Chapter 28: Goodbye, Valtimontar Family

61 10 0
                                    


Lavinia's POV

"Bakit nakalabas yung kotse ni papa?" Gulat na tanong ko nang madatnan namin ni Luis na nasa labas ng gate nila yung kotse ni papa, agad kaming pumasok sa loob at nadatnan namin sila na nag-uusap sa living room.

"Ano pong meron? Bakit nasa labas yung kotse mo papa?" Tanong ko na nagpatigil sa pag-uusap nila.

"Vinia." Umiiyak na sabi ni tita at lumapit siya sakin para yakapin ako kaya niyakap ko din siya.

Anong ganap? Bakit parang ang lulungkot nila?

"Ano po bang nangyayari tita? tito? Papa?" Nalilitong tanong ko sa kanila.

"Aalis na tayo dito Lavinia, nakabili na kasi ako ng bahay natin. Tsaka nakakahiya na din kasi sa mga Valtimontar, ayoko namang tumagal tayo ng isang taon dito." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil mahihiwalay na kami sa mga Valtimontar, napamahal na din kasi sila sakin.

"Yes! Sa wakas!" Masayang sabi ni Jelo at dinilaan ako, hindi ko nalang siya pinansin.

"Ano ka ba Ray, wala namang problema samin kung abutin pa kayo ng ilang years dito, please wag na kayo umalis, masaya naman tayo dito eh, diba?" Umiiyak parin na sabi ni tita.

"Honey, hayaan mo na sila, kung yon talaga ang gusto ni Ray." Sabi naman ni tito.

"Maraming salamat talaga sa pagpapatuloy samin dito, hinding hindi ko makakalimutan yung ginawa niyong kabutihan saming mag-ama. Pero mare, pare kailangan na talaga naming umalis, Lavinia sige na, ayusin mo na lahat ng gamit mo." Sabi ni papa at niyakap niya si tito, tumango naman ako at agad na pumunta sa kwarto.

Habang nag-iimpake ako ay hindi ko maiwasang malungkot, sobrang napamahal na talaga sila tita sakin, mami-miss ko yung napaka-girly na kwarto nato, mami-miss ko yung feeling ng may nanay.

"Anak." Rinig kong sabi ni papa habang kumakatok siya sa pinto.

"Pasok po." Sabi ko naman at agad na pumasok si papa.

"Anak, pasensya kana kay papa ah? Ginagawa ko lang naman to para sayo."

"Po?" Tanong ko sa sinabi ni papa.

"Anak alam kong gustong gusto mo si Luis, hanggang nandito tayo sa bahay nila lalo kang mahihirapan na kalimutan siya. Anak ayoko lang naman na masaktan ka, alam naman natin pareho na walang gusto sayo si Luis. Kaya anak mas mabuti na malayo na tayo sa kanila para sayo tong ginagawa ko anak, paano? Tapusin mo na yan nang makaalis na tayo." Tumango ako sa sinabi ni papa at hinug ko siya bago siya umalis sa kwarto.

Siguro nga tama si papa, siguro nga mas mabuti na mahiwalay na ako kay Luis para makalimutan ko na siya, pero paano? Lalo na makikita at makakasama ko siya lagi sa practice.

♤♡♤♡♤♡

Luis's POV

"Luis, aalis na si Vinia. Please gumawa ka ng paraan para mag-stay nalang sila dito."

"Mama, kung gusto nang umalis nila tito hayaan mo sila." Masungit na sabi ko at pumasok nalang sa kwarto ko.

Okay nga yon eh, para umalis na si Jelo sa kwarto ko at para mabawasan na din yung sakit ng ulo ko sa babaeng yon, at least sa school nalang kami magkikita.

"Vinia, mag-stay nalang kasi kayo dito, malaki naman itong bahay namin. Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan niyo pang umalis?" Rinig kong sabi ni mama kaya napasilip ako sa bintana, aalis na sila.

"Tita wag na po kayo umiyak, pwede naman po akong dumalaw dito." Sagot naman ni Lavinia habang yakap-yakap niya si mama.

"Kuya!" Agad akong napabalik sa upuan ko nang biglang pumasok si Jelo.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"Kuya sa wakas umalis na si stupid! Makakabalik na ako sa kwarto ko! Yeheyyyyy!" Masayang sabi niya sabay higa sa kama ko kaya napatango nalang ako.

Gustong gusto na kasi talaga niyang bumalik sa kwarto niya, sa guess room kasi wala pang kama don kaya siguro yung kwarto ni Jelo yung pinahiram ni mama kay Lavinia.

I don't know kung anong nararamdaman ko ngayon.

***

Lavinia's POV

"Talaga? Wala na kayo sa bahay ng mga Valtimontar?" Tanong ni Safina, tumango naman ako sa kanya.

"Ay ang sad naman, so ibig sabihin ba niyan tapos na yung love story niyo ni Luis?" Tanong naman ni Meriza.

"Ewan ko? Baka? Tsaka diba nga ang purpose ng paglipat namin ay para makalimutan ko na siya. Tama na nga yung mga tanong niyo nayan, makinig na tayo sa teacher natin." Sabi ko at agad na nag-focus sa lesson namin pero kahit anong focus ang gawin ko, hindi ko talaga maintindihan.

***

"Bye! Ingat ka ah!" Sabi ni Safina ngumiti at tumango ako sa kanila ni Meriza bago pumara ng taxi, malayo kasi yung bagong bahay namin dito sa school kaya kailangan ko nang mag-commute simula ngayon. Buti nalang nag-text sakin si Luis, sabi niya hindi muna daw kami magpa-practice since kabisado ko naman na daw yung mga parts ko, hindi ko siya nakita ngayong araw.

Siguro mga 40 minutes bago ako nakarating sa bagong bahay namin ni papa, maganda siya tapos medyo malaki para samin ni papa pero okay lang naman.

Kaya lang medyo malungkot, wala kasi si papa, mamaya pa yung uwi niya dahil sa restaurant tapos ang lungkot pa dito ang tahimik. Nakaka-miss pala yung pag-uwi ko ng bahay babati agad sakin sila tita at tito tapos nakaka-miss yung mga bine-bake na cakes and cupcakes ni tita.

Napabuntong hininga ako at agad na pumasok sa kwarto ko. Kama palang ang meron ako dito, hindi pa kasi kami nag-aayos ni papa ng mga gamit.

Napahiga nalang ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame.

Kamusta kaya si Luis? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Masaya kaya siya dahil nawala na ako sa buhay nila?

***

Lumipas ang mga araw at ngayon, ngayon na yung araw ng laban namin nila Mika at Warren.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Luis, dahil simula nung umalis kami ni papa sa bahay nila parang nahihiya na ako sa kanya. Well nagkakasama naman kami dahil sa practice pero hindi kami nag-uusap.

***


Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon