Lavinia's POVSana hindi na matapos yung gabing ito. Pero hindi pwede, kahit anong gawin ko matatapos at mamatapos din ang gabing ito.
Pero... ito na yata ang pinaka-magandang coincidence na nangyari sa buong buhay ko. Sa dinami dami ng tao na nandito sa enchanted kingdom kami pa talaga ni Luis yung nagkasama sa ferris wheel.
Hindi kaya sign ito na kami talaga ang para sa isat-isa?
No! Stop it! Stop being delusional Lavinia! alam mo naman sa sarili mo na kahit kailan hindi ka magugustuhan ni Luis.
Napa-iling na lang ako dahil sa mga iniisip ko at tumingin kay Luis na ngayon ay naka-focus lang sa panonood ng fireworks display.
Napangiti na lang ako nang makita ko siyang ngumiti habang pinapanood yung fireworks. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito.
"Why are you looking at me?" Nagtatakang tanong niya nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya. Agad naman akong umiling at umiwas ng tingin.
"Baka kasi hinahanap kana ni Terese at baka hinahanap na din ako ni Kino." Sagot ko sa kanya. Hindi ko ba alam kung bakit ko yan sinabi sa kanya, wala na kasi akong maisip na ibang dahilan.
"Then contact him, stupid." Cold na sabi niya.
Tsk, pabago bago talaga siya ng mood. Kanina sobrang saya niya tapos ngayon sinusungitan na naman niya ako.
"Okay." Sabi ko at agad na kinuha yung cellphone ko.
"Hala? Low battery?!" Gulat na sabi ko at pilit na pinapagana yung cellphone ko pero ayaw. Napatingin naman sakin si Luis kaya agad akong nag-peace sign sa kanya.
"Luis baka pwe-."
"Na kay Terese yung phone ko, so wala kang mahihiram sakin." Putol niya sa sinasabi ko.
Mind reader ba siya? Pano naman niyang nalaman na hihiram ako ng phone sa kanya?
"Hindi ako mind reader, kaya tumahimik ka na lang diyan. Since malapit naman na tayong bumaba." Sabi pa niya.
Hindi daw siya mind reader pero sinasagot niya yung mga katanungan sa isip ko.
Napa-buntong hininga na lang ako sabay yakap sa sarili ko at muling tumingin sa bintana. Sobrang lamig dito sa ferris wheel kasi naka-aircon. Nasa mataas na part parin kami ng ferris wheel, malaki at medyo mabagal yung andar ng ferris wheel so mae-enjoy talaga yung pagsakay dito.
"Are you cold? Wear this." Biglang sabi niya at hinubad niya yung suot niyang hoodie at inabot sakin.
"Susuotin ko?" Parang tangang tanong ko sa kanya.
"Ano bang sinabi ko?" Sarcastic na sabi niya kaya napangiti na lang ako at agad na isinuot yung hoodie niya.
"Thank you." Nakangiting sabi ko matapos kong isuot yung hoodie niya. Tumango lang siya habang nasa bintana pa rin ang tingin.
Hindi ko alam pero... bigla ko na lang naalala yung necklace na ibinigay sakin ni Kyron. Sobrang tagal na kasing nawawala, sana mahanap ko na yung necklace kasi nangako ako sa kanya na iingatan ko yon.
Lumipas ang ilang minuto at oras na para bumaba na kami ni Luis.
Nang bumukas na yung pinto ay agad akong bumaba at tiningnan ko yung paligid ko baka sakaling makita ko si Kino pero wala. Kaya agad akong naglakad at huminto. Hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta.
Nagulat na lang ako nang biglang may malamig na bagay ang dumikit sa leeg ko kaya agad ko itong tiningnan.
Pendant pa lang ng necklace alam na alam ko na agad na ito yung ibinigay sakin ni Kyron.
"Nakalimutan kong ibalik sayo, napulot ko yan somewhere."
Agad akong humarap sa kanya at niyakap ko siya.
"Thank you Luis." Sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya.
♧°•♧°•♧°•♧
Luis's POV
Nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Lavinia. Siguro sobrang importante sa kanya nung necklace na yon.
"Thank you Luis." Sabi niya. yayakapin ko na sana siya pabalik nang biglang may humawak sa balikat ko.
Paglingon ko sa humawak sa balikat ko ay nagulat na lang ako nang bigla niya akong suntukin.
Agad na napabitaw sakin si Lavinia at gulat na gulat din siya sa nangyari.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad kong ginantihan ng suntok sa mukha si Akino kaya napa-upo siya sa sahig.
Oo si Akino yung sumuntok sakin.
"Walangya ka!" Sigaw niya sakin at tumayo. Gaganti na sana siya ng suntok sakin nang biglang pumagitna samin si Lavinia.
"Tama na!!!" Sigaw niya kaya napa-tigil si Akino.
"Ano bang problema mo Kino?!" Tanong ni Lavinia sa kanya.
"Uuwi na tayo!" Galit na sabi ni Akino at hinawakan niya sa wrist si Lavinia at pilit itong hinitak.
"Teka Kino, nasasaktan ako." Sabi ni Lavinia na ikinagalit ko kaya hinawakan ko din siya sa kabilang wrist niya.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon, parang automatic na gumalaw yung kamay ko.
Agad na napatingin si Lavinia sa nakahawak kong kamay sa wrist niya pagkatapos ay tumingin naman siya sakin.
Si Akino naman sobrang sama ng tingin sakin.
"Wag mong pilitin kung ayaw sumama sayo." Mapang-asar na sabi ko kay Akino. Mag-sasalita na sana siya pero biglang dumating si Terese.
Kaya agad na inalis ni Lavinia yung pagkakahawak ko sa wrist niya.
"Ingat." Mahinang sabi niya at agad siyang hinitak ni Akino. Susundan kopa sana sila pero biglang hinawakan ni Terese yung braso ko.
Nag-aalala lang ako kay Lavinia. Baka mamaya saktan siya ni Akino.
"Luis sabihin mo nga sakin. Do you like that girl?!" Sigaw na patanong niya sakin.
Agad naman akong natahimik dahil sa tanong niya.
"I will repeat my question Luis! Do you like that slut?!! Do you like that ugly! stupid! And low class girl?!"
Agad ko siyang hinawakan ng madiin sa magkabilang braso niya dahil sa sinabi niya.
"Luis, n-nasasaktan ako." Mangiyak ngiyak na sabi niya.
"Do you really want to know the truth Terese?!! Yes! I like her! No! What I mean is... I love her! I really really love her! So don't you dare call her ugly! stupid! And slut! Because she's not! If ever na meron mang ugly! stupid at slut dito, ikaw yon." Sabi ko at bahagya ko siyang tinulak nang bitawan ko yung mga braso niya kaya agad siyang umiyak nang umiyak.
"I'm not sorry Terese. You forced me to do that to you, stop acting like you are the victim." Sabi ko bago ako tuluyang umalis.
Narinig ko naman na tinatawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin.
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanficWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss