Lavinia's POV"Hindi niyo ba nakita si Kino?" Tanong ko sa dalawa kong kaibigan nang matapos namin yung exam.
"Bakit mo siya hinahanap? Don't tell me may gusto ka na sa kanya? Yieeee!" Pangtutukso sakin ni Safina, inirapan ko naman siya.
"Hindi ah."
"Eh bakit defensive ka?" Sabat naman ni Meriza na ngayon ay kumakain ng sandwich.
"Nag-aalala lang ako kay Kino hindi kasi siya pumasok, hindi ba niya alam na bawal nang kumuha ng exams bukas?" Kahit na napakakulit non kaibigan ko parin yon at may care ako sa kanya.
"Hay nako! Hindi kana nasanay kay Akino." Tumango nalang ako sa sinabi ni Safina at nagsimula nang maglakad palabas ng school, baka sabayan pa nila ako.
♡♡♡♡
Meriza's POV
Nang mawala na sa paningin namin ni Safina si Vinia ay agad kaming umalis sa room. Alam naman maming ayaw niya kaming kasabay sa pag-uwi. Ano kayang tinatago niya samin? Bakit parang takot na takot siya na malaman namin kung saan siya nakatira? Hindi ko alam kay Safina kung sanay ba siya na hindi na sumasabay samin si Vinia or hinahayaan nalang niya.
"Sundan natin siya." Out of nowhere na sabi ni Safina at bigla niya akong hinitak. Paglabas namin ng gate ay nagulat kami nang biglang may humitak samin. Sisigaw na sana ako pero si Akino at ang mga kaibigan lang pala niya.
"Akino pambihira ka talaga!" Inis na sabi ko at binatukan ko siya.
"Pwede wag muna kayong dumada, sumama kayo sakin. Susundan natin si Vinia." Dahil sa sinabi niya ay agad kaming napatango ni Safina.
"Galing mo talaga pareng Akino, yan nga ang balak namin kanina pa." Masayang sabi ni Safina.
***
Hindi namin alam kung saan pupunta si Vinia, ang daming pasikot-sikot. Hindi niya kami nahahalata dahil sobrang layo namin sa kanya, yung sakto lang para makita namin kung saan siya pupunta, kapag lumapit kami mahahalata niya agad kami.
"Omg, may pinasukan siyang bahay." Sigaw ko, kaya naman agad kaming nagtatakbo sa tapat ng bahay na pinasukan niya. Naabutan pa namin siyang binubuksan yung front door ng bahay pero hindi niya kami nakita.
"Ang laki naman ng bahay na to, sa tingin niyo? Dito na kaya sila nakatira ngayon?" Namamanghang tanong ni Drex.
"Ewan? Ikaw Akino ano sa tingin mo?" Hindi sumagot si Akino sa tanong ko kaya naman tiningnan ko siya.
"Ano yan?" Tanong ko at tiningnan ko yung tinititigan niyang sulat sa gilid ng gate.
"Valtimomtar family?!!!" Sabay na sigaw namin ni Safina.
"Omg hindi kaya si Lui-." Hindi na natuloy ni Safina yung sasabihin niya nang bigla kaming hitakin nila Akino sa likod ng isang malaking puno. Uso bang manghitak ngayon? Kainis!
"Ano ba?!" Reklamo ko, nagsign lang siya sakin na wag akong maingay kaya napatingin ako kung saan siya nakatingin.
"Sabi na tama yung hinala ko." Mahinang sabi ni Safina, nakita kasi namin si Luis na pumasok sa bahay na pinasukan din ni Vinia kanina. Omg? Magkasama talaga sila sa iisang bahay?
"Sabi na! Pinopormahan talaga nung mayabang nayan yung my loves ko! Humanda talaga sakin yan bukas!" Inis na sabi ni Akino, as if naman na merong sila ni Lavinia.
"Tumigil ka nga diyan Akino, wala namang kayo ni Vinia ah? At tsaka bakit ba hindi ka pumasok? alam mo bang hindi kana makakakuha ng exams?! Ngayon for sure gagawa ng paraan si Vinia para pakuhanin ka nila ng exams." Inis na sabi ko sa kanya, hindi na kasi nag-aaral ng mabuti absent pa nang absent, syempre proproblemahin din namin siya, kaibigan kaya namin siya.
"Basta, tara na nga!" Sabi nalang niya at nagsimula na siyang maglakad kasama yung mga kaibigan niya.
***
Lavinia's POV
Maaga akong pumasok sa school ngayon, dahil ngayon na makikita yung results ng mga exam. Akala ko wala pang masyadong tao pag 6:00 am pero mali pala ako nagkakagulo na agad sila sa mga bulletin board.
Agad kong chineck yung mga bulletin board nakasali naman yung name ko kahit hindi first. Pagkatapos kong ma-check yung iba ay agad akong pumunta sa math. Grabe number 1 na naman si Luis as expected. Ang galing talaga niya sa math.
Agad akong umalis don dahil padami nang padami yung mga tao, hindi kona chineck lahat ng kasali sa math. Sure naman na hindi ako masasali don. Aalis na sana ako para pumunta sa room nang bigla kong nakita si Luis kasama niya si Roi at Wency, papalapit sila sakin.
"Congrats."
"Congrats? Saan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba nakita? Kasama yung name mo sa bulletin board ng math." Natatawang sabi ni Wency. Agad namang nanlaki ang mga mata ko at bumalik ako sa bulletin board.
"Excuse me! Excuse me!" Nae-excite na sabi ko. Nagbigay naman sila ng way para makadaan ako.
"Ako? Number two sa math? Totoo ba to?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko.
"Yes, congrats Ms. Kleus, keep it up." Agad akong napatingin sa nagsalita.
"Thank you po." Guess what? Binati lang naman ako ng masungit naming principal, grabe ganito pala pakiramdam na ma-achieve yung isang bagay na gustong gusto mo.
Pagkatapos kong kausapin yung principal ay agad akong bumalik kung saan ko nakita si Luis kanina, at this time hindi na niya kasama sila Roi. Lumapit ako sa kanya at ngumiti ng sobrang laki.
"Thank you so much Luis." Sabi ko, hindi siya nagsalita at inabot lang niya sakin yung kamay niya. Kukunin kona sana yon para makipag-shake hands pero bigla niyang tinabig yung kamay ko.
"Huh?" Nagtatakang tanong ko.
"Picture, akin na." Cold na sabi niya, natawa nalang ako dahil sa nangyari, ang assumera ko naman kasi.
Agad kong kinuha sa coat ko yung picture at nilabas. Natakot ata siya na may makakita kaya agad niyang hinitak sakin yon.
"Ngayong tapos na yung deal natin hindi kana dapat lalapit sakin, wag na wag mo nang guguluhin ulit yung buhay ko, sinisira mo yung buhay ko."
Dahil sa sinabi niya ay nawala yung mga ngiti sa labi ko, sobrang sakit niyang magsalita. Ginulo ko ba talaga yung buhay niya? Nasira ko ba talaga?
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
Fiksi PenggemarWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss