Yugto 46

153 9 0
                                        

Yugto 46: Pinsan Ni Enrick

Sa sumunod na araw ng pagpa-practice namin ng graduation march ay naisipan kong kausapin si Janine.

“Janine!” tawag ko sa kanya.

Mabilis siyang lumingon. Noong una ay nakabusangot ang mukha na ipinakita niya sa akin pero noong na-realize niya na ako pala iyong tumawag sa kanya ay nagbago bigla ang ekspresyon niya. Mabilis siyang ngumisi sa akin.

“Bakit, Beatrix?”

“Pwede ba kitang makausap?” seryoso kong tanong.

“Um...” Nag-angat siya ng kilay. “We’re already talking, right?”

“Ang ibig kong sabihin ay kung pwede ba tayong mag-usap sa isang private na lugar. Hindi rito.”

Awkward siyang tumawa. “Ah!” aniya na para bang noon niya lang na-gets ang sinabi ko. “Doon tayo sa mga benches sa may oval.”

At doon nga kami pumunta. Umupo siya sa isang bakanteng bench at naghintay sa sasabihin ko. Ako naman ay nanatiling nakatayo roon at nakahalukipkip.

“What could be so important na pwede nating pag-usapan? Let me guess, is this about Enrick?” tumpak na hula ni Janine.

Suminghap ako at tumango. “Yes, this is about him. So, ‘di ba, sinabi mo sa akin na kinausap ka ni Enrick kaya mo nalaman na niloloko niya lang ako?”

“Yes.”

“Pero hindi naman kayo close. So, bakit sa ‘yo niya sinabi iyon?”

Nag-freeze ang ngiti niya sa kanyang mukha. Napakurap-kurap siya. “Seryoso ka ba sa tanong mo?”

“Of course!”

Umiling siya. “Sa tingin ko ay hindi na iyan mahalaga pa. Ang mahalaga ay nakipag-break ka na kay Enrick at hindi na niya naituloy ang panloloko niya sa ‘yo.”

“Yes, alam ko. Pero gusto ko lang malaman kung bakit sa ‘yo niya sinabi ang tungkol sa panloloko niya sa akin.”

“Bakit ba ang kulit mo?”

“Sagutin mo na lang kasi iyong tanong ko, Janine!” Sa inis ko ay tumaas ang boses ko. Napatingin sa amin iyong ibang nakaupo sa mga benches. Pero wala akong pakialam.

“Ano bang problema mo? Bakit mo ako sinisigawan?” Kumunot ang noo ni Janine sa akin.

“Ikaw ang may problema! Tinatanong lang kita, pero ayaw mong sumagot nang maayos!”

Umiling-iling siya.

“Uulitin ko iyong tanong ko, ha. Bakit ikaw iyong sinabihan ni Enrick?” Madiin ang pagbigkas ko sa bawat salita.

“Bakit mo ba tinatanong iyan? Are you doubting me? Pinagdududahan mo ba kung tama o mali iyong sinabi ko sa ‘yo tungkol kay Enrick?”

“Hindi ako nagdududa, naniniguro lang ako.”

“Okay, fine!” Tinaas niya ang dalawa niyang kamay. “Ako ang sinabihan ni Enrick tungkol sa panloloko niya sa ‘yo... because... because we used to be friends! O, ano? Okay na ba iyon sa ‘yo? Anymore questions, Beatrix?”

Nagtiim-bagang ako. Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. “Could I really trust you? Are you really telling me the truth about Enrick?”

“What?” Tumayo siyang bigla. “So, nagdududa ka nga sa akin! You think I’m a liar, is that it?”

“No! Hindi mo ba ako narinig? I’m only asking if I could really trust you!”

Hindi siya kaagad nakasagot

“Of course you can! I’m not a liar! Babae rin ako, Beatrix. Alam ko ang pakiramdam kung paano ang maloko, alam ko kung gaano iyon kasakit! Kaya sinabi ko sa ‘yo kung ano ang totoong balak ni Enrick. Dahil bilang isang babae, ayaw kong masaktan ang kapwa ko babae! Yes, I liked Enrick! Pero hindi ibig sabihin noon ay wala na akong pakialam kahit may masaktan man siya!”

Humakbang siya palapit sa kinatatayuan ko. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at niyugyog niya ako. Para bang sinasabi niya sa akin na kailangan kong gumising sa katotohanan.

“Look, I’m not the villain here trying to destroy your love for Enrick. I just trying to save you from him. Matalino ka, Beatrix. Valedictorian ka nga. So, use your brain.”

Mataman siyang tumitig sa akin. Her eyes were bigger than usual. Madiin din ang pagbigkas niya sa bawat salita.

“Walang manloloko ang aamin na nanloloko sila. At gano’n din si Enrick. Kahit kailan ay hindi siya aamin, lalo ka lang niyang lolokohin hanggang sa maniwala ka. But I believe you’re better than that, right? Huwag kang magpaloko sa kanya. Huwag kang magpatanga. Huwag kang maniwala sa mga sinasabi niya... Manloloko siya, enough said.”

Sa sumunod na araw ng practice ng graduation march namin ay half day lang kami at maaga kaming pinauwi.

“Beatrix.”

Napalingon ako sa tumawag sa akin pagkalabas ko sa main gate ng school. Nakita ko ang pinsan ni Enrick na si Alec de Vera.

Bahagya akong nagulat. Kumunot ang noo ko. “Anong ginagawa mo rito? Hinahanap mo ba si Enrick?”

“Hindi. Ikaw ang pakay ko kaya ako pumunta rito sa campus n’yo. Would you mind kung sasama ka sa akin na pumunta sa Mini Stop para magkausap tayo?” sabay turo niya sa malapit na Mini Stop sa school namin.

Syempre, sumama na ako.

“So, half day lang kayong mga grade twelve, ‘di ba?” tanong agad niya nang nakahanap na kami ng upuan sa Mini Stop, malapit iyon sa bintana.

“Yup.”

“Bakit hindi ka pa umuuwi kung gano’n?”

“Biglaan kasi ang pagha-half day at hindi iyon alam ng driver namin. Low batt ang cellphone ko kaya hindi ko matatawagan ang driver namin para sunduin ako. Naisip ko na magta-taxi ako pauwi. But then, you showed up at inaya mo ako rito,” mahaba kong paliwanag.

“Oh? Gano’n? And, low batt ka? Here, may power bank akong dala. Pwede mo namang hiramin.” Kinuha niya ang power bank at inabot iyon sa akin.

Tinanggap ko naman iyon at ni-connect ang cellphone ko. “Thanks.”

“You want to order anything?”

“No. I’m fine.” Ngumiti ako.

Tumango naman siya at matapos noon ay binalot na kami ng katahimikan. Ang narinig ko na lang ay ang tunog ng aircon sa Mini Stop. Pero bigla niyang binasag ang katahimikan nang nagsalita siya.

“Bakit nga ba ako nandito?” Bumuntong-hininga siya at ngumisi. Para bang tinanong niya ang sarili niya.

“My cousin, Enrick de Vera,” panimula niya. “Was a playboy... at bobo siya. Yes, bobo siya. He always got seventy-five in his report card at kadalasan siyang nasa lower section. Noon pa man ay gusto na niyang maging successor ng negosyo. Pero Tito kept telling him na hindi pupwede dahil hindi siya seryoso sa pag-aaral. Matigas ang ulo ni Enrick at hindi niya maunawaan kung bakit kailangan pang mag-aral nang mabuti para lang maging successor. Pero noon iyon. Dahil nagbago siya...”

Tumingin siya sa akin nang seryoso. Nagtaka ako kung bakit bigla niyang sinabi ang mga bagay na iyon sa akin.

“Nagbago siya simula nang nag-transfer siya sa school ninyo noong grade eleven siya. Napunta siya sa first section at nakilala ka niya. Ang pinaka-matalino at pinaka-maganda, gano’n ka niya i-describe sa akin. Dahil sa ‘yo ay nagbago siya. He understood the importance of good grades. Naintindihan niya na kailangan niya talagang bigyang halaga ang pag-aaral. Hindi na rin siya madalas umiinom, nambababae, at pumupunta sa mga bars. Ginawa niya iyon dahil sa ‘yo... Trust me, saksi ako sa mga araw na nabaliw sa ‘yo iyong pinsan ko.”

Nag-iwas ako ng tingin. Kumalabog bigla ang puso ko.

Hindi ko alam kung bakit sa akin sinabi ni Alec ang mga iyon. Inutusan ba siya ni Enrick? Alam ba ni Alec na break na kami ni Enrick dahil niloko niya ako?

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon