Yugto 50

136 13 0
                                        

Yugto 50: Fafa Enrick

Mabilis na nag-trending ang ginawa kong speech. Naging usap-usapan ng mga estudyante ang tungkol sa amin ni Enrick. Hindi naman talaga gano’n iyong pinlano kong speech. Masyado lang akong nasaktan dahil hindi pumunta sa graduation si Enrick kaya gano’n ang kinalabasan ng speech ko.

Wala namang sinabi sa akin ang mga parents ko tungkol doon. Alam naman nila na boyfriend ko si Enrick. Pero hindi pa nila alam na nakipag-break ako dahil sa maling dahilan.

Lumipas pa ang mga araw at linggo at nanatili akong walang communication at balita tungkol kay Enrick. Hindi na siya active sa social media at wala akong ideya kung saang university siya papasok para magkolehiyo.

Siguro, duwag nga ako.

Dahil gustong-gusto kong makapag-sorry at makausap si Enrick. Pero sa tuwing may pagkakataon ako na pumunta sa kanila, ay hindi ko ginagawa. Natatakot pa rin ako.

Dalawang buwan na ang nakalipas. At sa loob ng dalawang buwan na iyon ay hindi ko nakita o nakausap si Enrick. Pero kahit na gano’n ay nagpatuloy pa rin ang buhay ko.

Harold and I officially became friends. Kahit na tapos na ang high school ay masasabi kong kaibigan ko pa rin siya. Mas naging close din ako kina Jane, Ella, at Kenneth na mga kaibigan ni Courtney.

Madalas nila akong tanungin kung saan ako magka-college at kung anong course ang kukuhanin ko. Medicine ang sinagot ko sa kanila, pero hindi ko alam kung saang university.

Dahil buwan ng Mayo ay naging abala si Mommy sa pag-aayos ng debut ko. Sa May thirty pa naman ang eighteenth birthday ko, pero ang sabi ni Mommy ay mas maganda kung maaga ang preparations.

Kasama ko si Courtney sa pagpili ng eighteen candles at eighteen roses ko. Alam na rin niya ang mga nangyari. Naikwento ko na sa kanya ang kabuoan ng kwento. Magmula sa pakikipag-break ko kay Enrick dahil sa sinungaling na si Janine hanggang sa madrama kong speech.

“Wait. Hindi mo ba iimbitahan man lang si Enrick? Pwede siyang maging escort mo,” ani Courtney habang nakasalampak kami sa sofa at naghahanap ng posibleng last dance at escort ko.

Kumalabog agad ang puso ko dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni Enrick.

Kinunot ko ang noo ko. “Bakit naman?”

“Anong bakit naman? Like, duh. Boyfriend mo siya.”

“Ex-boyfriend,” paglilinaw ko. “At saka kung gagawin ko siyang escort, I don’t think na papayag siya. Hindi pa nga ako nakakapag-sorry sa kanya all this time.”

“You’re such a pessimist! Try mo lang naman. Edi kapag pumayag siya, pupwede mo na siyang makausap at pupwede mo na sa kanyang masabi ang precious word na sorry mo,” aniya at isinulat ang pangalan ni Enrick sa pinakahuling bahagi ng eighteen roses ko.

Nang nai-print ang mga invitations ay pangalan nga ni Enrick ang nakalagay na escort at last dance ko.

Nagkaroon din ako ng fitting para sa mga gowns na isusuot ko. Isang white na ball gown ang isusuot ko sa buong debut ko. At isang kulay beige na mini dress naman ang inihanda para sa after party. Ang after party ay gaganapin sa Foursquare, as decided by Courtney. Hindi na rin naman siya kinontra pa nina Mommy at Daddy.

Imbitado ang lahat ng business partners nina Mom and Dad. Imbitado rin lahat ng Tito at Tita ko. Pati si Travis. Pati sina Jane, Ella, at Kenneth na mga kaibigan ni Courtney. Pati si Harold ay kasali sa eighteen roses ko. Pati mga kaklase ko noong grade eight na “medyo” naging ka-close ko.

“Punta kang SM mamayang five pm.” Tumawag si Courtney ilang araw bago ang debut ko. “Tayo-tayo nina Jane at Kenneth. Manlilibre si Ella, manonood ng movie. Birthday kasi ng aso niya.” Tumawa siya.

“Okay, sige.”

“Magdala ka rin ng mga invitations para maibigay mo na sa kanila.”

“Yup,” sabi ko at naghanap na ng susuotin.

Gano’n naman lagi ang ginagawa ko dahil madalas akong inaaya ni Courtney sa mga gala niya.

“Mom? Nasaan po iyong mga invitations?” Bumaba ako sa sala at hinanap iyong mga invitations.

“Nasa library,” sagot ni Mommy habang may kausap sa cellphone.

Nagtungo ako sa library at kumuha ng sampung invitations. In case na may makita akong ibang kakilala sa mall ay mabibigyan ko sila.

Nang nag-ala-singko ng hapon ay nagpahatid ako sa SM sa aming driver. Pagkababa ko pa lang sa entrance ng mall ay nakita ko na si Courtney at Ella na naghihintay sa isang outdoor cafe.

“Hinihintay pa namin sina Kenneth at Jane,” si Ella habang may kinakalikot sa phone niya.

“It’s okay,” sabi ko naman at kinuha ko sa purse ko ang invitation na para sa kanya.

“OMG!” react niya nang nabasa niya ang laman ng invitation. “Magde-debut ka na! I’m excited!”

“Bumili ka muna ng regalo bago ka ma-excite diyan!” Humalakhak si Courtney.

Mayamaya pa ay dumating na si Kenneth at si Jane. Malaki ang ngisi ni Kenneth. Panay naman ang reklamo sa kanila ni Ella dahil late sila sa usapan.

“Okay, mamimili muna kami ng movie na papanoorin, ‘tapos kayo na ni Beatrix ang bumili ng snacks natin.” Nag-abot si Ella ng dalawang libo kay Courtney. “Libre ko, ‘di ba?”

Ngumisi si Courtney at hinila na ako. Pumunta kami sa bilihan ng popcorn sa labas lang mismo ng sinehan. Ang haba ng pila dahil araw ng Linggo.

“Malaking size ang bibilhin ko,” sabi ni Courtney habang nakatitig sa mga popcorn.

Pagkatapos ng limang minuto ay nangalahati ang pila. Halos sampung tao na lang ang nakapila sa harapan namin.

“Beatrix!” Bigla akong niyugyog ni Courtney.

“O?” naiirita kong tanong dahil kung maka-react siya ay para bang may sunog.

“Tingnan mo!” sabi niya sabay nguso sa may likuran ko.

“Huh?”

“Tingnan mo kasi!” Ipinaikot niya ang ulo ko para lang makita ko iyong sinabi niya. “Si fafa Enrick mo!” Tumili siya at nakita ko nga ang tinutukoy niya.

Nakita ko si Enrick na nasa bilihan ng mga drinks. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Nakasuot siya ng simpleng polo-shirt at simpleng khaki shorts. Simple lang pero malakas ang dating. Para siyang isang model na lumabas mula sa fashion magazine.

“O, laway mo, ah?” Tumawa ang bugak kong pinsan at hinila niya ako.

Hindi pa rin nawala ang titig ko kay Enrick. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang wrist watch na para bang may hinihintay siya. Habang si Courtney ay patuloy ang paghila sa akin.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon