa ang naturang pharmacy. Kaya naman bumili na si Enrick.
Pero noong pabalik na kami sa sasakyan niya ay narinig namin ang boses ng kahera noong pharmacy.
“Sandali lang po!”
Napalingon kami sa kahera na tumakbo papunta sa amin. Huminto kami sa paglakad para lang dinggin ang kung anong sasabihin niya. “Nakalimutan n’yo iyong sukli n’yo,” anang kahera sabay abot kay Enrick ng malulutong na mga isang-daang piso.
Namula pa nang bahagya ang pisngi ng kahera nang kunin ni Enrick ang pera.
“Thank you,” sabi ni Enrick habang nakatingin doon sa pera. Inilagay niya iyon sa loob ng wallet niya.
“Pasensya na po kung naistorbo ko kayo ng girlfriend n’yo,” sabay tingin sa akin ng kahera.
Ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang naproseso ng utak ko kung ano ang sinabi ng kahera. Mabilis akong umiling. Kasabay noon ay ang pag-iling rin ng kanang kamay ko. “H-Hindi! Hindi niya ako girlfriend!” sabi ko. Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa aking pisngi.
“Iba ang boyfriend niya,” si Enrick sabay tingin sa kahera.
“Ay, hindi po kayo ang boyfriend niya?” tanong ulit ng kahera.
“Hindi,” simpleng sagot ni Enrick at naestatwa na talaga ako roon.
Nagpabalik-balik ang tingin sa amin noong kahera, bago siya nagdesisyon na magpaalam at bumalik na ulit sa pharmacy nila. Naglakad si Enrick patungo sa sasakyan niya habang hindi ako nililingon. Sumunod ako sa kanya at mabigat ang bawat hakbang na ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Ficção AdolescenteBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
