Chapter 20: Home alone with you

80 13 0
                                    


Lavinia's POV

"Kringgggg! Kringgggg!" Agad akong nagising at napaupo sa kama ko nang marinig ko yung tunog ng alarm clock ko.

11:23 AM na pala, malapit nang mag-lunch. 4:00 AM na kasi natapos yung Grand Ball tapos 4:30 AM na ako nakauwi, kaya puyat na puyat talaga ako.

Napabuntong hininga nalang ako at agad na pumunta sa cr para mag-toothbrush, kukuhanin kona sana yung toothpaste nang makita ko yung toothbrush ni Luis at agad akong napahawak sa labi ko nang maalala ko yung nangyari samin kagabi sa rooftop. Bakit? bakit hanggang ngayon kinikilig parin ako sa nangyari? dapat nga galit ako ngayon sa kanya, pero dahil sa ginawa niya lalo akong umasa na baka meron din siyang gusto sakin.

"Lavinia tama na nga yan! Sobrang imposible na magkagusto sayo yon! Magaganda, sexy at matatalino lang ang gusto non." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Napangiti nalang ako at nag-toothbrush na.

Nang matapos akong mag-toothbrush ay lalabas na sana ako ng cr nang biglang pumasok si Luis, literal na bumilis yung tibok ng puso ko, parang pinako yung mga paa ko sa sahig, hindi ako makagalaw.

"Vinia." Lalong bumilis yung tibok ng puso ko nang tawagin niya ako.

"B-bakit?" Nauutal na tanong ko.

"Yung nangyari kagabi." Huminto siya saglit sa pagsasalita niya at lumapit sakin.

"Hindi ko pinagsisisihan yon, hindi ko pinagsisisihan na hinalikan kita. Vinia ngayon na-realized kona na gusto kita at kung gaano ka ka-importante sakin." Nang sabihin niya yan ay halos magwala yung puso ko sa tuwa.

"Vinia, I love you." Hindi ko alam kung anong nangyari pero ang alam ko lang ay sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.

Hahalikan na niya ako, omg mangyayari na yung second kiss namin.

"Vinia!!!" Agad akong napabangon nang marinig ko yung boses ni tita.

"Panaginip lang?" Sabi ko, kumunot naman ang noo ni tita at binigyan niya ako ng isang malicious na tingin.

"Ahh wala po, nanaginip lang po ako."

"Hulaan ko? Napaginipan mo si Luis noh? Yieeee." Pangtutukso sakin ni tita. Minsan tuloy naiisip ko na parang kaibigan ko nalang si tita.

"Hindi po ah." Pagde-deny ko naman sa sinabi niya.

"Oh sige, sabi mo eh. Sorry nga pala kung ginising kita ng ganitong kaaga eh alam ko namang puyat ka. Aalis kasi muna kami ng tito mo, kasama si Jelo at yung papa mo. 4 days lang naman kami sa Baguio, so good luck!" Masayang sabi ni tita at umalis na siya sa kwarto ko.

Aalis lang pala sila.

Teka? Kung kasama si Jelo at si papa? It means na kami lang dalawa ni Luis sa bahay. Omg? Dahil wala si tita ako ang magluluto ng Breakfast, lunch and dinner, excited na ako.

•••

Tulad nung nangyari sa panaginip kanina, nagpunta ako sa cr at nag-toothbrush, at pagkatapos kong mag-toothbrush ay hindi ko ine-expect yung sumunod na nangyari, pumasok si Luis sa cr.

Akala ko talaga mangyayari yung napaginipan ko kanina, pero hindi pala, dahil hindi niya ako pinansin. Parang hangin lang ako na dinaanan niya.

***

11:00 AM na pero hanggang ngayon hindi parin ako nakaka-isip ng lulutuin ko para sa lunch, mababaliw na yata ako.

Agad akong nag-chat sa gc namin nila Safina para humingi ng tulong, ang sabi nila mag luto ako ng seafoods. Kaya tumingin ako ng pwedeng iluto na seafoods sa refrigerator at nahagip ng mga mata ko yung shrimps, okay ito nalang iluluto ko.

Magluluto ako ng garlic butter shrimp, madalas akong ipagluto ni papa nito kaya sana naman makuha ko yung tamang timpla.

***

"Kakain na tayo!" Masayang sabi ko kay Luis nang dumating siya sa dining room, pagkakita palang niya sa luto ko ay agad na kumunot yung noo niya.

"Tikman mo." Masaya parin na sabi ko kaya tinikman niya yung luto ko. Nagulat nalang ako nang bigla siyang masamid kaya nagmadali akong ikuha siya ng tubig, nang maka-inom na siya ay bigla niyang binagsak ng malakas yung baso sa lamesa.

"Seriously? Papakainin mo ako ng sunog at sobrang alat na garlic butter shrimp?!" Sabi niya, kaya napa-peace sign nalang ako sa kanya. Hindi naman kasi ako magaling magluto eh.

"Sorry na."

"It's fine, kumuha ka nalang ulit ng mga ingredients ng garlic butter shrimp." Sabi niya sabay kuha sa niluto ko at itinapon sa trashcan.

"Huh?" Tanong ko naman.

"Hindi ka ba nakaka-intindi? Magluluto ako." Masungit na sabi niya, napatango naman ako at agad na kumuha ng mga ingredients.

Napanganga nalang ako habang pinapanood ko siyang magluto, para siyang professional. Nakaka-in love, lalo na yung mala anghel niyang mukha, hay nako super nakaka-in love.

***

Tapos na akong kumain pero si Luis hindi pa, sobrang sarap ng luto niya, kahit sobrang simple lang ng procedure non nakakamangha parin para sakin. Kasi ako hindi ko kaya yon.

Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakain siya, sobrang cute pala niya, at dahil medyo matagal na din kaming nakatira ni papa dito sa bahay ng mga Valtimontar, may mga ilang bagay akong natuklasan about sa kanya. Tulad nalang nang never pa pala siyang nagka-gf tapos mahilig pala siya sa pusa, kaya lang allergic si Jelo sa pusa kaya mahigpit na ipinagbabawal ni tita at tito ang pag-aalaga ng pusa dito.

"Kapag tapos kanang titigan yung mukha ko pwede kanang maghugas ng mga pinagkainan." Dahil sa sinabi niya ay agad akong napa-ayos ng upo ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko, mukhang aalis yata kasi siya eh.

"Babalik ako bago mag 9:00 PM, make sure na naka-lock lahat ng pinto pati yung gate." Pagkasabi niya non ay agad siyang umalis, akala ko pa naman makakasama ko siya ng buong araw.

***

9:00 PM mahigit na pero wala parin si Luis, kaya nag-decide na ako na wag na siyang hihintayin, inaantok na kasi ako.

Pagpikit ng mga mata ko ay agad ko din itong naidilat dahil sa mga naririnig kong ingay na nanggagaling mula sa baba.

Mukhang nandiyan na si Luis.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon