Chapter 38: Suitor?

73 12 0
                                    


Lavinia's POV

"Alam mo? Naiinis ako sayong bakla ka! Napaka-swerte mo! Biruin mo isang Kyr-." Hindi na natuloy ni Meriza yung sinasabi niya nang subuan siya ni Safina ng shanghai. Kasama na kasi namin ngayon si Safina.

Pagkatapos kong ma-kwento kay Meriza kung bakit nakilala ko si Kyron, ayaw na niyang tumigil kakasalita.

"Ayan kasi ang daldal mo! Anong swerte don? Inis na inis nga ako sa lalakeng yon eh." Sabi ko at agad na inubos yung pag-kain ko. Kanina pa kasi kami dito sa cafeteria dahil sa kadaldalan ni Meriza.

"Talagang maiinis ka sa kanya, tamaan ba naman yung ulo mong walang utak." Tumatawang sabi ni Safina.

"Aray?! Ang harsh mo sakin Safina ah? Kakadating mo lang dito pero ginigisa mo agad kami sa katarayan mo. By the way 4:00 PM uuwi na ako, kailangan yata ako ni papa sa restaurant. Gusto niyo bang sumama?"

"Pass muna ako diyan, susunduin kasi ako ni papa." Sagot ni Meriza sa tanong ko.

"Anong pass muna? Lagi ka namang pass eh! Lagi kang hindi pwede. Alam mo? Nakakatampo kana."

"Oo nga, bahala ka kung ayaw mo sumama. Pero don't expect na kakausapin kapa namin bukas," Pagsang-ayon ko pa sa sinabi ni Safina na may halong pagbabanta.

"Grabe naman kayo? Ito na nga eh, sasama na ako mamaya." Parang napipilitan na sabi niya at umirap samin.

"Abah? Umiirap pa ang gaga? Tara na nga, umalis na tayo dito bago pa maubos ni Meriza yung tinda dito sa canteen." Sabi ni Safina. Tumango naman ako at agad kaming umalis sa canteen.

***

"Good afternoon po." Sabay na sabi ni Safina at Meriza kay tita. Umuwi muna kasi ako bago pumunta sa restaurant ni papa para magpalit ng damit.

"Good afternoon, buti napunta kayo dito, na miss ko kayo." Masayang sabi ni tita. Masaya silang nag-uusap sa living room kaya pumunta na ako sa kwarto para magpalit ng damit, nang makapag-palit na ako ng damit ay agad akong lumabas at hindi ko ine-expect na makikita ko si Luis, kakalabas lang niya ng cr na halos katapat lang ng kwarto ko.

Aalis na sana siya pero automatic na gumalaw yung bibig ko para kausapin siya.

"Luis." Tawag ko sa kanya, kaya huminto siya at humarap sakin. Para bang hinihintay niya yung sasabihin ko pero hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"What?!" Siguro dahil sa sobrang tagal kong magsalita kaya nagsalita na siya.

"A-ahh e-hhh g-gusto ko lang sabihin na... na ang galing mo kanina kahit hindi kayo nanalo." Nauutal na sabi ko.

"Ahhh." Tanging nasabi niya at nagulat nalang ako nang ipatong niya yung kamay niya sa ulo ko. Siguro mga 30 seconds bago niya inalis yung kamay niya sa ulo ko at tsaka siya umalis. Agad naman akong napahawak sa dibdib ko at napangiti.

Bakit ba kasi gustong gusto ko siya? Kahit ilang beses pa niya akong ipagtabuyan gustong gusto ko parin siya.

***

"Good evening pa!" Bati ko kay papa pagdating namin nila Safina sa restaurant. 6:00 PM na kasi kami nakapunta dahil pinakain pa kami ni tita ng mga binake niyang cupcakes and cookies.

"Buti naman dumating na kayo, may nagpa-reserve kasi kahapon, mapupuno yata nila yung restaurant ko. Isuot niyo na to, buti talaga may tatlo akong magaganda na tiga'serve ng mga pag-kain ngayon." Sabi ni papa sabay abot samin ng tatlong apron.

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon