Lavinia's POV
Maagang natapos ang klase, may meeting daw kasi yung mga teacher.
"Tara na excited na akong makita yung bagong bahay niyo ni papa." Bigla nanamang binatukan ni Safina si Kino. Kaya agad akong lumapit kay Kino at hinimas yung ulo niya.
"Maka papa ka diyan! ni hindi ka nga gusto ni Lavinia eh!" Bulyaw ni Safina sa kanya. Hay nako magsisimula na naman sila.
"Tama nayan, wag mo naman masiyadong saktan si Kino. Tara ma maghintay na tayo ng taxi." Sabi ko nalang kaya tumahimik na sila.
"Uyy Vinia si Luis yon ah." Biglang sabi ni Meriza sabay turo kay Luis na nakaupo sa pathway.
"Tsk tara na nga wala na akong pake sa mayabang nayan."
"Talaga lang huh?" Sarcastic na tanong ni Safina.
"Tigilan niyo nga si Vinia, dapat lang naman na mawalan na siya ng pake sa mayabang nayon! Diba my loves?" Sabat naman ni Kino. Hindi nalang ako nagsalita at pumara na ng taxi.
***
"Wow! eto na ba yung bagong bahay niyo Vinia? grabe ang ganda ng bahay niyo pang mayaman talaga." Excited na sabi ni Meriza pagdating namin sa bagong bahay.
"Nako magsi-pasok na nga kayo at nagluto ako para sa inyo." Masayang bungad samin ni papa.
Agad naman kaming pumasok sa loob. Gutom na ako siguradong masarap luto ni papa. Simula kasi nung nangyari kaninang umaga nakalimutan kong kumain ng breakfast tapos nawalan ako ng ganang kumain nung lunch time.
"Sige kumain na kayo diyan." Sabi ni papa. Syempre wala na akong pake sa kanila bahala na silang kumuha ng pagkain nila, gutom ako eh.
"Tito grabe sobrang sarap ng luto mo." Namumungalan na sabi ni Safina, kumakain kase salita nang salita.
"Hay nako! takaw mo talaga Safina! pero totoo papa sobrang sarap talaga ng mga luto mo."
"Kumain ka lang nang kumain Akino, hayaan mo at aampunin na kita." Dahil sa sinabi ni papa ay agad na tumawa si Safina.
"Buti nga sayo!"
Agad ko naman silang binawal. Kumakain tapos bangayan nang bangayan.
***
Natapos na kaming kumain nang biglang kumidlat ng malakas.
"Grabe naman, lakas ng kidlat na yon. Mabuti pa maya-maya na kayo umuwi." Sabi ni papa. Baka kasi umulan pa, dito na lang muna sila.
"Teka, naamoy niyo ba yung naamoy ko?" Tanong ni Kino.
"Hindi, ano ba yon?" Tanong pa ni Meriza.
"Amoy sunog." Sabi naman ni Safina dahilan para mapatayo ako.
"Oo nga noh? baka may nagsisiga lang, nakabukas kasi mga bintana." Sabi ni papa, pero hindi talaga ako mapakali.
"Tito walang nagsisiga nasusunog na bahay niyo!" sigaw ni Safina, agad kaming lumabas ng bahay. Nasusunog na pala bubong ng bahay namin at sobrang bilis kumalat ng apoy. Tumawag kami ng bombero pero one hour bago sila nakarating kaya pagdating nila halos abo nalang bahay namin. Buti nakapag labas pa ako ng mahahalagang bagay.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss