Lavinia's POV
I'm so tir-
"Lavinia!"
Naputol yung pagkanta ko dahil sa sigaw ni papa. Hindi kase buo ang araw ko pag hindi ako nakakakanta sa cr.
"Bakit pa?!!!" Sigaw ko naman. Naliligo pa kasi ako eh.
"Bumaba kana diyan at kumain ng breakfast mo. Bubuksan kona maya-maya yung restaurant!"
"Opo papa!" Sigaw ko at nag madali nang gumayak. Pagbaba ko ay nakita kong nagwawalis si papa.
"Pa hindi na po ako kakain, sa school nalang po ako kakain." Nakangiting sabi ko, kaya naman napahinto si papa sa pagwawalis.
"Eh bakit? sigurado ka huh? kakain ka kung hindi patay ka talaga saking bata ka."
"Pa naman hindi na po ako bata tsaka opo sure po na kakain ako." Sabi ko at aalis na sana pero pinigilan ako ni papa.
"Sure ka talaga? Tsaka mamaya wag kana dito tumuloy, doon na sa bagong bahay natin. Itetext ko sayo adress, isama mo na din mga kaibigan mo." Ngumiti nalang ako sa sinabi ni papa sabay kiss sa cheeks niya at lumabas na sa restaurant.
At syempre maglalakad ako papunta sa school. Hindi ko alam pero di ko maiwasang ngumiti siguro ito na yung pinaka swerteng araw ko.
"Teka nadala ko ba yung love letter?" Tanong ko sa sarili ko at agad na chineck sa bag ko.
Hyssst kinabahan ako don ah, akala ko naiwan ko, mabuti pa hahawakan ko nalang to at hihintayin ko si Luis sa gate. Pag pasok niya palang ng gate haharang ako sa dinadaanan niya at iaabot ko sa kanya yung love letter, babasahin niya yon at mamahalin niya ako.
Grabe imagination ko iniisip ko palang kinikilig na ako.
Dahil sa kung ano-ano pumapasok sa isip ko muntik na akong lumagpas ng school, buti tinawag ako nung guard dito sa school namin.
"Balak mong mag-cutting noh?"
"Nako hindi po, lumagpas lang po ako at- este kuya guard." Sabi ko at napa kamot sa ulo ko.
"Nako kayo talagang mga pasaway na students dito. Ang dami niyong dahilan, sige na pumasok kana." Sabi ni kuya at nagmadali naman akong pumasok.
"Safina! Meriza!" Sigaw ko nang makita ko yung mga kaibigan ko at agad naman silang lumapit sakin.
"So nakagawa kaba ng love letter?" Tanong agad ni Meriza sakin.
"Oo naman, ako pa?" Sabi ko naman sabay pakita sa kanila nung love letter na kanina ko pa hawak. Magsasalita sana si Safina nang biglang nagtilian yung mga students na babae.
"Omg nandiyan na si Luis!! dali guys."
Nang marinig ko yung sigaw ng isang student ay agad akong kinabahan, pambihira naman.
"Eto na yon girl i-ready mo na yung sarili mo." Bulong ni Safina, tumango naman ako. Nagulat nalang ako nang bigla nila akong itulak sa gitna kung saan dumadaan si Luis. Napa hinto naman siya, pati na din yung mga tilian ng mga fan girls niya, sobrang tahimik at sobrang awkward.
"Pwede wag kang humarang sa dadaanan." Cold na sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad niya, pero hinarangan ko ulit siya. Okay Lavinia kaya mo yan.
"Sandali lang!" Malakas na sabi ko, binigyan naman ako ni Luis ng anong ginagawa mo look.
"Para sayo! sana tanggapin at basahin mo yan!" Nakapikit at malakas na sabi ko habang inaabot sa kanya yung love letter na hawak ko. Bigla naman nag tawanan ang lahat.
"Wow di ko alam na pilingera pala siya."
"Ngayon mo lang nalaman girl? hindi lang siya, pati na din yung mga kaibigan niya."
"As if naman na tatanggapin ni Luis yung love letter niya."
"Loser!!!! napaka feelingera mo talaga Lavinia Kleus!" Haysss, parang ayoko nang dumilat dahil sa mga narinig ko, grabe sila.
Nagulat nalang ako nang bigla niyang kinuha yung love letter mula sa kamay ko kaya napadilat ako at natahimik ang lahat. Akala ko hindi niya tatanggapin. Napangiti niya ako bigla.
"Seriously? tinanggap ni Luis yung love letter ni loser."
"Sana tanggapin din niya pag ako nag bigay."
Natigil ulit yung mga bulungan nila dahil umubo si Luis.
"Sorry huh? pero ayoko sa mga babaeng mababa ang level, lalo na sa katulad mong happy go lucky." Sabi niya sabay bitaw sa love letter na ginawa ko. Napuno na naman ng tawanan yung buong campus.
Agad kong pinulot yung love letter habang pinapanood si Luis na paalis na.
"Grabe nakakahiya yung ginawa mo." Sabi ni Safina nang makalapit sila ni Meriza sakin. Ang mga slapsoil kong kaibigan, sila ata nag tulak sakin na gawin yon?
"Alam ko, wag mo nang ipamukha Safina." Sabi ko at binilisan nalang yung paglalakad ko. Nakakainis may nakakatawa ba sa nangyari? Sana i-reject din sila ng mga gusto nila.
***
"Vinia my loves?!! anong ginawa sayo nung mayabang na Luis panget nayon huh? Tanong ni Kino pagpasok ko ng room. Hindi ako nagsalita, pero yung dalawa kong bruhildang kaibigan kinuwento pa.
"Gago yon huh? humanda talaga siya sakin! Hindi ka dapat niya nilait!" Galit na sabi ni Kino at lalabas sana ng room pero pinigilan siya ng mga kaibigan niya.
"Hayaan mo na Kino, ako naman ang may kasalanan, kung hindi sana ako nag assume na magugustuhan niya din ako eh di sana hindi ako napahiya sa harap ng maraming tao." Tama naman diba? Assumera lang talaga ako.
"Kahit na! ang mga babaeng kasing ganda at kasing bait mo dap-" Hindi na natuloy ni Kino yung sinasabi niya dahil sinubuan siya ni Safina ng tinapay.
"Maupo kana nga don hindi ka nakakatulong." Sabi niya at itinulak pa niya paupo si Kino.
"Mamaya punta kayo sa bagong bahay namin ah?" Pag-iiba ko ng topic. Agad namang napatingin sakin sila Meriza pati na rin si Kino.
"Talaga? makikita ko na ulit si daddy?" Masayang sabi ni Kino kaya binatukan siya ni Safina.
'Sira! kami lang ang inaaya!"
"Wag ka ngang epal Safina, basta sasama ako. Diba Vinia my loves? Sabi ni Kino, Tumango naman ako sa kanya. Wala naman akong magagawa eh, literal na baliw talaga siya.
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
Fiksi PenggemarWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss