Chapter 76: A Sudden Proposal

69 7 4
                                    


Lavinia's POV

"Hoy Kino, bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at nagulat na lang ako sa ginawa niya.

Lumuhod siya sa harap ko habang nakahawak siya sa mga kamay ko.

"Kino ano bang ginagawa mo? Tumayo ka nga diyan." Sabi ko pero hindi siya nakinig sakin, at mas lalo akong nagulat nang biglang may kinuha siyang singsing sa bulsa niya.

"Kino an-."

"Please makinig ka muna sakin." Putol niya sa sasabihin ko. Napa-tango naman ako.

"Vinia alam kong hindi ka pa graduate ng college pero... will you marry me?"

Halos hindi ko ma-process sa utak ko yung sinabi niya.

Ako? Pakakasalan niya ako?

"Kino naririnig mo ba yung sinasabi mo? Nababaliw kana ba?" Inis na sabi ko at aalis na sana pero hinigpitan niya yung pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

"I'm so sorry kung nabigla kita Vinia. Sobrang tagal na kitang gusto, sobrang tagal na kitang nililigawan, sobrang tagal na kitang mahal at ngayong ikakasal na si Luis. Gusto kong i-grab yung opportunity para mai-pakita ko sayo kung gaano kita kamahal, para mai-pakita ko sayo na kaya din kitang mapangiti, na kaya din kitang alagan, higit pa sa kayang gawin ni Luis."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Bakit ba ako napunta sa ganitong situation? Oo gusto ko siyang bigyan ng chance. Pero bakit ganito? Ayokong madaliin yung mga bagay-bagay.

"Okay, alam kong hindi ganong kadali para sayo to kaya bibigyan kita ng one week Vinia, one week para pag-isipan mong mabuti yung proposal ko. Don't worry kung sakaling pumayag ka pakakasalan kita kapag naka-graduate kana ng college. Pero sa ngayon isuot mo muna tong singsing, pinag-ipunan ko yan kaya sana ingatan mo." Sabi pa niya at agad niyang isinuot sakin yung singsing.

"Tumayo kana Kino. Pag-iisipan kong mabuti yung proposal mo, pero sana wag kang mag-assume ng sobra, kasi ayokong masaktan kita Kino at ayokong dumating sa point na madismaya ka sa makukuha mong sagot mula sakin."

Ngumiti siya dahil sa sinabi ko. Agad siyang tumayo at niyakap niya ako.

"Thank you. Kung ano man yung magiging sagot mo tatanggapin ko. Kaya kitang ligawan nang paulit ulit hanggang sa magustuhan mo na ako."

Napa-tango na lang ako at niyakap ko din siya pabalik.

Napaka-bait na tao ni Kino kaya sana sa loob ng one week mapag-isipan ko yung proposal niya.

•▪︎○•▪︎○•▪︎○

"Thank you Kinio, ingat." Sabi ko, ngumiti naman siya sakin at tumango.

"Good night my loves!" Sabi naman niya at agad siyang umalis.

Napa-buntong hininga na lang ako at agad na pumasok sa loob. Hindi na ako nag-doorbell kasi iniwan nilang naka-bukas yung gate.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang makita ko si Luis na nasa balcony ng kwarto niya habang umiinom ng beer.

Nakatingin siya sakin, yung tingin na lagi niyang ibinibigay sakin which is yung napaka-cold niyang tingin.

Buti na lang nag-ring yung phone niya, agad siyang umiwas sa eye contact namin at tiningnan niya yung phone niya kaya agad akong pumasok sa loob.

10:37 PM na so baka tulog na sila tita ngayon.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay nagulat na lang ako nang madatnan ko si papa na naka-upo sa kama ko.

"Papa." Tawag ko sa kanya kaya agad siyang napatingin sakin.

"Anak, tara dito." Sabi ni papa at tinap niya yung kama ko, it means na pinapa-upo niya ako sa tabi niya.

"Papa bakit po?" Takang tanong ko kay papa.

"Anak kahit hindi mo sabihin sakin, alam kong nasasaktan ka. Nasasaktan ka dahil ikakasal na si Luis. Kaya nga naghahanap na ako ng bahay dahil gusto kong kalimutan mona siya anak. May naipon na ako pambili ng bahay natin at tsaka alam ko naman na aalis din tayo dito kasi magkaka-asawa na si Luis. At soon madadagdagan yung family nila. Nakakahiya naman kung nandito pa rin tayo sa mga oras na yon. Kaya gusto kong sulitin mo anak yung mga susunod na araw na nandito pa tayo."

Tumango ako sa sinabi ni papa at ngumiti ako ng pilit. Gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya, iniisip ko pa lang pero bakit parang sobrang sakit na?

Hindi pa ako ready na mahiwalay sa Valtimontar Family. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Magkaka-asawa na si Luis. Tama naman si papa, hindi na kami pwedeng sumiksik pa sa Valtimontar Family.

"Oo nga pala. Kamusta date niyo ni Akino? Nag-enjoy ka ba?"

Dahil sa tanong ni papa ay bigla kong naalala yung nangyari kanina.

"Papa kung papakasalan ko ba si Kino okay lang sayo?" Agad na kumunot ang noo ni papa sa tanong ko.

"Anak okay lang naman sakin, lalo na kung mahal mo naman siya. Bakit ako tututol? Syempre susuportahan kita, anak kita eh." Sabi ni papa, ngumiti naman ako at niyakap ko siya.

"Bakit anak, gusto mo na din bang mag-pakasal?"

Agad akong bumitaw sa pagkakayakap ko kay papa at umiling.

"Hindi po papa, natanong ko lang po."

"Oh sige, magpapahinga na ako dahil may work pa ako bukas. Good night anak."

"Good night papa." Sabi ko at agad namang umalis si papa sa kwarto ko.

●■●■●■●

"Ano?! Nag proposed sayo si Akino?!!" Sigaw ni Meriza kaya agad tinakpan ni Safina yung bibig niya.

"Oo, sabi ko naman sayo wag kang maingay eh." Sabi ko sabay pakita ng singsing sa daliri ko. Agad naman nilang hinawakan yung kamay ko at tinitigan.

"Omg?! Pumayag ka na mag-pasakal kay Kink? I mean mag-pakasal? Eh ni hindi mo nga siya gusto eh." Mahinang sabi skain ni Safina.

"Hindi kaya." Sagot ko naman kaya agad na kumunot yung noo ni Meriza.

"Weh? Eh bakit suot mo yung singsing kung hindi ka pumayag?"

"Ganito kasi yon. Hindi pa ako sumasagot kay Kino. Binigyan niya ako ng one week para pag-isipan ko yung proposal niya." Sagot ko naman sa tanong ni Meriza.

"Eh napag-isipan mo naba?" Sabay na tanong nila. Umiling naman ako at agad na ininom yung shake na kanina ko pa pinaglalaruan.

Kanina pa kasi kami dito sa cafeteria, at hindi na kami nakakain ng maayos dahil tanong sila nang tanong about sa nangyari sa date namin ni Kino kahapon.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon