Yugto 60: After Party
Mas lalong nag-dim ang lights at nagsimula nang pumalakpak ang lahat. Unti-unting lumapit si Enrick sa akin. Tinanggap ko ang kamay niya pati ang rose. Para akong estatwa roon habang nakatitig sa kanya. Ramdam ko rin ang mabilis na paghataw ng puso ko.
Kinuha niya ang nanlalamig kong kamay at inilagay iyon sa balikat niya. Hinawakan niya ang baywang ko at nagsimula na kaming sumayaw. Marahan ang pagsayaw naming dalawa at para akong lumulutang.
“I’m not sure kung magugustuhan mo ang gift ko sa ‘yo,” panimula niya.
“Bakit naman hindi? Ano ba kasi ang gift mo?” Tipid akong ngumiti.
“Secret. Bawal sabihin.”
Bahagya akong tumawa. “Ano ba iyan? Secret na nga, bawal pang sabihin?”
Hindi siya tumawa kahit na joke naman talaga iyong sinabi ko. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin.
“Malalaman mo rin naman kung ano ang naging gift ko,” he said.
Tumango na lang ako.
If Courtney wished for my happiness. Then, my happiness would be Enrick’s forgiveness.
Kasabay ng pagtatapos ng eighteen roses ay ang pagtatapos din ng debut ko. Nagpasalamat ako sa lahat ng mga nagsidalo. Naunang umalis ang mga oldies at natira kaming mga kabataan na imbitado pa rin sa after party.
Sinamahan ako ni Courtney na pumunta sa isang suite para roon magpalit. Isinuot ko ang aking beige mini dress at ang isang pares ng black pumps. Tinanggal ko ang head chain at inayos ang buhok ko. I tied it on a messy bun.
Hindi ko na tinanggal ang aking makeup dahil bumagay naman iyon sa aking suot. Magaling ang makeup artist na kinuha ni Mommy.
Nang natapos na kaming magpalit ni Courtney ay dumiretso kami sa parking lot ng Marriott Hotels at hinanap ang sasakyan niya. Sina Ella, Jane, at iba pang girls na imbitado sa after party ay sumakay sa sasakyan ni Courtney.
Sa buong byahe patungo sa Foursquare, ay maingay ang halos lahat. Puro sila biro at kwentuhan. Minsan ay nakakasabay ako sa pinagkukwentuhan nila at minsan naman ay hindi, kapag hindi na ako maka-relate sa topic.
Mas lalo pang umingay nang nakarating na kami sa Foursquare. Kanya-kanyang hanap ng makakasama sa mga boys na imbitado sa after party ko ang mga girls na kasama namin. They were so loud that it made me think kung lasing na ba sila o ano.
Basang-basa ko ang umiilaw na salitang “Foursquare” sa labas pa lamang ng bar. Dinig ko rin ang ingay ng pinagsamang trance at rock music. Hinila kaagad ako ni Courtney papunta sa loob. Halos lahat kami ay nakapasok na.
“Woohoo!” sigaw nila nang ni-serve ang mga in-order nilang drinks. Lahat kami ay nakaupo sa mga couch na pinili nila.
Medyo madilim sa loob ng bar pero dahil sa iba’t ibang kulay ng neon lights ay lumiwanag din naman nang kaunti. Sa hindi kalayuan ay tanaw ko ang dancefloor na puno ng mga nagsasayaw na tao. Kaliwa’t kanan ang pagse-serve ng hard liquors at iba pang drinks. Ang iba naman ay nasa itaas na floor at nakatanaw sa ground floor. Sa sobrang pagiging trance ng music ay napa-headbang ang ilan sa mga kasama namin.
“Here.”
Hindi ko napansin na naglahad pala ng shotglass si Ella sa akin. May laman iyong inumin na kakulay ng tubig, transparent. Vodka yata.
“One, two...” bilang nila.
Pati sila ay may hawak noong shotglass at ang laman noon ay katulad ng akin. Pagkasabi nila ng three ay sabay-sabay nila iyong nilagok. Ginawa ko rin ang ginawa nila. Pagkalagok ko noong shot ay parang gusto kong ngumiwi dahil sa lasa. Tumawa na lang ako at ibinaba ko ang shotglass.
Akala ko ay tapos na pero may ni-serve na naman na panibagong shots. Iba naman ang kulay ng likido at hindi ko na alam kung ano ang itatawag doon.
“Beatrix! Beatrix! Beatrix!” they cheered.
Kinuha ko ang isang shotglass at nilagok ulit ang laman noon. Kinagat ko ang labi ko pagkatapos at napatawa na lang ulit ako. Hindi ko na naman nagustuhan ang lasa noon.
That’s why, sometimes, I hate going out. Dahil once you go out with your friends, kailangan mong sumabay sa kanila, sa mga ginagawa nila. At kapag hindi ka nakasabay, you’ll be called KJ.
Nakailang shots pa ako at hindi pa rin nila ako tinantanan.
“Tama na,” natatawa kong reklamo nang nag-abot na naman sila ng shotglass sa akin.
“Sige na, Beatrix. Minsan lang naman, eh.” Narinig kong may nagsabi noon pero hindi ko na nakilala kung sino dahil medyo nanlabo na ang paningin ko.
Umirap ako sa kawalan at ngumisi. Tinanggap ko ang shot at ininom ko iyon.
Lumipas pa ang ilang minuto at dumami pa nang dumami ang nainom ko. Gano’n din sila at halatang halos lahat ay may tama na. Nakita kong tumayo si Jane at kung sino-sinong lalaki na ang kinausap niya. Ang iba namang boys ay kung wala sa counter ng bartender, nasa dancefloor na.
Nanatili akong nakaupo roon sa couch kahit na iilan na lang kami roon. Umusog si Courtney sa tabi ko para makuha ang isang bote ng beer na malayo sa unang inupuan niya. Sa kabilang side ko naman ay naramdaman ko ang pagtayo ni Ella kasama ang ibang boys at girls.
“Beatrix, sayaw tayo!” anyaya niya. Medyo umindayog pa ang katawan niya. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kalasingan o dahil sa tugtugin.
Dahan-dahan akong umiling sa kanya. “Ayoko.”
“Sige na,” pamimilit niya pero tumanggi ulit ako hanggang sa sila na lang ang pumunta sa dancefloor.
Naiwan ulit akong nakaupo roon at si Courtney naman ay nagtaka na sa akin.
“Bakit hindi ka sumama kina Ella?”
“Ayoko,” simpleng sagot ko habang pinaglalaruan ang isang shotglass. Nang may dumaang nagse-serve ay um-order agad ako ng tubig.
Si Courtney dapat ang tatanungin ko kung bakit sa mga oras na iyon ay nandoon pa rin siya sa couch at ayaw pa niyang pumunta sa dancefloor para magwalwal. Pero hindi ko na tinanong.
“I bet you’re waiting for Enrick,” wala sa sarili niyang sabi at nilagok ang beer na hawak niya. “Alam mo? Habang abala ka sa pagsasayaw kay Enrick sa eighteen roses mo ay lumapit ako kay Alec at tinanong ko kung sasama ba si Enrick sa after party. Sabi niya, hindi raw niya alam. So, there’s a possibility na nandito si Enrick ngayon. At may possibility rin that he’s not here.”
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Novela JuvenilBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
