Lavinia's POV
Ilang araw na ang lumipas simula nang matapos yung outing namin at ngayon nandito ako sa mall kasama yung mga kaibigan ko, pumipili kami ng design ng gown na susuotin namin para sa Grand Ball pagkatapos ng graduation namin. Next week na kasi yung graduation namin, maaga kaming nag-outing kasi sabi ni tita magiging busy sila pagkatapos ng graduation.
"Ano? May napili kana ba Vinia? Kanina kapa namin hinahanapan ng design, ano ba kasing gusto mo?" Naiinip na tanong ni Meriza, nag-peace sign nalang ako sa kanya at humanap ng design na babagay sakin, gusto ko kasi yung medyo fancy at agaw pansin na gown.
Nang makahanap ako ng design na gusto ko ay agad ko itong pinakita sa designer. Ewan ko ba kasi kay papa ang gusto niya mag-patahi ako ng gown eh pwede namang mag-rent nalang ako. At, syempre kumain muna kami bago magikot-Ikot sa mall.
"Vinia saan ka mag-aaral ng college, ako doon parin." Biglang tanong sakin ni Safina.
"Doon parin, eh ikaw Meriza?" Tanong ko naman sa kanya.
"Syempre don din, ayoko kayang lumipat." Sagot naman niya, bigla nalang akong napahinto sa paglalakad nang maagaw ng isang bilihan ng mga lucky charm ang pansin ko.
Agad ko itong nilapitan kaya naman sinundan ako nila Safina.Naalala ko kasi si Luis, gusto ko siyang bigyan ng lucky charm. Nakakalungkot mang isipin pero... Lilipat kasi siya ng school. Ang alam ko dalawang school yung pagpipilian niya, bukas yung entrance exam niya sa Elite University tapos sa isang araw naman sa Tonan University. Hindi ko alam kung bakit dalawang University pa yung page-examan niya eh sigurado naman na papasa siya sa parehong University nayan.
"Bakit? Bibili ka ba ng lucky charm?" Tanong ni Meriza, tumango lang ako at agad na namili ng lucky charm tsaka ko ito binayaran.
***
"Tita good morning." Masayang bati ko kay tita nang makita ko siya sa kitchen.
"Oh? Hindi kaba papasok para sa practice niyo ng graduation?" Tanong sakin ni tita.
"Mamayang 1:00 pm pa po yung start eh, since mamaya pa naman po ako papasok pwede po bang tumulong ako sa paghahanda ng lunch ni Luis?" Masayang tanong ko kay tita. Agad naman siyang tumango at niyakap ako.
"Sana talaga maging kayo ni Luis ko, gustong gusto talaga kita para sa anak ko."
"Nako tita hinding hindi po mangyayari yan. Hindi po ako ang tipo ni Luis." Natatawang sagot ko sa sinabi ni tita. Totoo naman kasi yon hindi ako ang tipo ng anak niya, hinding hindi siya magkakagusto sakin.
"Magiging kayo, trust me ija." Natawa nalang ako sa sinabi ni tita at sinimulan kona siyang tulungan.
♡◇♡◇♡
Luis's POV
"Kuya pwede rin kaya akong lumipat ng school?" Tanong ni Jelo sakin habang nag-aayos ako ng buhok, ngayon kasi yung entrance exam ko sa Elite University.
"Pwede, pero hindi pa sa ngayon, sa Tokiwadai ka muna." Sabi ko at agad na kinuha yung bag ko at bumaba na, pagpunta ko sa kitchen ay nadatnan ko si mama at si Lavinia na nagtatawanan, agad naman silang huminto nang makita nila ako.
"Anak eto lunch mo ah." Sabi ni mama at agad na nilagay yon sa bag ko.
"Sige ma aalis na ako." Sabi ko at nagsimula na akong maglakad, papunta sa front door.
"Good luck." Rinig kong sabi ni Lavinia, hindi ko nalang siya pinansin at bubuksan ko na sana yung pinto nang bigla niya akong pigilan.
"Saglit may nakalimutan ako." Sabi niya at may kinuha siya sa bulsa niya, isang lucky charm. Agad niyang inilagay yon sa bag ko at ngumiti sakin.
"Ayan okay na! Ingat." Masayang sabi niya, hindi ko ulit siya pinansin at agad na umalis.
***
Nag-bus lang ako papunta sa Elite University, next month pa kasi ako ibibili ng kotse ni papa. Nagulat nalang ako nang biglang huminto yung bus na sinasakyan ko, naubusan daw ng gas.
"Pasensya na po mga ma'am, sir matatagalan pa po bago umalis tong bus malayo po kasi tayo sa mga gasoline station, isosoli ko nalang po yung mga bayad ng mga nagmamadali para makahanap po kayo ng ibang masasakyan." Sabi nung kundoktor, napabuntong hininga nalang ako at agad na bumaba ng bus, maglalakad nalang ako medyo malapit naman na ako.
***
Agad akong napa-check sa cellphone ko kung anong oras na nang makarating ako sa Elite University, 9:45 AM na at 10:00 ang start ng exam ko. Pagpasok ko sa loob ng University ay nadatnan ko si Wency at Roi.
"Kanina kapa namin hinihintay, traffic ba?" Tanong ni Roi, tumango nalang ako at agad kaming sumakay ng elevator para makapunta sa 4th floor kung saan kami mag e-exam.
Nang bumukas yung elevator ay lalabas na sana ako kaya lang umipit sa pinto ng elevator yung lucky charm na nilagay ni Lavinia.
"Dude, matagal pa ba yan?" Tanong ni Roi.
"Saglit lang." Sabi ko at pilit na hinitak yung lucky charm pero ayaw parin maalis.
"Putulin na kaya natin?" Tanong naman ni Wency.
"Sige na mauna na kayo." Sabi ko pero hindi parin sila umalis hanggang sa natanggal ko na yung lucky charm sa pagkaka-ipit nito.
"Dude, hindi ata lucky charm yan eh, bad luck charm ata yan." Natatawang sabi ni Wency.
"Alam ko na, bigay yan ni Lavinia noh?" Tanong naman ni Roi. Tumango nalang ako sa kanila at hindi na sila pinansin.
***
Late na kaming dumating nila Wency. Nage-exam na sila nung dumating kami kaya kailangan hintayin muna namin silang matapos bago kami mag-take ng exam.
"Pwede na kayong mag-exam." Agad kaming pumasok sa loob ng room nang sabihan kami nung teacher na pwede na kaming mag-exam, agad niya kaming binigyan ng test paper nang maka-upo na kami.
"Okay lang yan Luis, easy lang sayo yan." Tinanguan ko nalang si Roi at kumuha na ng pencil sa bag ko pero naputol yung tasa, chineck ko din yung tatlo ko pang pencil pero lahat putol.
"Sabi sayo malas yan, tanggalin mo na nga yan." Sabi ni Wency at tinanggal sa bag ko yung lucky charm tsaka niya ito itinapon sa bintana.
Pinahiram nalang ako ni Roi ng pencil para makapag-sagot na din ako, malas nga siguro yung lucky charm na binigay ni Lavinia.
***
1:00 pm mahigit na nung matapos kaming mag-exam, paglabas namin sa Elite University ay nakita ko yung lucky charm na binigay ni Lavinia sakin, agad kong nilapitan yon at kinuha. Hindi pa nagtatagal sa kamay ko yung lucky charm ay minalas na agad ako, may matandang babaeng nakatapon sakin ng iced coffee. Hindi pa natapos yung kamalasan, dahil nawala naman yung wallet ko nung sumakay ako sa bus.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/175151734-288-k799669.jpg)
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss