Yugto 62

144 13 0
                                        

Yugto 62: We Need To Talk

“Are you jealous?” Enrick smirked. Amoy alak ang hininga niya, nakainom nga siya.

Pilit kong ikinunot ang noo ko. “Oo! I’m jealous, Enrick! Ano? Okay na?”

Natigil siya at halos matunaw ako nang titigan niya ako nang mariin. Binitiwan niya ako at mabilis niyang ginulo ang buhok niya.

“You’re jealous,” bulong niya sa sarili niya.

“You’ve experienced my jealousness but you don’t deserve it, anyway.”

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para kumawala sa kanya. Tinalikuran ko siya at bumalik ako sa loob ng bar. Kahit pa narinig ko na tinawag niya ang pangalan ko ay hindi ko siya nilingon.

Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at bakit ko iyon ginawa.

Sana pala ay hinayaan ko na lang ang halikan nila ng babaeng iyon. Dapat ay hindi ko na sila pinigilan. Dapat ay hindi ako nagselos. Kasi sino ba naman ako? Ako si Beatrix Soledad, Enrick’s ex-girlfriend.

Ex na niya ako kaya wala na akong karapatan.

Pagkabalik ko sa bar ay mabilis kong hinanap ang couch na inupuan namin. Nakita kong nandoon pa rin ang iilan naming kasama. Pero hindi ako dumiretso roon. Sa halip ay pumunta ako sa dancefloor.

“Beatrix!”

Narinig kong tinawag ako ni Enrick pero hindi ko siya nilingon. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinundan. Nagpatianod ako sa mga sumasayaw na tao sa dancefloor. Itinaas ko ang mga kamay ko habang sumasayaw. Dahan-dahan ko ring ipinikit ang aking mga mata.

Pero napamulat ako nang naramdamam ko na may daliring sumalat sa hita ko. Nakita ko si Enrick na nakahawak sa suot kong mini dress. Pilit niyang ibinaba ang laylayan noon dahil tumataas iyon kapag gumagalaw ako.

“Makikitaan ka na sa sobrang ikli ng suot mo,” suplado niyang sabi.

Itinulak ko siya at nagpakalayo-layo. Humanap ako ng pwesto sa dancefloor kung saan hindi niya ako masusundan. Pero kahit na gano’n ay nasundan niya pa rin ako.

“Stop following me, Enrick!” singhal ko sa kanya dahil nasa harapan ko na naman siya. “What do you want?”

“We need to talk, Beatrix,” marahan niyang sabi at lumapit sa akin. Niyakap niya ako mula sa likod at naramdaman ko ang biglang paghataw ng puso ko.

Bwisit. Dapat pala ay hinanap ko na lang si Courtney at nagpahatid ako pauwi kaysa iyong si Enrick ang kasama ko.

“Enrick, will you stop acting like you’re my boyfriend because you’re not. Bumalik ka na roon sa babaeng kahalikan mo kanina. Leave me here alone!”

“Ayoko,” bulong niya sa tainga ko habang hinihigpitan ang yakap. Hindi ako nakasayaw o nakagalaw man lang dahil sa ginawa niya.

Naiinis ako sa kanya. May kahalikan siyang babae, pero dahil lang nalaman niya na nagselos ako ay naging gano’n na siya. Dapat pala ay hindi ko na lang ipinaalam kung ano ang tunay na damdamin ko.

“We need to talk, Beatrix,” mas seryoso niyang sabi.

“We’re already talking.”

“No. Not here. We need to talk somewhere else.”

“Ayoko! Kung gusto mo akong makausap, mag-uusap tayo rito. At hindi sa ibang lugar.”

“Beatrix, don’t make this hard. We need to talk.”

“Then talk! Here!” naiinis kong sigaw sa kanya.

“No. Not here. Ang sabi ko ay sa ibang lugar tayo mag-uusap.” Iniharap niya ako sa kanya.

“Ang sabi ko, rito tayo mag-uusap,” pagmamatigas ko.

“Beatrix...”

“Ano?” Nagtaas ako ng kilay. “Kung ayaw mong rito tayo mag-usap, then huwag na lang tayong mag-usap.” Humalukipkip ako.

Nagulat na lang ako nang bigla kong naramdaman na hinawakan niya ang aking likuran at ang mga hita ko. Doon ko na-realize na binuhat pala niya ako. Agad na nag-panic at tumili ang ibang nakakita sa ginawa niya. Habang iyong iba naman ay walang pakialam at tuloy pa rin sa pagsayaw.

Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Enrick habang binubuhat niya ako at habang tinutulak ko ang dibdib niya para makawala.

“Ano ba, Enrick? Ibaba mo nga ako!” Pakiramdam ko ay napagot ang vocal chords ko dahil sa lakas ng boses ko.

“Enrick!” Patuloy ako sa pagsigaw at pagpadyak dahil hindi niya ako ibinaba. Feeling ko nga ay may mga tao na akong natadyakan.

Ibinaba niya lang ako nang nakarating na kami sa parking lot ng Foursquare.

“Ano bang problema mo?” galit kong tanong.

“I said we need to talk,” aniya sa matigas na Ingles.

“Ang kulit mo rin, ‘no? Ang sabi ko, kung gusto mong mag-usap tayo ay roon tayo sa loob ng bar mag-uu... Hoy! Ano ba!”

Napatili ako dahil bigla na naman niya akong binuhat.

“Enrick! Put me down!” Parang maiiyak ako sa inis dahil sa ginawa niya.

Ramdam na ramdam ko ang paninigas ng braso niya habang buhat niya ako. Noong nakarating kami sa tapat ng sasakyan niya ay kaagad niyang binuksan ang pintuan ng front seat at binitiwan niya ako roon.

“Enrick! Bwisit ka! Ano ba...?” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinarado niya kaagad ang pintuan ng kotse niya. Ginulo ko ang buhok ko at tinangka kong buksan ulit ang pintuan para makalabas pero naka-lock na iyon.

Tinadyakan ko ang sahig ng sasakyan sa sobrang frustration.

Binuksan ni Enrick ang pintuan ng driver’s seat at sinarado rin nang nakaupo na siya roon. Nasulyapan ko ang itsura ko sa rearview mirror. Gulong-gulo na ang buhok ko dahil sa mga ginawa niya. Ang messy bun na ginawa ko ay mas naging messy pa.

“Ang kulit mo kasi. I told you that we need to talk,” sabi niya habang niluluwagan ang suot na necktie.

Halos magdugtong ang kilay ko dahil sa frustration.

Gano’n ba talaga ang mga playboy? Hindi marunong makontento sa isang babae? Hindi siya nakontento roon sa babaeng kahalikan niya sa loob ng bar kaya dinamay pa niya ako sa koleksyon niya ng mga babae.

“I hate you! Palabasin mo nga ako rito! Ayaw ko rito!” sigaw ko at itinulak ko ang pintuan ng sasakyan.

“Kahit anong gawin mong tulak diyan, walang mangyayari. Hindi mo iyan mabubuksan.”

Inirapan ko siya at sinubukan kong pindutin iyong button na nag a-unlock ng car doors pero pinigilan niya ang kamay ko. Sobrang nakakainis.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon