Yugto 57: Invitation
Tumagos sa puso ko ang mga salita ni Enrick.
Humugot ako ng malalim na hininga. Mas mataman ko siyang tinitigan. “Okay lang. I know that at the end of the day, hindi mo ako matitiis at patatawarin mo rin ako.”
“We’ll see about that.” He smirked.
Kasabay noon ay ang pag-vibrate ng cellphone ko sa aking purse. Mabilis ko iyong hinagilap at nakita kong tumatawag sa akin si Courtney.
“S-Si Courtney.” Sumulyap ako kay Enrick bago ko sinagot ang tawag. “Hello?” Inayos ko ang boses ko para hindi niya mahalata na umiyak ako.
“O? Nasaan na ba kayo? Anong oras na? Mag-aala-siete na, ah? May plano pa ba kayong bumalik dito? Baka nakalimutan n’yo na itong si Hannah! Kung pwede nga lang na lumpuhin at huwag nang tulungan iyong babaeng ito, ginawa ko na. Pero hindi pwede, eh! Iyong betadine at gasa nga pala, ano na?” walang prenong sambit ni Courtney sa kabilang linya.
Napatingin ako kay Enrick na nakatitig pa rin sa akin. Para bang hinuhulaan niya kung ano ang sinabi ni Courtney.
“Na-stuck kasi kami sa traffic. Pero nakabili na kami ng betadine at gasa. Pauwi na kami diyan. Don’t worry.”
“Weh? Baka naman tuluyan mo nang inangkin si Enrick, ah?” Tumawa pa ang bugak kong pinsan.
Hindi rin nagtagal ay nakausad na kami mula sa traffic. Nagsimula nang mag-drive si Enrick at pinatay ko na ang tawag ni Courtney.
Nang nakabalik kami sa bahay nila ay dumiretso agad ako sa loob. Nadatnan ko si Hannah na nakaupo sa malaking couch. Si Alec ay nasa harap ng flatscreen TV. Habang si Courtney ay iniisyoso ang mga paintings sa bahay nina Enrick.
Napalingon silang lahat sa akin nang nakita nila ako.
“Hay! After one thousand years! Nandito na rin kayo!” si Courtney at mabilis na lumipat ang mata sa likuran ko. Alam kong nasa likod ko na si Enrick. Dahil pati si Hannah ay napatayo at nanlaki ang mata sa kakatingin sa likod ko.
“Traffic kasi at karamihan sa mga napagtanungan naming pharmacies ay walang tindang betadine at gasa.”
Dumalo kaming lahat kay Hannah. Si Hannah ay mabilis na yumakap kay Enrick. “Thank you, Enrick.”
Ngumiti si Enrick at kinalas ang yakap ni Hannah. “Huwag ka munang gumalaw nang gumalaw. Gagamutin namin ang ankle mo.” Kinuha niya ang biniling betadine, gasa, at pati iyong first aid kit.
Naiwan akong nakatayo roon. Dahil pumunta si Alec sa garden dahil may tumawag sa kanya. Habang si Courtney naman ay umalis para kunin ang bag niya sa kanyang kotse.
Lumuhod si Enrick sa harap ni Hannah at ipinatong niya ang paa ni Hannah sa kanyang lap. Binasa niya ang bulak ng betadine at sinuri muna ang ankle ni Hannah. Habang tumatagal ay naiinis ako habang pinapanood silang dalawa. Nabubwisit ako sa sobrang pagka-gentleman ni Enrick kay Hannah. Para bang nalimutan na niya iyong nangyari sa kotse.
Nabubwisit din ako sa ekspresyon ni Hannah. Nagpapaawa, na nagpapa-cute, na hindi mo maintindihan. Nakabalandra pa ang legs niya kay Enrick dahil naka-short shorts lang siya.
“Ako na nga!” Hinablot ko ang bulak kay Enrick. Nagulat si Hannah sa ginawa ko at napatingin naman sa akin si Enrick. “Hindi ka naman marunong!”
Marahas kong idinampi ang bulak sa sugat ni Hannah. Napaaray naman siya sa sakit. “Ouch naman, Beatrix!”
Kumuha ako ng gasa at ipinalibot iyon sa ankle niya. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Wala akong pakialam. Basta. Dapat ay matapos na ang paggamot sa maarteng si Hannah para makauwi na siya.
Pero paano kung ihatid siya ni Enrick?
Bwisit.
Hindi ko namalayan na sinigawan na pala ako ni Hannah dahil sa ginawa ko.
“Ouch!”
Nasalubong naman ng mga mata ko ang galit na mga mata ni Enrick. “What are you doing? You’re hurting her, Beatrix.”
Doon ko pa lang napansin ang kamay ko na mahigpit pa lang nakahawak sa gasa na nasa ankle ni Hannah.
Para akong kinuryente noong maramdaman ko ang pagdidikit ng balat namin ni Enrick. Inalis niya kasi ang kamay ko at siya na ang nagpatuloy sa paglalagay ng gasa.
“S-Sorry...” Napaatras ako at bumagsak ang tingin ko sa aking mga sapatos.
Nang nagamot na ni Enrick ang sugat ni Hannah ay niyaya naman ni Alec si Hannah na umuwi. Nagpasalamat ako sa mahabaging langit dahil pumayag si Hannah na ihatid siya ni Alec. Nakahinga ako nang maluwag doon.
“Naibigay mo na ba kay Enrick iyong invitation?” bulong ni Courtney habang kumakaway kami sa papalayong sasakyan ni Alec na sakay silang dalawa ni Hannah.
Umiling ako at nilingon si Enrick na pumasok ulit sa loob ng bahay nila. Sumunod kami ni Courtney.
“You should give it na. Three days from now, debut mo na. At bukas na ang simula ng practice para roon. Kaya kailangan mo nang ibigay,” bulong ulit ni Courtney.
“Hindi ko alam kung tatanggapin niya.”
“Sus, ang arte mo. Akin na nga.” Hinablot niya ang purse ko at kinuha bigla ang isang invitation sa loob noon.
“Enrick!” tawag ni Courtney.
Lumingon naman si Enrick bago naglagay ng mga burger at nachos sa isang Tupperware.
“Debut nga pala ni Beatrix sa thirty. Invited ka as her last dance and escort. Bukas na rin ang simula ng dance practice. Ang venue ay sa Marriott Hotels,” diretsahang sabi ni Courtney at inabot kay Enrick iyong invitation.
Parang gusto ko na lang na bumuka ang lupa at mahulog ako roon dahil sa sobrang hiya. Bigla kasi akong tiningnan ni Enrick habang tinatanggap niya iyong invitation.
Ilang sandali pang tumitig si Enrick sa invitation. ‘Tapos ay, “This is a take home food for the two of you. Ubos na iyong pasta kaya cheese burger at nachos na lang iyan.” Ibinigay niya kay Courtney ang Tupperware.
Nalaglag ang balikat ko dahil doon. Ang ine-expect ko kasi ay sasabihin ni Enrick kung pupunta ba siya sa debut ko o hindi.
“Aww, how sweet of you. Pero sure ka bang para sa amin ito ni Beatrix? Baka naman para lang ito sa kanya, ah?” Nagngising-aso si Courtney.
“That’s for the two of you,” sagot ni Enrick at nag-iwas ng tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
JugendliteraturBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
