Chapter 52: An Early Christmas Gift

69 10 0
                                    


Lavinia's POV

"Oh? Saan ka ba nagpunta? Bakit ang tagal tagal mo? Buti naisipan mo pa kaming puntahan." Tanong sakin ni Safina nang puntahan ko sila sa arcade zone. Napa buntong hininga nalang ako at inagaw kay Meriza yung bolang isho-shoot sana niya.

"Oo nga, akala ko iniwan mo na kami." Sabi naman ni Meriza.

"Nagkita kami ni Kyron." Maikling sabi ko sabay shoot ng bola at humarap sa kanila.

"Si Kyron? Bakit hindi mo man lang sinabi samin? Sayang hindi ko siya nakita."

"Hoy bakla wag ka ngang malandi diyan. May boyfriend kana ah! Susumbong kita kay Wency!" Pagre-react ni Safina sa sinabi ni Meriza.

"Aalis na si Kyron, babalik na siya sa America and hindi niya alam kung makakabalik pa siya." Dahil sa sinabi ko ay natahimik sila.

"Oh bakit natahimik kayo?" Tanong ko sa kanila, inakbayan naman ako ni Safina at naglakad na kami palabas ng arcade zone.

"Affected much? Don't tell me si Kyron na yung gusto mo ngayon, yieee." Pang-aasar niya sakin kaya agad kong inalis yung pagkaka-akbay niya sakin.

"Hindi noh! Alam niyo namang si Luis lang. Pero kasi naging mabuting kaibigan sakin si Kyron syempre nakakalungkot na aalis na siya. Eh ikaw Meriza hindi mo ba siya mami-miss? Diba fan girl ka niya?" Sabi ko kay Meriza.

"I agree with you, oo naman. mami-miss ko yon kahit fan girl lang niya ako." Natatawang sagot niya sa tanong ko.

"Tama na yang drama nayan, don't worry uso ang internet at social media pwede parin kayong mag-kita sa video call, now kailangan na nating umuwi." Tumango nalang ako sa sinabi ni Safina at umuwi na nga kami.

°♧°♧°♧

"Good evening tita, sorry po late ako naka-uwi." Bati ko kay tita nang madatnan ko siyang nag-aayos ng Christmas tree. Yup ngayon palang kami makakapag-ayos ng mga ganyan dahil nga lahat kami naka-bantay kay Jelo sa hospital noon.

"Okay lang, maaga pa naman. Kumain kana ba ng dinner?" Tanong ni tita. Tumango naman ako habang tinitingnan yung orasan. 8:58 PM na tapos 3:00 PM ako umalis kanina sa bahay, sobrang tagal ko palang nasa mall.

"Tita si papa wala parin?" Tanong ko at tinulungan ko na siya sa pag-aayos ng Christmas tree.

"Wala pa ang papa mo. Sobrang daming costumer kanina sa restaurant niya nung pumunta kami, kaya siguro hanggang ngayon wala parin siya."

"Kawawa naman si papa, sana hindi nalang ako nag-mall at tinulungan ko nalang sana siya sa restaurant." Malungkot na sabi ko.

"Don't worry nagpa-iwan ang tito mo kanina para tulungan ang papa mo." Ngumiti at tumango nalang ako sa sinabi ni tita at agad na kinuha yung star. Kapag nakabit ko na to tapos na ang Christmas tree.

"Ikabit mo na. Buti kahit papaano nakapag-ayos tayo ng bahay at buti nalang din hindi tayo inabot ng Noche Buena sa hospital."

"Oo nga po tita eh, buti nalang ang gagaling ng mga doctor at nurse sa hospital na yon." Sabi ko at agad na inilagay yung star sa tuktok ng Christmas tree.

"Finally tapos na. Nagutom yata ako sa pag-aayos ng bahay ngayon. Sayang ubos na yung niluto mong beef broccoli kaninang lunch ang sarap pa naman." Masayang sabi ni tita, agad naman akong napa-ngiti at umupo sa tiles.

"Masarap po ba talaga? Sayang wala dito si Luis hindi man lang niya natikman yun-."

"Ano ang hindi ko natikman?"

Napatigil ako sa pagsasalita ko nang bigla kong marinig ang boses ni Luis at napatingin ako sa pinto.

"Luis?!" Gulat na sabi ko at napatayo ako sa pagkaka-upo ko.

"Omg?! Anak!!" Sigaw ni tita at agad niyang niyakap si Luis. Kita naman sa mukha ni Luis na naiinis siya kaya bumitaw na si tita sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya kaya naman nabaling ang atensiyon niya sakin. Teka? Bakit ganon yung tanong ko? Malamang Lavinia bahay nila to kaya pwede siyang pumunta dito anytime.

"Bakit? Bawal ba akong pumunta sa bahay namin?" Masungit na sagot niya sakin kaya naman napa-peace sign nalang ako.

"Tama nayan. Maghahanda lang ako ng kakainin natin. Diyan lang kayo ah, buti talaga nag-bake ako ng cake kanina." Masayang sabi ni tita at agad na pumunta sa kitchen, naiwan naman kaming tahimik ni Luis dito sa living room.

Balak ko sanang umalis nang biglang dumating si Jelo.

"Hoy stupid! Alam mo bang pumunta dito si-." Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya nang makita niya si Luis.

"Kuya!!" Masayang sabi niya at agad niyang niyakap si Luis. Dumating naman si tita na may dalang pag-kain kaya agad ko siyang tinulungan.

Kumain lang kami ng cake habang nag-uusap si Luis at tita hanggang sa mapunta yung usapan nila kung hanggang kailan dito si Luis.

"So kamusta ka sa condo mo? And hanggang kailan ka dito? Miss na miss kana namin. Lalo na ni Jelo. Ikaw naman kasi hindi mo man lang pinaalam samin kung saan ka mahahanap, ni contact number mo hindi namin alam." Sabi ni tita kay Luis.

"Okay lang, hindi na ako babalik sa condo so hindi mo na kailangan mag worry. Dito na ulit ako titira, good night." Sagot niya sa sinabi ni tita at agad na umalis.

Hindi ko alam pero nakaramdam nalang ako bigla ng excitement.

Napaka-agang Christmas gift nito papa God. Pero thank you parin po, sobrang saya ko ngayon.

☆○☆○☆○

"Po? Hindi po kayo dito mag No-Noche Buena?" Gulat na sabi ko nang marinig ko yung pinag-uusapan nila tita at papa sa living room. Kakagising ko lang kasi kaya late ako sa usapan.

"Nako ija, tayong lahat. May Noche Buena kasi sa company ko, so inaasahan ko na lahat kayo makakasama " Sagot ni tito sakin, bigla ko namang naalala yung pinag-usapan namin nila Meriza.

"Pwede po bang hindi na ako sumama?" Dahil sa tanong ko ay agad na napatingin sakin si papa at Luis.

"At bakit? Saan ka naman mag No-Noche Buena Lavinia?"

"Pwede po bang dito nalang po? Kasi po yung mga kaibigan ko gusto nila magkakasama kami sa Noche Buena. So naisip ko po na dito nalang kami, pwede po ba?" Sagot ko sa tanong ni tita.

"Omg oo naman, gusto ko man kayong samahan pero hindi pwede. Kailangan kong pumunta sa Noche Buena sa company."

"Thank you tita." Sabi ko at agad na pumunta sa kwarto ko at tinawagan sila Safina.

"Safina! I'm so happy." - Me.

"Halata nga, bakit?" - Safina.

"Pinayagan nila ako na kayo ang kasama ko sa Noche Buena, dito nalang tayo sa bahay nila tita." - Me.

"Omg, excited na ako. Wala nang atrasan to ah? Buti nalang. Ayoko kasi don sa bahay nila Meriza, may crush sakin yung anak ng driver niya at naiinis talaga ako sa lalakeng yon." - Safina.

"Oo naman walang atrasan to! Grabe ka mabait naman yon ah? Ano nga name non? Jhared ba?" - Me.

"Oo nga. Eh ayoko sa kanya, tsaka hello? May boyfriend ako. Napaka seloso pa naman ni Roi." - Safina.

"De sabihin mo sa kanya taken kana, oh pano? sabihin mo nalang kay Meriza ah, byee."

Pagka-sabi ko non ay agad kong in-end yung call at napahiga nalang sa kama ko.

Sobrang saya ko ngayon kahit hindi ako masyadong pinapansin ni Luis pero at least dito na ulit siya nakatira.

Pero bakit parang biglang naging cold na naman siya sakin?

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon