Yugto 65

125 5 0
                                        

Yugto 65: Karapatan

“Uy!” si Jane at kinurot ako sa tagiliran.

Umirap naman ako bago ko sinagot ang tawag. “Hello?” bungad ko.

“Hi. Naistorbo ba kita?”

Parang gusto kong matunaw sa boses ni Enrick. Naalala ko iyong kiss.

“Uh. H-Hindi naman.”

“Uh. H-H-H-Hindi nemen.” Ginaya ni Courtney ang boses ko at binatukan ko naman siya kaagad.

Nagtawanan sila ni Jane.

“Bakit ka napatawag?” tanong ko sa kabilang linya.

“Gusto ko lang magpaalam sa ‘yo.”

At sa mga momentong iyon ay parang gusto ko na lang magpagulong-gulong dahil sa kilig na naramdaman ko. Para na akong baliw dahil sa boses niya.

Bakit ba mas lalong lumala ang epekto niya sa akin? Dahil ba sa bwisit na halik na iyon?

“Huh? Bakit ka naman magpapaalam?”

“Remember what I told you last night?”

Sinamaan ko ng tingin sina Courtney at Jane dahil nakikinig sila. Si Jane nga ay inilapit pa ang tainga niya sa phone ko na para bang maririnig niya si Enrick.

“Naaalala mo pa ba, Beatrix?”

Napabalik ako sa reyalidad nang biglang sumeryoso ang boses ni Enrick.

“Oo.”

“Leila’s brother is going to have a party and Leila invited me. Do you want me to go or not?”

“Ikaw ang dapat magdesisyon.”

“Akala ko ba naaalala mo iyong sinabi ko sa ‘yo kagabi? Ang sabi ko I’ll court you. It means, binibigyan kita ng karapatan sa akin dahil liligawan kita. May karapatan kang sabihin sa akin kung pinapayagan mo ba ako o hindi.”

Parang tumalon ang puso ko dahil sa sinabi niya. Parang gusto kong ngumiti nang sobrang laki.

“Syempre, pinapayagan kita. Leila’s your friend kaya dapat pumunta ka.” Pinaglaruan ko ang aking mga daliri.

“Alright.”

Ilang sandaling wala kaming kibuan. Hanggang sa...

“I love you,” malumanay niyang sabi sa kabilang linya.

Nagwala ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko rin ba ang I love you.

“Sige. Ibababa ko na ito. Bye.”

“Bye, Beatrix.”

Agad na nag-react ang mga bruha nang patayin ko ang tawag.

“Ayiee!” Humagalpak ng tawa si Courtney.

“Kinilig nemen keme deen,” pang-aasar ni Jane.

Inilingan ko na lang sila at inayos ang cellphone ko sa loob ng purse. “Tumigil nga kayo.”

Mag-aala-singko nang nakarating kami sa mall na tinutukoy nila. Malaki ang parking lot ng bagong tayo na mall kaya hindi nahirapan si Courtney na mag-park. Pagkapasok pa lang namin sa mall ay nanuot na sa balat ko ang lamig ng aircon. I was wearing an off-shoulder top and white wide-leg pants.

“Fastfood o restaurant?” tanong ni Courtney nang naghahanap na kami ng kainan sa loob ng mall.

“Restaurant,” sabay-sabay naming sabi.

Kaya pumunta nga kami roon sa restaurant na si Jane ang pumili. Nang natapos kumain ay sunod naman naming pinuntahan ang isang French fashion boutique. Pumili kami ng mga bags at accessories.

Lumipas pa ang mga oras. Marami kaming napuntahan na boutiques na halos si Courtney lang naman ang may nabibili.

“Cour, pagod na ako. Pwede bang pahinga muna? Sa massage muna tayo,” sabi ni Jane at inayos ang mga shopping bags na dala.

“Wait lang. Last na ito,” si Courtney bago pumasok sa isa na namang boutique.

“Hay, naku!” Jane whined.

“Mahal na mahal talaga ni Courtney ang shopping.” Ngumisi ako kay Jane at tumango naman siya nang maka-sampung beses bilang pagsang-ayon.

Kung saan-saang section napadpad si Courtney at sumunod lang kami ni Jane sa kanya.

“Anong mas bagay?” tanong ni Courtney sabay pakita ng dalawang magkamukhang dress pero magkaiba ang kulay.

“Iyong blue.”

“Iyong yellow.”

Sabay pa kami ni Jane kaya kinuha na ni Courtney ang parehong dress. Habang halos lantakan na ni Courtney ang store, ay inabala ko na lang ang sarili ko sa cellphone ko. Nakita kong may text doon si Enrick.

Enrick:
Nandito na ako sa bahay nina Leila. Magsisimula na ang party.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kaya hindi ko na lang ni-reply-an.

“Nakakita ako ng gwapo,” rinig kong sabi ni Courtney kaya napalingon ako sa kanya.

“Huh? Nasaan?” si Jane.

“Teka. Lalapitan ko,” sabi ni Courtney at umambang lalakad papunta roon sa gwapong nakita niya.

“Teka lang nga!” saway ko sa kanya habang tinatago ang phone ko. “Nakakita ka lang ng gwapo, lalapitan mo na kaagad?”

“Why not? I can’t waste my chance.”

“Courtney, hindi ito bar para makipag-flirt ka na lang nang basta-basta. Mall ito, mall!” si Jane.

“Jane, there is no wrong place when it comes to flirting.” At dire-diretso na ang martsa ni Courtney papunta roon sa gwapong nakita niya.

Napailing na lang kami ni Jane.

Pinanood namin ni Jane si Courtney. Nakalapit na ang bruha roon sa lalaki. Nagkunwari si Courtney na nabunggo niya iyong lalaki at nakipag-usap na siya. Napansin ko na bumaba ang titig noong lalaki sa katawan ni Courtney. For somebody’s sake, kakapuranggot lang naman kasi iyong suot na dress ng pinsan ko.

Umamba akong lalapit doon sa kanila pero hinawakan ni Jane ang braso ko para pigilan ako. Bago ko pa makwestyon si Jane dahil sa ginawa niyang pagpigil sa akin, ay nakita ko nang may lumapit na matangkad na lalaki sa dalawa.

Hindi ko narinig kung anong sinabi noong lalaki pero hinawakan niya ang baywang ni Courtney at hinila niya ang pinsan ko palabas ng boutique hanggang sa nawala na sila sa paningin ko. Naiwan naman iyong lalaki na dapat ay pagfi-flirt-an ni Courtney roon sa kinatatayuan niya.

“Sino iyon? Bakit sumama si Courtney sa kanya?” litong tanong ko kay Jane.

“Si Bryce,” tipid niyang sagot.

Who? Sino iyon?

Magtatanong pa sana ako kay Jane pero may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

“Beatrix.”

Sabay kaming lumingon ni Jane sa tumawag sa akin. At naaninaw ko lang naman ang pagmumukha ng pinakamagaling na story maker sa buong mundo. Si Janine Alvarez.

“O, Janine?”

“Magkakilala kayo?” inosenteng tanong ni Jane sa gilid ko.

“Anong kailangan mo?” diretsahan kong tanong kay Janine.

“Beatrix, look, I’m not here para gumawa ng gulo o ano pa man.”

“Oh, just look how defensive you are. Wala pa naman akong sinasabi, tinatanggi mo na? Ano ka, advanced?”

“Hindi. Hindi gano’n. To come straight to the point, I talked to you because I need to tell you something. Nandito ako at namimili and then I saw you... I have to tell you something.”

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon