Yugto 49: Deserve
Tumuntong ang alas-nuebe-y-media at lahat kami ay nakahanda na. Sobrang gwapo ng kapatid ko sa tuxedo niya. Naka-formal dress din si Mommy. At si Daddy, tulad ni Ryle ay naka-tuxedo.
We arrived at the school fifteen minutes before the graduation ceremony started. Maraming mga estudyante na ang mas nauna pa sa akin. Nakapila sila sa labas ng gymnasium.
Dahil ako ang Valedictorian ay hindi ako nakapila kasama ang mga ka-section ko, sa halip, ang pwesto ko ay nasa pinakagitna ng lahat ng estudyante. Ang mga magulang ay may hiwalay na upuan. Pero dahil nga Valedictorian ako ay katabi ko si Dad sa pag-upo sa upuan.
Pinagala ko ang mga mata ko para hanapin si Enrick, kahit na mukhang imposible iyon dahil sa libo-libong tao na nandoon. Mas lalo pang naging imposible ang paghanap ko sa kanya nang batiin ako ng iilang mga kakilala at ilang mga teachers din.
“Congratulations, Ms. Soledad!”
“Congrats, Beatrix!”
“Pa-milk tea ka naman, o!” Tumawa ang feeling close kong kaklase. “Just kidding. Congrats!”
Paulit-ulit nila akong ni-congratulate at paulit-ulit din akong nagpasalamat sa kanila.
Parang gusto ko na lang umiyak noong nagsimula na ang pagtanggap ng diploma pero hindi ko pa rin nakita si Enrick. Ang pagtanggap ng diploma ay nagsimula sa lowest section hanggang sa highest section.
Habang naglalakad ako kasabay ng tugtog ng graduation ay nakatingin lang ako sa pila ng buong section A. Hinanap ng mga mata ko si Enrick. Nakita ko ang upuan niya, nakasulat ang pangalan niya sa sandalan noon. Pero walang nakaupo sa upuang iyon. Wala siya.
Pero inalis ko iyon sa isip ko. Sa halip ay mas pinagana ko ang pagiging optimist. Baka late lang siya.
Sa buong graduation ceremony ay hindi ako ngumiti. Hindi dahil ayaw ko, kundi dahil nangako ako na ngingiti lang ako kapag nakita ko na si Enrick. Kaya nasisiguro ko na ang lahat ng picture na nakuha ng photographer sa akin ay mukha akong sinakluban ng langit doon.
Nakapagmartsa na ang lahat. Nakaakyat na ang lahat sa stage at nakakuha na ng diploma. Kumanta na ng graduation song. Nagsalita na si David ng panimulang pagbati. Pero bakante pa rin ang upuan ni Enrick.
Sobrang late na niya. At noong tinawag iyong pangalan niya ay walang tumanggap ng diploma niya. Siguradong ipapadala na lang iyon sa bahay nila.
Hanggang sa narinig ko na lang na tinawag na ng aming adviser ang pangalan ko. “Ang mag-aaral na nagpamalas ng kanyang husay at talino, ang mag-aaral na nagkamit ng pinakamataas na karangalan... walang iba kundi si Ms. Beatrix Lynn M. Soledad.”
Nagpalakpakan ang lahat.
Tumayo ako sa upuan ko at niyakap ako ni Daddy. “I’m so proud of you, anak.”
Hindi ako nakapagpasalamat sa kanya. Si Enrick dapat ang Valedictorian. Kung hindi ko lang siya hiniwalayan, sana hindi siya napariwara. Sana hindi naging seventy-five ang fourth quarter grade niya.
Malungkot at pilit ang ngiti na ipinakita ko kay Daddy at umakyat na ako ng stage.
Tumayo ako malapit sa podium. Iginala ko ang mga mata ko. Nakita ko na ngiting-ngiti sa akin ang mga teacher ko. Sina Mr. Dimaano, iyong babaeng teacher ko sa Math, iyong matandang teacher ko sa Science, at maging ang principal ay nakangiti sa akin. May mga estudyante at magulang na rin na nag-iyakan sa kanilang upuan.
Pero hindi iyon ang nakaapekto sa akin.
Mula sa kinaroroonan ko ay tanaw ko ang bakanteng upuan na dapat sana ay para kay Enrick, at iyon ang may pinakamalaking epekto sa akin. Parang isinampal sa akin ang katotohanan na hindi talaga siya pumunta sa graduation day namin.
Nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Tumingala ako nang bahagya para hindi lumandas ang mga iyon sa aking pisngi. Wala sa sarili kong binigkas ang speech na isinulat at kinabisa ko.
“Sabi nila, ang high school daw ang pinakamasayang bahagi ng pag-aaral. They say that in high school, we will find friends, we will fall in love, and we will learn.”
Sa mga segundong iyon ay nablangko ang utak ko habang nakatitig sa upuan ni Enrick na bakante. Parang gusto ko na lang na umiyak nang umiyak.
“And in my six-year journey here on high school, I’ve learned so many things. I’ve found some friends.” Sumulyap ako kay Harold na seryosong nakatingin sa akin. “I’ve found memories that I will never forget. And I’ve found a special person...” Tears formed in my eyes habang nakatitig ako sa bakanteng upuan ni Enrick. “A very special person who taught me the most unforgettable lesson... that we should let our love be bigger than our doubts. He also taught me that love is not about receiving. It’s about giving, trusting, and sacrificing.”
Ibinigay niya sa akin ang pagmamahal na hindi ko naman hiningi. Pero anong ginawa ko? Pinagdudahan ko ang pagmamahal na iyon.
Nagtiwala siya sa akin kahit na hindi niya pa ako gaanong kakilala. Pero anong ginawa ko? Hindi ako nagtiwala sa kanya at naniwala ako sa mga sinabi sa akin ni Janine.
Isinakripisyo ni Enrick ang mga grades niya para lang mapatunayan na mahal niya talaga ako. Pero anong ginawa ko? Hindi ko man lang nasabi sa kanya na naa-appreciate ko iyong ginawa niyang sakripisyo.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Ang mga sinabi kong salita ay wala naman sa inihanda kong speech.
“Pero wala siya ngayon. Hindi siya pumunta... Enrick de Vera...” Sinabi ko ang pangalan niya at tumingin ako sa kawalan. In-imagine ko na kausap ko siya.
Kabaliwan na bang matatawag ang ginawa kong pagkausap sa hangin? I guess not. That’s how I show my sincereness and love.
“Kung nasaan ka man, I just want to say thank you. For everything that you have done to me. Mula sa maliliit hanggang sa malalaking bagay, I want to thank you...”
Nakita ko ang gulat sa mukha ng mga teacher at mga estudyante dahil sa sinabi ko. Nasulyapan ko ang malungkot na mukha ni Leila. Nakita ko rin ang pagsisisi sa mukha ni Janine. While Dad was smiling and half crying.
“I owe this to you. Kung hindi dahil sa sakripisyo mo ay hindi ako magiging Valedictorian. The truth is, you deserve to be here more than I do. I’m sorry for everything. You deserve this, Enrick.”
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Teen FictionBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
