Chapter 48: A warm hug from you

64 10 3
                                    


Lavinia's POV

Tatawagan ko sana ulit si tita nang biglang may humawak sa noo ko. Napa baba nalang ako ng mga kamay ko nang maramdaman ko ang pagdikit ng katawan niya sa likod ko.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, feeling ko anytime hihimatayin nalang ako bigla. Kabang kaba na ako, sino ba namang hindi kakabahan kung biglang may yayakap sayo mula sa likod mo.

"Lavinia, thank you so much."

Yung kabang nararamdaman ko kanina bigla nalang nawala nang marinig ko yung malamig at gwapo niyang boses.

Hindi kona napigilan ang sarili ko at agad akong humarap sa kanya at tsaka ko siya niyakap.

Naramdaman ko naman na bumilis yung tibok ng puso niya. Siguro nabigla siya sa ginawa ko kaya bumitaw ako agad sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Sor-." Hindi kona natuloy yung sorry ko dahil bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinitak ako palapit sa kanya at tsaka niya ako niyakap. This time, sobrang higpit na ng yakap niya.

Syempre nagulat ako sa ginawa niya, pero hindi na ako magtataka kung bakit niya ginawa yan. Alam kong sobrang nag-alala din siya sa kapatid niya.

"You don't have to be sorry just because you hug me. I understand what are you feeling right now so it's okay to me, I am the one who needs to say sorry. I'm sorry Lavinia." Wala akong masabi sa sinabi niya kaya nanatili kaming tahimik at nanatili kaming magkayakap.

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nakatahimik kaya nag-decide na ako na magsalita.

"Ahmm kailangan ko nang umuwi. Babalik nalang ako bukas." Sabi ko at agad na bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Do you think may masasakyan ka pa ng ganitong oras papunta don samin?" Sarcastic na sabi niya, bumalik na naman siya sa pagiging masungit niya. Parang kanina lang ang bait bait pa niya.

"Wa-wala." Sabi ko at napayuko. Ang tanga ko, anong oras na nga pala. Paano ako uuwi niyan? Sana kasi pwedeng mag-stay sa hospital. Bakit ba kasi may visiting hours pa?

"Let's go, walang mangyayari satin kung yuyuko ka lang diyan." Sabi niya at nagulat nalang ako nang bigla niya akong hitakin.

"Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Pwede wag ka nang magtanong?" Masungit na sabi nanaman niya sakin.

"Okay fine." Bulong ko at hinayaan ko nalang siya na hitakin ako.

Pagdating namin sa kanto ay bigla akong may nakitang taxi, kaya agad ko itong pinara at sumakay kami.

"Swerte! Makakauwi ako." Masayang sabi ko.

"I don't think so." Bulong naman niya sakin. Ang nega talaga ng lalakeng to.

"Kuya sa ******  po."

"Nako ma'am medyo malayo na yon. Hanggang sa *******  lang binabyahe ko." Sagot naman ni kuya sakin.

Magsasalita na sana ako para sabihing bababa na ako pero biglang nagsalita si Luis.

"Sige kuya sa ******* tayo." Sabi niya.

Napakunot nalang ako ng noo. Anong gagawin namin don? Doon kami maghahanap ng masasakyan?

▪︎■▪︎■▪︎■▪︎

"Ingat po ma'am, sir." Sabi ni kuya bago kami bumaba sa taxi niya. So paano na? Anong gagawin namin dito?

"Dito tayo maghahanap ng masasakyan?" Tanong ko kay Luis. Hindi niya ako pinansin at naglakad na siya kaya sinundan ko nalang siya. Pumasok siya sa condominium building.

Teka? Condominium building? So dito yung condo niya. So it means papatulugin niya ako sa condo niya?

Omg?!! Gusto kong magwala sa sobrang kilig at saya. Gusto kong tumili.

Pagdating namin sa tapat ng condo niya ay agad niyang binuksan yung pinto. Actually nag-elevator pa kami, 7th floor pa kasi tong condo niya.

"Dito ka nalang muna. Kung nagugutom ka kumuha ka nalang ng pag-kain sa refrigerator." Sabi niya. Tumango lang ako, kasi naman kahit na hindi gaanong kalaki yung condo ni Luis, sobrang ganda at sobrang linis naman. Parang kwarto ng babae dahil sa sobrang linis.

"Here, wag ka nang mag-reklamo, isuot mo nalang yan. Ayon yung cr." Sabi pa niya sabay lapag ng damit sa upuan.

Omg talaga! Kinikilig ako! Imagine isusuot ko yung damit ng isang Luis Valtimontar.

"By the way kakabili ko pa lang niyan so hindi ko pa nagagamit, kaya sayo nalang yan." Agad na nag-fade yung ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi niya, okay? Assuming ko naman kasi.

"Thank you." Tanging nasabi ko at agad kong kinuha yung damit at pumunta sa cr.

Napakalinis ng cr ni Luis, parang hindi talaga lalake yung nakatira dito. Tapos yung sabon na gagamitin ko yon din yung ginagamit niya.

Napangiti nalang ako dahil sa mga naiisip ko at agad na naligo.

Pagkatapos kong maligo ay agad kong sinuot yung damit na binigay niya. Long sleeve siya perfect na perfect dahil ang ginaw ngayon.

"I'm done, pwede ka nang maligo." Sabi ko pagkalabas ko ng cr, tumango lang siya at agad na pumasok sa cr.

At dahil dakilang pakielamera ako pumunta ako sa kwarto niya.

"Isang kama lang?" Gulat na sabi ko sa sarili ko. Saan ako matutulog?

Wala naman nang ibang kwarto dito, nag-iisa lang ang kwarto dito tapos wala namang sofa bed.

•▪︎•▪︎•▪︎•

Luis's POV

Paglabas ko ng cr ay nadatnan ko si Lavinia na naka-upo sa tabi ng bintana habang nakasilip at kumakanta. Kaya naman nilakasan ko yung sarado ng pinto para makuha ko yung attention niya.

Agad naman siyang napatingin sakin at tumayo.

"Sorry? Nagandahan lang ako sa view, nakaka-relax kasi." Nakangiting sabi niya habang naka-peace sign.

"Are you hungry?" Pag-iiba ko ng topic.

"Nope, ang dami ko kasing nakain na ice cream kanina. Oo nga pala chineck ko kasi yung kwarto mo, isa lang pala yung bed. Saan ako matutulog?" Tanong niya, actually kanina ko pa iniisip yan.

"Ikaw na sa kama, maglalatag nalang ako sa sahig."

"Pero malamig sa sahig." Sabi pa niya.

"What do you want? Ako ang matutulog sa sahig o ikaw?" Masungit na sabi ko. Hindi siya nagsalita kaya pumasok na ako sa kwarto at agad na naglatag.

Nang matapos akong maglatag ay bigla naman siyang pumasok at dahan dahan pa talaga siyang naglakad papunta sa kama at nahiga.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon