Chapter 1: Love Letter from me to you

259 28 4
                                    


Lavinia's POV

"Vinia my loves!!! Buti pumasok ka!!" Sigaw ni Kino nang makita niya ako, kakapasok ko lang kasi.

"Tsk, adik talaga yang si Akino sayo." Sabi ni Meriza habang kinukulot niya yung buhok ni Safina, mga kaibigan ko sila.

"Hayaan niyo na si Kino, tsaka hello? matatapos na school year at college na tayo next school year. Sa tingin niyo ba hindi parin ako sanay sa kanya?" Natatawang sabi ko. Nagulat nalang kami nang biglang bumukas yung pinto. Dumating na si maam, kaya napa-upo agad ako sa upuan ko pati si Kino na lalapit sana sakin ay napa-upo din.

"Meriza! Safina! ano yang ginagawa niyo?!" Sigaw ni maam.

"A-hh e-hh maam inaayusan ko lang po si Safima?" Nauutal na sabi ni Meriza.

"Tayo!" Medyo mahinahon na sabi ni maam kay Safina at tumayo naman agad siya. Nagulat nalang kami nang biglang umupo si maam.

"Meriza, ayusan mo nga din ako ng buhok. Yung kakabugin yung ganda ng buhok ni Ms. Bertina ng section one aka Ms. Bruhilda!" Dahil sa sinabi ni maam ay napuno ng tawanan yung classroom namin at biglang bumukas yung pinto.

"Ms. Emperial!!! go to my office now!" Galit na sigaw ni Mr. Sugay, ang principal namin. Agad namang sumunod si maam sa principal.

"Hysst kawawa naman si maam, sesermunan na naman ni Mr. Sungay." Malungkot na sabi ni Meriza kaya agad kaming tumawa ng malakas ni Safina.

"Oh? problema niyo?" Nagtatakang tanong niya.

"Wala, Sugay kase hindi Sungay!" Sabay na sabi namin at tumawa ulit kaya napa-irap nalang siya samin.

"Yan puro kase kaartehan laman ng utak mo." Biglang sabi ni Drex kaibigan ni Kino. Kaya ayon nagsimula na naman silang mag-away.

"Si Meriza at Drex talaga hindi makukumpleto yung araw nila nang hindi sila nag babangayan." Sabi ni Safina habang pinapanood magtalo yung dalawa.

"Sorry girls ah? hayaan nalang natin sila. Oo nga pala Vinia baka gusto mong sabay tayong mag lunch, libre ko." Nakangiting sabi sakin ni Kino.

"Talaga libre mo?" Masayang sabi naman ni Safina.

"Hoy tumigil ka nga si Vinia my loves ko lang ililibre ko noh!" Sabi pa ni Kino kaya pati sila nag-aaway na din.

"Tama na nga yan! hindi ako kakain ng lunch!" Sabi ko at hindi na sila pinansin, since magsisimula naman na yung next subject namin.

Discuss.
Discuss.
Discuss.

Break time na at halos mapiyot ako sa pakikipag-unahan sa pila dito sa cafeteria. Ang dami kayang nag-aaral dito sa Tokiwadai University kaya mahirap makipag-unahan sa mga tao dito.

Nakabili na kaming magkakaibigan ng pag-kain at agad humanap ng table na mauupuan, pagka-upo namin ay biglang umingay ng sobra sa canteen.

"Wahhhhhh ang cool talaga ni Luis."

"Oh my god ang gwapo nilang tatlo"

"Wency! ang gwapo mo"

"Luis! akin kana lang"

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon