Yugto 67: Nasaan Si Enrick?
“‘Di ba ito iyong expat na maniac?” tanong ni Jane, tinutukoy si Spencer sa video. “Paano kung mapanood ito ni Enrick? I was there. Nakita kong itinulak mo iyong maniac na iyon pero hindi nakunan sa video. They would get the wrong idea. Baka isipin nilang ginusto mo iyon.”
“I know. Tatawagan ko si Enrick.”
Huminga ako nang mariin at kinuha ko ang phone ko sa purse. Halos mapamura ako nang nakita ko na low battery iyon.
“Paano ito? Icha-charge ko?” Pero wala naman akong dalang charger o powerbank. Halos maghisterya ako.
“Wala nang oras kapag ginawa mo pa iyan. You can use my phone, pero wala na akong number ni Enrick. Nabura ko na.” Inabot ni Janine ang phone niya. Mabilis ko iyong tinanggap at noong ititipa ko na ang number ni Enrick ay roon ko lang na-realize...
“Hindi ko kabisado ang number ni Enrick! Ikaw, Jane? May number ka ni Enrick?”
“Wala.”
“Eh, ni Alec? May number kayo ni Alec?”
“Wala,” sabay nilang sabi.
“Si Courtney! May number ni Alec si Courtney!” sabi ko.
“Sumama na si Courtney kay Bryce,” sabi ni Jane at may kinalikot sa phone niya. “Pero ita-try ko pa ring tawagan si Courtney.”
Ilang segundo pa bago siya sumuko sa pagtawag, umiling siya. “Nakapatay ang phone niya.”
“Wala na akong choice. Pupunta ako kina Leila. Kanina, nag-text sa akin si Enrick na nandoon daw siya, kaya roon ako pupunta.”
“Magta-taxi tayo?” si Jane.
“I have my Dad’s car. Doon na lang tayo sumakay. Ako na rin ang maghahatid sa ‘yo sa bahay nina Leila. I know where it is,” sabi ni Janine.
Sa buong byahe patungo kina Leila ay hindi ako mapakali. Si Jane ay paulit-ulit na tinawagan si Courtney, nagbabaka-sakaling sasagutin iyon ng pinsan ko. Habang ako ay tumitig nang mariin sa phone ko dahil baka maghimala at magkaroon iyon ng kahit one percent na battery. Si Janine naman ay kino-contact si Joshua pero hindi iyon sumasagot.
Nang nakarating na kami sa bahay nina Leila ay mabilis akong nag-unbuckle ng seatbelt.
“Pwede na kayong umuwi na dalawa. Kaya ko na ito.” Nilingon ko si Janine at Jane.
“No. We’ll wait here,” si Jane at kahit nasa backseat siya ay nag-adjust para lang mayakap ako.
“Tama si Jane,” ani Janine.
Kumalas na si Jane sa pagkakayakap.
Tinitigan ko si Janine at nginitian siya. Niyakap ko na rin. “Thank you.”
Ilang sandali kaming nanatiling gano’n.
“Sige na. Puntahan mo na si Enrick,” aniya nang kumalas na sa yakap.
Bumaba na ako sa sasakyan at pumasok sa gate ng bahay nina Leila. Bumungad sa akin ang isang modern type na bahay. Kahit nasa labas ako ay rinig ko ang ingay ng rock music at dinig ko na may nagkakasiyahan.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Naka-dim ang lahat ng ilaw, mayroon pang mga neon lights na kasama. Parang party nga talaga. Hindi ko kilala kung sino-sino ang nasa loob. Dahil ayon kay Enrick, kapatid ni Leila ang may party.
“Siya ba iyong nasa video?”
“Oo! Siya nga iyan.”
“Shit! Maganda nga talaga!”
“Maganda nga, malandi naman!”
Dinig na dinig ko na may mga nagsabi noon. Ang ilan sa kanila ay nakaupo sa sofa. Ang iba naman ay sumasayaw. At sa gitna ng maraming tao na nasa party ay nakita ko si Leila. Matalim ang titig niya sa akin at pulang-pula ang mukha niya.
“Bakit ka nandito?” Matigas ang boses niya nang tinanong niya iyon.
Para akong nanliit. Parang gusto kong umatras. Pero hindi...
“Nandito ba si Enrick? Kailangan ko siyang makausap.”
“Para saan?” Unti-unti siyang lumapit sa akin. “Para saktan mo na naman siya dahil sa kakatihan mo? Ang kapal din ng mukha mo, ‘no? Akala mo kung sino kang anghel. Akala mo kung sino kang santa! Iyon pala, santa-santita! Nasa loob ang kulo!”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Gamit ang nanginginig kong kamay ay sinampal ko siya. Nagulat ako sa sarili ko. What I’ve done was bad but I’m too tired to care.
“Wala kang alam. Hindi mo alam iyong buong istorya. Kinuha mo lang iyong video pero hindi mo alam kung bakit—”
“Shut up, bitch!”
At naramdaman ko na lang na may nagsaboy ng alak sa upper body part ko. Pagtingin ko, si Leila na umuusok sa galit. Mas lalo pa akong nagulat nang hilahin niya ang buhok ko. Sinabunutan niya ako habang ang mga kuko niya ay kumalmot sa aking braso.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakita kong nakatitig lang iyong mga tao sa akin. Iyong iba ay walang pakialam. Iyong iba naman ay natuwa pa sa nakita nila at ni-cheer pa si Leila.
Gamit ang buo kong lakas ay tinulak ko si Leila at nabitiwan niya ang braso ko pero hindi pa rin niya binitiwan ang buhok ko.
“‘Di ba ay sinabi ko sa ‘yo dati na ingatan mo siya? Pero hindi mo ginawa! Ang landi mo! Por que’t nagkagusto lang sa ‘yo si Enrick!” sigaw niya.
Nagtiim-bagang ako at lumandas ang mga daliri ko sa buhok niya. Hinila ko iyon gamit ang buo kong pwersa. Hinila ko hanggang sa nabitiwan na niya ang buhok ko at napasigaw siya sa sakit.
Binitiwan ko siya at hinabol ko ang hininga ko. “I’m sorry...”
Napaupo siya habang iniinda ang matinding sakit ng pagsabunot ko sa kanya. Humupa ang bulungan ng mga tao sa loob ng bahay at napalitan iyon ng titig. Tinitigan lang nila ako. Si Leila naman ay sinigawan ako ng masasakit na salita.
“Sorry, Leila,” sabi ko ulit dahil alam kong mali ang ginawa ko.
“Umalis si Enrick nang nakita niya ang video mo. Kaya umalis ka na rin!” sigaw niya sa akin habang nakahawak pa rin sa anit niya. Gano’n ba talaga kasakit ang pagsabunot ko?
“Leave!” Umalingawngaw ang boses niya sa buong kabahayan at saka pa lang ako tuluyang umalis.
“Anong nangyari?”
“Nasaan si Enrick?” tanong nina Janine at Jane nang pumasok na ako sa sasakyan.
“Wala siya roon.”
“Anong nangyari sa ‘yo? Nakipag-sabunutan ka ba? At bakit basang-basa iyong damit mo?”
“This is nothing. Ang kailangan nating gawin ngayon ay mahanap si Enrick.”
“Jane, may t-shirt ako diyan sa backseat. Beatrix, magpalit ka muna,” utos ni Janine.
Nang nahanap ni Jane ang t-shirt ay inabot niya iyon sa akin. Tinanggal ko ang suot kong damit. Habang nagpapalit ako ay may tinawagan naman si Janine.
“Hello? Joshua? Thank, God. Sumagot ka rin. Kanina pa kita tinatawagan!” sabi ni Janine sa kausap. “Nasaan si Enrick?”
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Roman pour AdolescentsBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
