Lavinia's POV"Sakay." Masungit na sabi ni Luis at agad niya akong inalalayan palapit sa kotse pagdating namin sa parking lot, may kotse na pala siya.
"Hahatid mo ako?" Masayang tanong ko naman sa kanya.
"Kung ayaw mo eh di wag." Masungit na sabi nanaman niya at sumakay na siya sa kotse niya at tsaka ito pinaandar.
"Syempre gusto, nagtatanong lang naman ako eh wala naman akong sinabi na ayaw ko." Sabi ko at dahan dahan na sumakay sa kotse niya, umiika pa kasi ako, ayoko namang mag-commute masakit paa ko. Nagpapasalamat talaga ako sa ginawa ni Mika, feeling ko talaga nag-worry sakin ng sobra si Luis.
"Saan kayo nakatira ni tito ngayon?" Tanong niya habang naka-focus lang sa daan yung tingin niya. Sheeshh! Napakagwapo niya.
"Bakit mo tinatanong?"
"Nag i-isip kaba? Paano kita ihahatid kung hindi ko malalaman kung saan ka nakatira." Naiiritang sabi niya, napa-peace sign naman ako sa kanya.
"Ito naman nagsungit agad, ituturo ko nalang." Sabi ko, hindi na siya nagsalita kaya nag-cellphone nalang ako, tadtad ako ng messages galing sa mga kaibigan ko, lalo na kay Kino. Una kong binuksan yung message ni Safina tinatanong niya kung nakauwi na ako, yung kay Meriza naman tinatanong niya kung nag-usap daw ba kami ni tita which is mama ni Luis and last but not least si Kini, well tinatanong niya kung kumain na ba ako, kung nakauwi na ba ako, kung nag-aral ba akong mabuti at kung saan kami nakatira ni papa ngayon. Hindi pa niya kasi alam kung saan. Hindi ko na sila nireplayan at napadungaw nalang ako sa bintana. Madilim na tapos traffic pa, buti nalang ihahatid ako ni Luis.
***
"Ayan, itabi mo nalang diyan Luis." Sabi ko sabay turo sa itim na gate.
Agad namang hininto ni Luis yung kotse niya sa gilid at dahil medyo gentleman siya ngayon, pinagbuksan niya ako ng pinto at tinulungan akong bumaba. Agad kong pinindot yung doorbell pero walang nagbubukas ng gate.
"Wala pa siguro si papa, ayyyyy! oo nga pala may susi pala ako ng gate, kaya lang hindi ko alam kung dala ko." Nakangiting sabi ko at agad na kinalkal yung bag ko.
"Tsk, burara talaga." Rinig kong sabi niya. Nang mahanap ko na yung susi ay bubuksan ko na sana yung gate nang biglang kusang bumukas ito.
"Hala? May multo!" Sabi ko at napayakap ako sa braso ni Luis.
"Eh sino ba kayo?" Agad akong napabitaw sa kanya at tumingin sa nagsalita.
"Po? Diba po dapat ako ang nagtatanong niyan kasi nandito kayo sa bahay namin." Sabi ko sa lalaking matanda, siguro nasa 70 plus na siya.
"Teka ija? Bahay ko itong sinasabi mo na bahay niyo ng asawa mo."
"Asawa?" Tanong ko.
"Kayong dalawa mag-asawa, ikaw at siya." Turo ni lolo sa aming dalawa ni Luis, napangiti nalang ako at umiling.
"No sir, we're not. Sorry for disturbing you sir, we will go now." Sabi ni Luis.
"Oh sige mag i-ingat kayo ah." Sabi ni lolo at agad na isinara yung gate.
Napatingin naman ako sa kanya at sobrang sama ng tingin niya sakin.
"Promise ito talaga yung bahay nam-."
"Wag kanang mag-explain sumakay kana lang sa kotse, doon ka muna samin." Putol niya sa sinasabi ko, napangiti nalang ako at agad na sumakay sa kotse niya.
Pero bakit biglang hindi na namin bahay yon? Sure na sure talaga ako na yon yung bahay namin, at tsaka nasan kaya si papa ngayon?
***
Pagdating namin sa bahay nila Luis ay agad kaming bumaba sa kotse.
"Teka? Nandito si papa?" Gulat na sabi ko namg makita ko yung kotse niya, agad kaming pumasok sa loob at nadatnan namin sila sa living room, nandito nga si papa.
"Pa? Anong nangyayari? Bakit may ibang nakatira sa bahay natin? At bakit nandito ka?" Sunod sunod na tanong ko, agad naman silang napatingin samin ni Luis, si tita naman agad na lumapit sakin at niyakap ako.
"Vinia, alam mo kasi yung pinagbilan niyo pala ng bahay ay may nauna nang pinagbentahan, kaya ngayon wala na naman kayong bahay, kaya dito na ulit kayo titira." Masayang sabi ni tita, hala? Totoo ba to? Dito na talaga ulit kami titira?
"Tagala po?" Nae-excite na tanong ko.
"Yup, lalo na ngayong nalaman ko na nag-kiss pala kayo ni Luis. Kailangan niyo talagang magkasama, ipapakasal ko talaga kayo."
"Huh? Kiss?" Gulat na sabi ko, hala? Bakit nalaman ni tita yon?
"What?! No way!" Sigaw ni Luis kaya agad kaming napatingin sa kanya.
"Pero ana-." Hindi na natuloy ni tita yung sinasabi niya dahil pinutol yon ni Luis.
"No! It's just a kiss, walang meaning yon para sakin. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko naman gusto." Galit na sabi niya at nag-walk out siya.
Lahat kami natahimik, ni wala man lang nagsasalita samin, hanggang sa mapansin ni papa yung paa ko.
"Anak anong nangyari sa paa mo?" Tanong niya.
"Ah natapilok lang po ako kanina, pero okay lang po ako. Sige po mauna na po ako." Sabi ko agad na pumunta sa taas, bigla ko namang nakita si Jelo na naka-upo sa hagdan.
"Tsk, stupid! Wala na naman akong kwarto dahil sayo." Sabi niya at agad na umalis.
Napabuntong hininga nalang ako at agad na pumunta sa kwarto ko.
"Nakakapagod!" Sigaw ko sabay higa sa kama.
Nakakapagod talaga yung araw nato, masakit pala malaman na wala talaga akong pag-asa kay Luis kahit konti, sobrang sakit nung sabihin niya na walang meaning sa kanya yung paghalik niya sakin sa lips. Kung sa kanya wala, para sakin may meaning yon. First kiss ko yon eh tapos dahil don nagkaroon ako ng hope na baka may gusto din siya sakin. Pero kakasabi lang niya kanina na hindi siya magpapakasal sa taong hindi naman niya mahal, hindi talaga niya ako magugustuhan. Kailangan ko na bang mag-give up? Siguro nga kailangan ko nang sumuko, siguro nga gusto niya talaga si Mika.
Ayoko na, give up na ako...
*****
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss