Chapter 75: Trying to Open my Heart for you

66 9 8
                                    


Lavinia's POV

"Tito, uuwi na po ako. Maraming salamat po sa napakasarap at libreng dinner ngayon. Napaka-galing niyo pong magluto. Siguro po magaling din magluto si Lavinia." Agad akong napangiti dahil sa sinabi ni Mika. Kung alam lang niya... kung alam lang niya na hindi ako marunong magluto baka pinagtatawanan na niya ako ngayon.

"Walang anuman ija. Mag-iingat ka sa pagda-drive ah, welcome ka lagi dito sa restaurant ko." Sabi ni papa. Nakipag-beso beso naman si Mika kay papa bago ko siya samahan palabas ng restaurant.

Dito kasi ako nagpahatid kay Mika. Tapos sabi niya gusto daw niya makilala si papa kaya dito na siya nag-dinner sa restaurant.

"Ingat ka, thank you sa milktea, isaw at balut ah." Sabi ko nang makalabas na kami.

"Ingat din kayo ni tito sa pag-uwi. Thank you din sa dinner, sobrang sarap promise. Magte-text ako sayo mamaya ah, bye." Sabi niya at niyakap niya ako bago siya sumakay sa kotse niya at tuluyan na siyang umalis.

Pagbalik ko sa loob ng restaurant ay agad akong sinalubong ni Kino.

"Hi my loves." Masayang bati niya sakin.

"Oh bakit Kino?"

"Ano kasi..." Sabi niya at napakamot siya sa batok niya.

"Ano?" Takang tanong ko naman sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-date bukas? Kahit after school mo nalang. Susunduin kita, pero okay lang din naman kung aya-."

"Gusto ko, pumapayag ako. Bukas 4:00 PM hihintayin kita sa pathway, wag kang mala-late ah." Pagputol ko sa sinasabi niya. Nanlaki naman ang mga mata niya at nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit.

"Thank you, thank you my loves! Gusto kona tuloy matulog ngayon." Kinikilig na sabi niya. Pero real talk napaka-higpit talaga ng yakap niya sakin.

"Kino walang anuman, pero pwede ba bitawan mo na ako hindi kasi ako makahinga eh." Dahil sa sinabi ko ay agad niya akong binitawan at nag-peace sign siya. Natawa na lang ako dahil sa nangyari.

♤°•♤°•♤°•♤°•♤

"Good morning po tita, tito, Jelo and L-luis." Sabi ko nang maabutan ko silang kumakain ng breakfast dito sa dining room.

"Good morning stupid." Sabi naman ni Jelo. Ngumiti na lang ako at agad na tumabi kay Luis.

Kailangan kong umakto na parang okay lang kami, kailangan kong umakto na ayos lang ako.

"Good morning ija, mukhang ang saya mo ngayon ah."

"Oo nga Vinia. May nangyari bang maganda?" Pagsang-ayon naman ni tita sa sinabi ni tito.

"Wala naman po, kain na po tayo." Sabi ko at agad na kumain.

☆▪︎▪︎••▪︎▪︎☆

Nasa school na ako ngayon and as usual hinintay nanaman ako ng mga kaibigan ko sa pathway.

"Good morning!!! Good morning sa magaganda kong kaibigan!" Masayang bati ko sa kanila. Agad namang nanlaki yung mga mata nila.

"O! M! G! Our happy go lucky Vinia is back!!! Ikaw ba talaga yan?!!!!!" Masayang sigaw ni Safina at niyakap nila ako.

"So sinong nag-pabalik ng sigla mo? Yieeee." Mapang-asar na sabi ni Meriza.

"Wala noh, masama bang maging masaya?"

"Hindi naman pero nakakapag-taka lang. Diba Meriza?" Sagot ni Safina sakin.

"Wag na kayong mag-taka okay? By the way hindi ako sasabay sa inyong umuwi. May date kasi kami ni Kino mamayang 4:00." Masayang sabi ko at iniwan ko sila, ang bagal kasi nilang maglakad.

"Omg gurl?!! Anong may date kayo ni Akino? bakit ka pumayag?! Pumayag ba kami? Hindi naman diba?! Hoy Ms. Kleus! Pansinin mo ako!" Rinig kong sigaw ni Safina. Napa-iling na lang ako at tumawa.

•♤°♤°♤°♤•

"Tsk, text mo kami kapag nasa bahay kana ah?" Sabi ni Safina sabay irap sakin.

"Safina hayaan mona silang mag-date. Si Akino lang naman yon eh. And at least kilala natin si Akino. 100 percent na mapagkakatiwalaan." Sabi naman ni Meriza kay Safina.

"Oo na, oo na. Pumapayag na nga ako diba? Sige na aalis na kami, ingat ka ah." Sabi ni Safina at niyakap nila ako bago sila tuluyang umalis. Ako naman naiwan ako dito sa pathway.

Wala pa akong 2 minutes na naghihintay pero nandito na agad si Kino. Ang gwapo niya sa suot niya ngayon tapos ang cute pa nung ngiti niya.

"My loves!" Tawag niya sakin kaya agad akong lumapit sa kanya para hindi na siya bumaba ng motor niya.

"Buti pinayagan ka ni papa." Sabi ko. Bigla naman niyang isinuot sakin yung isa pang helmet na hawak niya.

"Oo nga eh, akala ko nga magagalit si papa." Natatawang sabi niya. Ngumiti na lang ako at agad na umangkas sa kanya.

"Kapit lang my loves, baka ma fall ka lalo sakin kapag nahulog ka."

Dahil sa sinabi niya ay nahampas ko siya. Tumawa lang siya ng malakas at agad kaming umalis.

"Saan tayo pupunta?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Sa bagong mall my loves. Diba dati kasi dapat magsi-sine tayo, kaya lang kailangan ako ni papa sa restaurant that time, eh no choice ako kaya iniwan kita."

Tumango na lang ako kahit hindi niya ako nakikita.

Handa na talaga akong buksan yung puso ko para kay Kino. Handa na akong kalimutan nang tuluyan si Luis. Soon matututunan ko din siyang mahalin.

Mabait, masipag, gwapo at matalino naman siyang tao kaya hindi malabo na magustuhan ko siya.

•☆•☆•☆•☆•

Nag-sine, kumain at nagpunta lang kami sa arcade zone para maglibang.

At ngayon pauwi na kami ni Kino. Naglalakad na lang kami ngayon papunta sa parking lot.

Sobrang saya ko ngayon kasi sobrang dami kong nakuha na stuffed toys sa claw machine kanina, I mean ni Kino pala. Ang galing niya sa pagkuha ng mga stuffed toys.

"Kino paano kaya kung pumunta tayo sa restaurant ni papa ngayon? Baka hindi pa siya nakakapag-ayos don. Para sabay na din kami uuwi ni papa. Ano sa tingin mo?" Tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Hindi siya nag-respond kaya agad akong huminto at tumingin sa kanya.

"Hoy Kino, bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kanya, umiling lang siya at nagulat na lang ako sa ginawa niya.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon