Yugto 56

123 14 0
                                        

Yugto 56: Forgiveness

Nang nasa loob na kami ng sasakyan at nagmamaneho na si Enrick ay nanatili kaming tahimik. Pakiramdam ko ay hindi niya ako kakausapin kahit na magsalita pa ako.

Natigil lang siya sa pagda-drive nang na-stuck kami sa traffic. Nakahawak pa rin siya sa manibela at nakatuon ang titig sa kalsada. Ang mga features ng mukha niya ay lumutang dahil sa maliliwanag na city lights.

Hanggang sa hindi ko na kinaya. “Ano iyong sinabi mo sa kahera kanina?”

Wala akong pakialam kung mas magiging awkward ang sitwasyon namin dahil sa tanong ko. Gusto ko lang malaman kung saan niya napulot ang ideya na may boyfriend ako.

“What about it?” Sinulyapan niya ako sa rearview mirror.

Ayaw kong mainis sa kanya, pero siya ang gumagawa ng dahilan para mainis ako. Bakit kalmado lang siya? Bakit parang wala lang sa kanya iyong sinabi niya roon sa kahera? Talaga bang akala niya ay may boyfriend ako?

“Bakit mo sinabi na may boyfriend ako?”

“Totoo naman, ‘di ba?”

“Wala akong boyfriend.”

“Stop lying.” Umiling-iling siya.

“I’m not lying.”

“You’re lying,” madiin niyang sabi. Ibinaling niya sa akin ang malamig niyang titig at kinabahan agad ako.

“I’m not.”

“Come on, Beatrix. Hindi naman ako magagalit kung mayroon kang boyfriend. So, you don’t have to hide it anymore. And besides, sino ba ako para magalit? Wala naman nang tayo. We’re done. Right?”

Nagkatitigan kami. Nasaktan ako sa sinabi niya. Pinagdiinan niya pa talaga sa akin na wala nang kami kaya tanggap na niya kung mayroon akong boyfriend.

“I’m not hiding anything. Wala nga akong boyfriend.”

“It’s okay, Beatrix. You can tell me the truth. Hindi ako magagalit.”

At parang nalagot na ang aking mahabang pasensya sa mga minutong iyon. Bakit ba ipinagpipilitan niya na may boyfriend ako? Bakit ayaw niyang maniwala sa akin?

“I’m telling the truth! Wala akong boyfriend! Kaya pwede ba? Tigilan mo na iyong pagsasabi na mayroon akong boyfriend kasi ang totoo ay wala!” Iritadong ekspresyon ang ibinigay ko sa kanya.

Nanatili siyang nakatitig sa akin. “Why are you getting so serious? Guilty?” He smirked.

“I’m not guilty!” giit ko. “Bakit ba kasi ayaw mong maniwala sa akin?”

“Bakit ayaw kong maniwala sa ‘yo? Well, you should ask yourself. Bakit nga ba ayaw kong maniwala sa ‘yo? Back then, you told me you love me pero nakipag-break ka rin naman. So tell me now, paano pa ako maniniwala sa ‘yo?”  Ginulo niya ang buhok niya habang nag-iiwas ng tingin sa akin.

Napalunok ako.

“Masayang-masaya ako noon, Beatrix. Masaya ako noong panahon na sinagot mo ako at noong naging tayo. Pero nabasag ang kasiyahan na iyon noong nakipagkita ka sa akin sa Tous Les Jours.”

Nangilid ang mga luha ko dahil sa pag-iiba bigla ng topic namin.

“You broke up with me, saying that I just fooled you so that I could be the first honor. Pero, Beatrix, hindi naman kita niloko! Minahal kita! Paulit-ulit ko iyong sinabi sa ‘yo pero ayaw mong maniwala. I tried to explain, na hindi talaga kita gi-ni-rlfriend para lang i-distract ka sa pag-aaral mo, but once again, you never believed me.” Umigting ang panga niya at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.

“Hanggang sa binagsak ko na ang lahat ng subjects. Sa tuwing may quizzes, I made sure that my score was zero. Hindi rin ako nagpasa ng projects. Ginawa ko ang lahat ng iyon para ipakita sa ‘yo na wala akong pakialam kahit first honor ako o hindi. Kasi ang totoo, gusto lang kitang makasama. I know I’m crazy but that’s the truth!”

Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang paghikbi.

“But I’m wrong. Kahit na naging seventy-five na ang average ko noong fourth quarter. At kahit na ikaw na ang Valedictorian ay hindi mo pa rin nakita. Hindi mo pa rin nakita na hindi kita niloko para sa grades at minahal talaga kita. But it’s okay. They say that love is all about sacrifice.”

“Nakita ko Enrick,” marahan kong sabi. Napalingon siya sa akin at pinunasan ko ang luha ko. “Nakita ko iyong sakripisyo na ginawa mo.”

“Oh, really?” sarkastiko niyang tanong. Nakita kong kinuyom niya ang kanyang kamao sa manibela. “Kung nakita mo talaga iyong sakripisyo ko, sana noong nagmamakaawa ako sa ‘yo na ayusin natin iyong relasyon natin... sana pumayag ka.”

“Hindi ako pumayag noon kasi naniwala ako kay Janine! Siya iyong nagsabi sa akin ng mga bagay na iyon, she told me that you are just fooling me.” Humagulgol ako at tinakpan ko na lang ang mukha ko.

“Noong nalaman ko kay Janine na niloloko mo lang ako ay naging pabigla-bigla iyong mga kilos ko. Nagdesisyon agad ako kahit na hindi ko pa naman alam kung purong katotohanan ba iyong sinabi ni Janine o hindi. Nakipag-break agad ako sa ‘yo nang hindi man lang iniisip na pwede pala kitang masaktan. I should’ve let my love be bigger than my doubts and unsureness. Sana hindi ako nagpadalos-dalos. Sana hindi agad ako naniwala sa ibang tao. Sana nagtiwala ako sa ‘yo.”

Umigting ang panga ni Enrick habang nakikinig sa akin.

“Then, kinausap ako ni Alec at sinabi niyang hindi mo ako niloloko. Noong nalaman ko iyon at noong nalaman ko na hindi pala totoo iyong sinabi sa akin ni Janine ay sobra akong nagsisi. Walang araw na hindi ko inalala iyong gabing nakipag-break ako sa ‘yo. I regret it...” sabi ko habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa aking mukha.

“Paulit-ulit akong magso-sorry sa ‘yo kasi alam kong kasalanan ko. Sorry. I’m really, really sorry—”

“Stop it,” narinig kong sabi niya.

Napamulat ako at tinanggal ko ang mga kamay ko na nakatakip sa aking mukha at mata.

“E-Enrick...”

“I said stop it.”

Naitikom ko na lang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Pumikit siya nang mariin at ginulo niya ang buhok niya.

“I’m just asking for your forgiveness. Hindi ko naman na hinihiling na magbalikan tayo o ano... just, just your forgiveness...”

Inaamin ko na may parte sa akin ang gusto pa rin siyang makasama. Pero alam kong sobra na kapag nangyari pa iyon. Hindi gano’n kadali ang iniisip ko. Kapag hiniling ko pa na bumalik kami sa dati ay baka hindi niya maibigay iyon. Masyado ko siyang nasaktan.

Sa ilang segundo ay hindi siya nagsalita. At sa sobrang tahimik ay halos marinig ko na ang huni ng mga kuliglig.

“You’re asking for my forgiveness? Then I’m telling you, that it will take more than this for you to earn that,” sabi niya habang titig na titig sa akin.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon