Yugto 52: Bahay
Dahil sa sinabi ni Kenneth ay naiba ang mood. Nawala ang topic tungkol kay Enrick. Mas naging kumportable ako lalo pa nang nagsimula nang tumawa si Courtney. Senyales iyon na umayos na siya mula sa pagkabugnot niya na hindi ko alam ang dahilan.
Nagkaroon din ako ng pagkakataon na maibigay ang debut invitation ko kina Jane at Kenneth.
“Malapit na. Sa thirty na! Four days from now,” excited na sabi ni Jane. In-examine niya ang invitation.
“Kasama tayong tatlo ni Courtney sa eighteen candles!” masayang sabi ni Ella kay Jane. Nagkwentuhan pa silang dalawa kasama si Courtney.
Habang si Kenneth naman ay kumunot ang noo habang binabasa ang invitation.
“Kasama ka sa eighteen roses.” Ngumiti ako.
“Last dance at escort mo si Enrick, iyong ex mo?”
Tumango ako.
“Kapag hindi pumayag si Enrick, ako na lang ang last dance at escort mo, ah?” bigla niyang sabi.
Bahagya akong nagulat doon.
Narinig kong tumawa si Ella sa gilid. “Ano raw?”
Hindi naman ako nakakibo. Dahil hindi ko maisip kung ano ang gagawin ko kapag hindi pumayag si Enrick na maging escort ko. That would be heartbreaking.
Nang pauwi na ako ay si Courtney ang naghatid sa akin. Nakakapanibago dahil habang nagda-drive siya ay napaka-tahimik niya. Usually kasi, lagi siyang may sinasabi at nakakahanap siya ng bagay na pupwedeng pagtawanan o pag-usapan.
Magtatanong na sana ako kung may problema ba siya pero naunahan na niya ako. “Sorry pala kanina. Kung nagalit ako sa ‘yo.” Hindi siya tumingin sa akin at diretso lang ang titig niya sa daan. “Hindi naman talaga ako galit dahil hindi mo naibigay ang invitation mo kay Enrick. Ang totoo niyan, galit ako sa isang tao at ikaw lang ang napagbuntunan ko kaya gano’n.”
“Okay lang. Naiintindihan ko,” sabi ko at ngumiti.
Sa masayang buhay ng pinsan ko ay minsan lang siya magseryoso at alam ko na sa mga panahong seryoso siya, ay may problema.
Nang nai-park na niya ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin ay nagulat na lang ako nang yumakap siya at humagulgol sa balikat ko.
“Courtney? Ayos ka lang?” nag-aalala kong tanong sa kanya.
Umiling siya. Nagulo ang nakaayos na dark brown niyang buhok dahil sa ginawa niya.
“Hindi... hindi ako ayos. Nagmahal lang naman ako. Minahal ko siya, pero...” Humagulgol ulit siya. Kita kong namula ang mata, pisngi, at ilong niya dahil sa pag-iyak.
“Shh, shh,” pagtatahan ko sa kanya habang hinihimas ang kanyang buhok. “It’s okay, Courtney.”
Totoo nga ang sabi nila, lahat ng tao ay may problema. Iba-iba nga lang.
Hindi ako umalis sa kotse ni Courtney hangga’t hindi siya tumatahan. Umiyak lang siya nang umiyak at inalo ko naman siya nang inalo. Matagal bago siya tuluyang tumahan kaya natagalan din ako roon. Pero noong huli ay pinunasan niya ang luha niya at sinabi na umuwi na ako. She said that she could handle herself and that she needed to move on.
Kinabukasan ay sinundo na naman ako ni Courtney sa bahay namin at hindi ko alam kung bakit.
“Bakit ba, Courtney? Anong ganap? Bakit mo ako sinusundo?” tanong ko. Sumilip ako sa bintana ng kotse niya.
“Basta. Magbihis ka dahil may pupuntahan tayo,” sabi niya.
“Ano? Nandito kaya si Tito’t Tita, at si Travis.” Tinuro ko ang poolside namin. Nandoon sina Tita Trina at si Tito Ricardo na mga magulang ni Travis. Nandoon din ang kapatid kong si Ryle pati sina Mommy at Daddy.
“Hi, Tito Ric! Hi, Tita Trina! Hi, Trav!” sigaw ni Courtney kahit hindi naman siya narinig ng mga iyon. “Magbihis ka na, bilis! At magdala ka ng invitations. Ako na lang ang magpapaalam sa kanila para sa ‘yo.”
“Fine.” Sumunod ako sa sinabi ng pinsan ko dahil ayaw ko nang umiiyak siya. Mas okay na iyong may gala siya at masaya siya.
Pagkalabas ko sa bahay namin ay nakabihis na ako ng isang simpleng gray na dress. Pumasok ako sa front seat ng sasakyan ni Courtney.
“Napagpaalam na kita,” sabi niya at pinatakbo na ang kanyang sasakyan.
“Saan ka na naman ba gagala at isinasama mo pa ako? At para saan ang invitations?” Nagtaas ako ng kilay.
“May pagbibigyan ka niyan.” Ngumisi siya nang makahulugan.
Pagkatapos ng halos trenta minutos na byahe ay huminto si Courtney sa pagda-drive at ni-park niya ang kotse.
“Nandito na tayo,” wika niya.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at sinundan ko si Courtney sa paglapit sa bahay. Hinawakan niya ang doorbell ng malaking gate. Iginala ko ang mata ko sa malaki at magandang bahay na nasa harapan namin.
“Nasaan ba ta... yo...?”
Unti-unting nalaglag ang panga ko dahil sa pagkagulat. Parang napuntahan ko na iyong bahay na iyon. Bahay iyon nina Enrick.
Kinabahan ako. Sa sobrang kaba ko ay pakiramdam ko, mahuhulog na iyong puso ko.
“Nandito lang naman tayo sa bahay ng pinakamamahal mong ex. Nandito tayo sa bahay na palagi mong iniiwasang puntahan!” si Courtney na pinagkalandakan pa sa akin kung kaninong bahay iyon.
Sa inis at kaba ko ay parang gusto ko siyang sabunutan. Sana pala ay hindi ako sa kanya sumama.
“Courtney... ayaw ko na. Uwi na tayo, please? Uwi na ako,” pagmamakaawa ko sa kanya.
“Anong uuwi? Kararating pa lang po natin, o.”
“Eh! Ayaw ko na! Uuwi na nga ako! Ayaw kong makita si Enrick!”
“Anong ayaw mong makita si Enrick? Arte mo! Kahapon nga, halos tumulo na iyang laway mo noong nakita natin si Enrick sa mall. ‘Tapos sasabihin mo ngayon na ayaw mo siyang makita? At isa pa, ‘di ba ay gusto mong magkaayos na kayo at makapag-sorry ka na sa kanya? At dahil hindi mo iyon nagawa kahapon sa mall, now is your second chance! Come on, ako na nga lang itong nagse-set up sa inyong dalawa... aarte ka pa ba?”
At dahil binanggit ni Courtney iyong mall, may naalala tuloy ako.
Kasama ni Enrick si Hannah. What if sila na? Ano pang silbi ko? At saka, ang cold-cold, as in sobrang cold na ni Enrick sa akin.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Fiksi RemajaBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
