Lavinia's POV"Lavinia Kleus!"
Hindi kona natuloy yung sinasabi ko dahil biglang may tumawag sa name ko, agad naman akong napatingin sa pinto at literal na bumilis yung tibok ng puso ko.
"Anong ginagawa niya dito?"
"Anong kailangan mo sa my loves ko Mr. Genius?!" Maangas na sabi ni Kino pero hindi siya pinansin ni Luis.
"Sumunod ka sakin, dalhin mo yung bag mo." Cold na sabi niya at naglakad na paalis.
Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay mga nakataas ang kilay sakin. Nag-peace sign nalang ako sa kanila at agad na umalis.
***
"Bakit?" Tanong ko agad sa kanya nang makarating kami sa likod ng school. Hindi siya nagsalita at may kinuha siya sa bag niya sabay abot sakin.
"Ano to?" Nagtatakang tanong ko.
"Cookies."
"Pinapabigay ni tita?." Tumango naman siya sa tanong ko.
"Ahhh." Tanging nasabi ko at tumango tango. Aalis na sana ako nang bigla siyang mag salita.
"Make sure na walang makaka-alam na sa iisang bahay lang tayo nakatira."
"Yes sir, you know what? Mag-iingat ka sa mga sinusuot mo." Dahil sa sinabi ko ay kumunot ang noo niya.
"I mean baka kasi isang araw makita nalang kita suot yung uniform ko at Luisa na ang pangalan mo."
"What do you mean?" Iritang tanong niya, agad ko namang kinuha yung picture niya nung bata pa siya na nasa loob ng coat ko at ipinakita ko yon sa kanya, agad na nanlaki yung mga mata niya at akmang kukuhanin yung picture pero agad ko itong iniwas.
"Give me that picture!"
"No!"
Grabe, nakakatawa siyang tingnan, halatang naiinis na siya.
"Hindi mo ba talaga ibibigay sakin yan!" Parang batang sabi niya.
"Ibabalik ko to, but in on-"
"Fine, tell me ano yon?!" Wow hindi ko pa nga natatapos yung sinasabi ko alam na niya agad.
"Be my math tutor at pag nakasama yung name ko sa bulletin board ng math sa darating na finals, promise isosoli kona sayo to ." Nakangiting sabi ko, halata naman sa mukha niya ang pagka-irita.
"What?! Be your math tutor? Hell no!"
"Fine! Madali naman akong kausap, ikalat ko kaya sa school to? Ano sa tingin mo? Maganda ba yon?"
"Are you block mailing me?!" Inis na tanong niya.
"Obvious ba, ano? payag kana?"
Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang siya ng masama sakin.
"Sige ka ikakalat ko talaga to."
"Tsk, damn! Fine!" Napipilitang sabi niya.
"Omg! Thank you!" Dahil sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya at agad din akong bumitaw sa kanya nang ma-realized ko yung ginawa ko. Nagpeace sign nalang ako sa kanya kaya umalis na siya.
***
Break time na at ngayon nasa hot seat ako.
"So tell us girl! Anong ginawa niyo ni Luis Valtimontar sa likod ng school?"
"Bakit ka niya pinuntahan sa room?"
"Tsaka ano yung binigay niya sayo?"
"May something ba sa inyo?"
"Pwede ba? Wala lang yon, walang something samin, kaya pls pakainin niyo naman ako." Sagot ko sa sunod-sunod na tanong ng dalawa kong bruhilda na kaibigan.
"Nililigawan kaba niya huh? Na-realize ba niya na gusto ka niya? Gusto mo naba ulit siya? Sinagot mo naba siya huh?"
Hay nako, akala ko okay na, nandito nanaman si Kino, grabe yung mga tanong niya.
"Pwede ba? Wag kang oa Kino, wala lang yon."
"Gag* yon! Pagkatapos ka pahiyain at lait-laitin lalapit lapit ngayon sayo."
"Kino relax wala nga yon, ang kulit mo naman eh! Tara na nga Safina, Meriza." Sabi ko at agad naman na sumunod sakin yung dalawa, magtitime na din naman.
***
Math subject na namin pagkatapos nito uwian na, kahit gustuhin ko mang mag-focus at makinig ay hindi ko magawa, i hate math talaga.
Yung utak ko lumilipad, tapos nagugutom pa ako dahil unti lang naman yung kinain ko kaninang lunch, nakakainis kasi si Kino eh ang kulit.
***
"Yung tinuro ko ngayon aralin niyong mabuti kasi isasali ko yan sa finals, pano mauna na ako." Pagkasabi ni ma'am non ay agad siyang umalis ng classroom. Patay, wala nanaman akong naintindihan.
"Naintindihan niyo ba?" Yan agad ang tanong ni Meriza nang makalapit siya samin ni Safina, nakahiwalay kasi siya samin ng seat during math time. Ang ingay kasi niya kapag kami ang katabi niya.
"Hindi nga eh, ikaw Lavinia na gets mo?" Umiling ako sa tanong ni Safina, bigla naman niyang tinap yung likod ko.
"Okay lang yan friend, tanggapin mona na hindi talaga masasama yung name mo sa math bulletin board." Natatawang sabi niya habang tinatap yung likod ko, inirapan ko naman siya at tinapik yung kamay niya.
"Sungit naman! Tara uwi na tayo?" Biglang sulpot ni Kino.
"Mauna na kayo."
"Pero ihahatid pa kita sa inyo, tsaka miss ko na si papa."
"Oo nga girl tsaka gusto ko makita yung bagong tinutuluyan niyo." Sabi naman ni Safina.
"Sorry, next time nalang, bye!" Sabi ko at nagmadali nang umalis. Gusto ko naman silang kasamang umuwi eh kaya lang inaalala ko lang yung sinabi ni Luis na wala dapat maka-alam na nakatira kami sa iisang bahay.
***
"Vinia, tara na sa baba para maka kain na tayo ng dinner." Rinig kong sabi ni tita mula sa labas ng kwarto ko kaya agad akong lumabas at pumunta sa dining room, nandon na silang lahat.
"Upo na anak." Tumango ako sa sinabi ni papa at tumabi ako kay Luis, yon lang naman na kasi yung natitirang vacant seat, so no choice siya kung hindi makatabi ako.
***
"By the way Luis, malapit na finals niyo ah, hindi kaba magre-review?" Biglang tanong ni tito kay Luis sa kalagitnaan ng pagkain namin, umiling lang si Luis habang nasa pag-kain parin ang tuon.
"Buti pa si Vinia nagre-review, kaya nga gagawan ko ulit siya ng snacks kasi mag rereview siya ul-"
"Make snacks for two." Hindi na natapos ni tita yung sinasabi niya dahil sa nagsalita na si Luis.
"Make snacks for two? Mag rereview kana din anak?" Nagtatakang tanong ni tita. Hindi nagsalita si Luis at tumingin ito sakin.
"Sa kwarto mo tayo magre-review, pumunta kana don kukunin ko lang yung mga books ko." Walang emosiyon na sabi niya at umalis na, naiwan naman silang lahat na gulat na gulat, ngumiti nalang ako sa kanila at umalis na din sa dining room.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/175151734-288-k799669.jpg)
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss