Chapter 32: Stalking is a crime!

54 13 0
                                    


Lavinia's POV

"Outfit skirt and crop top check, hairstyle curly hair check, make-up lipstick at powder lang check, hmmmm ano pa ba?" Malungkot na sabi ko sa sarili ko habang nakaharap ako sa salamin, ang lungkot lang kasi isipin na magda-date sila Luis at Mika ngayon. Well aminin ko man o hindi pero... sobrang nai-inggit talaga ako kay Mika, biruin mo wala pa silang 1 year na magkakilala ni Luis pero sobrang close na sila sa isat-isa. Pero ako... ilang years na akong nagpapapansin sa kanya pero dedma lang. Ano kayang feeling ng i-crushback ka din ni crush? Ano kayang feeling ng mahalin din ako pabalik ng isang Luis Valtimontar?

Napatigil nalang ako sa mga pinag i-iisip ko nang biglang may kumatok sa pinto.

"Lavinia?"

"Po?" Sagot ko kay tita, alam na alam ko na talaga yung boses niya.

"Nandito si Akino sa living room, mukhang may lakad kayo ah? Lakad nga lang ba o date? Babain mo na siya ah. Nagba-bake kasi ako ng cake eh." Rinig kong sabi ni tita, kaya agad kong kinuha yung phone ko at pumunta sa living room.

"Tara na?" Nakangiting sabi ko kay Kino, agad naman siyang napangiti at tumayo sa pagkaka-upo niya sabay akbay sakin. Well hindi na ako nagugulat kapag inaakbayan niya ako, sanay na sanay na ako sa lalakeng to.

"Ang ganda mo my loves, lalo akong na i-in love sayo." Bulong niya sakin sabay kindat kaya naman siniko ko siya, sus eto talagang lalakeng to napaka bolero.

"Tita, aalis na po kami, uuwi po ako before mag 8:00." Sabi ko at nakipag-beso beso sa kanya.

"Sige, mag i-ingat kayo ah. Akino ingatan mo si Vinia ah? Kailangan saktong 8:00 nandito na siya, okay?" Sabi naman ni tita kaya agad kaming lumabas ng bahay.

"Sakto may taxi agad!" Masayang sabi ko at paparahin ko na sana yung taxi pero pinigilan niya ako.

"Bakit? Alam mo bang mahirap mag-abang ng taxi dito!" Inis na sabi ko, tumawa naman siya at inakbayan ako.

"Relax, may motor kaya ako my loves." Sabi niya sabay turo sa motor niya.

"Isa lang helmet ko kaya sayo ko nalang ipapagamit." Sabi pa niya at bigla niyang isinuot sakin yung helmet niya.

"Pano ka?" Tanong ko, syempre baka mamaya ma-aksidente kami tapos wala man lang siyang suot na helmet.

"Okay lang ako, tara na." Sabi nalang niya at sumakay na siya sa motor niya at agad itong pina andar, at dahil hindi naman ako maartevumangkas agad ako sa kanya.

"Kapit lang ah, baka ma fall ka na naman sakin." Tumatawang sabi niya kaya hinampas ko siya.

"Tsk hangin! ewan ko sayo Kino, tara na nga." Sabi ko kaya agad niyang pinaharurot yung motor, bakit ba nag-skirt ako ngayon? Ang uncomfortable tuloy ng feeling.

***

Nasa mall na kami ni Kino at ngayon nakapila kami sa bilihan ng popcorn, manonood na kasi kami ng sine.

"My loves, wait lang ah tumatawag si papa." Sabi niya at medyo lumayo siya sakin bago sagutin yung tawag ni papa, siguro tungkol na naman sa restaurant yon.

"Miss ikaw na."

"Ay palakang naipit!" Gulat na sabi ko sa babaeng kumalabit sakin, ako na pala yung next. Agad akong nag-sorry sa kanya at bumili na ako ng dalawang popcorn. Ang sarap kayang manood ng movie habang kumakain.

"Anong flavor ganda?" Tanong nung nagbebenta, teka medyo kinilig ako sa sinabi ni ate ah, maganda daw ako hehehe.

"Ate, Caramel yung isa tapos yung isa naman cheese." Sabi ko at agad na ibinigay yung bayad sa kanya.

"Kino, tara na." Excited na sabi ko at lumapit ako sa kanya matapos akong bumili ng popcorn. Kakatapos lang yata nila mag-usap ni papa at parang wala siya sa mood ngayon. Parang nag-aalinlangan yung mukha niya.

"My loves, sorry. Pero kailangan ko nang umalis, kailangan ako ni papa, sobrang dami daw ng tao sa restaurant. Kailangan talaga nila ako, sorry my loves babawi nalang ako. Sorry talaga." Nagmamadaling sabi niya at niyakap niya ako bago siya umalis.

"Hyssst, okay lang yan Lavinia, umuwi kana lang. Remember! mas importante ang restaurant ni papa." Sabi ko sa sarili ko at itatapon ko na sana sa trashcan yung binili kong popcorn nang may marinig akong familiar na boses, yung boses na nakaka-inis, yung maarteng boses na pabebe na nakaka-inis pakinggan.

"Anong gusto mong flavor ng popcorn? cheese, caramel, chocolate or plain lang? Ako kasi I like cheese."

Dahan dahan akong lumingon sa bilihan ng popcorn, at hindi nga ako nagkakamali, kay Mika nga yung maarteng pabebe na boses na narinig ko.

"Plain." Matipid na sagot ni Luis, pagkabili nila ng popcorn ay agad silang pumasok sa loob ng sinehan.

Parang gusto ko yatang sundan sila, pero... wag nalang siguro, for sure masasaktan lang ako sa mga makikita ko. Hindi man sabihin ni Luis pero sure akong may gusto din siya kay Mika. Papayag ba siyang makipag date kay Mika kung hindi niya gusto ito? halos lahat na nga yata ng boys sa school may gusto sa kanya. Eh di siya na maganda, siya na sexy, siya na matalino, siya na perfect, siya na talaga.

"Ini-stalk mo na naman sila?"

"Hindi noh! Nagka-taon lang." Sagot ko nang hindi tumitingin sa nagtanong sakin, teka? May nagtanong sakin?

"Mr. President? Warren?" Gulat na sabi ko nang tingnan ko kung sino yung nagtanong sakin.

"Ako nga, sige uuwi na ako, galingan mo nalang sa pang i-stalk sa kanila ah. Tapos balitaan mo nalang ako kung magki-kiss ba sila sa loob ng sinehan. Sa tingin ko wala naman akong mapapala kapag nang-stalk ako sa kanila kaya uuwi nalang ako." Sabi niya, at bago pa man siya maka-alis ay agad kong hinawakan yung dulo ng t-shirt niya.

"Tara? Stalk?" Nakangiting sabi ko sa kanya sabay pakita ng dalawang ticket at popcorn na hawak ko, agad naman siyang napangiti at hinitak na ako papasok sa sinehan.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon