(waring: Medyo SPG!)
Lavinia's POV
"Mama wag muna please. Dito ka lang muna sa living room kasi may gusto akong sahihin sa inyong lahat. Mama, papa at tito sana pakinggan niyo akong mabuti."
Dahil sa sinabi ni Luis ay agad na kumunot ako noo ko.
Ano naman kayang sasabihin niya?
Kinakabahan ako.
"Ano ba ang sasabihin mo Luis? Kailangan na kasi naming umalis ni Lavinia dahil malayo yung bagong bahay namin." Sabi ni papa. Nagkatinginan naman kami ni Luis at bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
"Hindi niyo na po kailangang umalis dito dahil papakasalan ko po yung anak niyo tito, papakasalan ko po si Vinia. Please tito hayaan niyo po akong pakasalan yung anak niyo."
Dahil sa sinabi ni Luis ay agad na nanlaki yung mga mata ko, ganon din ang reaction nila tita.
Hindi ko ine-expect na sasabihin niya yon.
"Luis... sure ka ba sa sinasabi mo?" Seryosong tanong ni papa. Agad namang tumango si Luis.
"Alam mo naman siguro na napaka-lampa niyang babae." Sabi pa ni papa.
"Alam ko po." Sagot naman ni Luis kay papa.
"Hindi siya magaling magluto at puro kapalpakan yung ginagawa niya.
"Alam ko po."
"Minsan napaka-childish niya at sobrang kulit."
"Alam ko po."
Napa-irap na lang ako dahil sa mga sinasabi ni papa.
Sinasabi ba niya yung mga bagay na yon para ma turn off sakin si Luis?
"Pero... napaka maalalahanin niya at maalagang tao. Luis alam ko naman na mabuti kang tao kaya binibigyan kita ng pahintulot para pakasalan ang anak ko."
"Maraming salamat tito." Masayang sabi ni Luis at nag-bow siya sa harap ni papa para ipakita na nagpapasalamat siya.
"Omg????! I'm so happy for you Vinia!" Masayang sabi ni tita sabay takbo palapit sakin at niyakap niya ako.
"Thank you po tita." Sabi ko at niyakap ko din siya.
"Papa, okay lang ba?" Tanong ni Luis kay tito kaya agad kaming natahimik ni tita.
"Sa isang kondisiyon. Aalis ka sa company ko, isang malaking kahihiyan yung ginawa mo Luis. Sigurado akong magagalit sakin si Mr. Vasco ng todo." Seryosong sabi ni tito, kaya agad na napayuko si Luis.
"Honey! Wag kana mang ganyan sa anak natin! Wag mo siyang sisihin!" Sigaw ni tita kay tito.
"Okay lang mama, kasalanan ko naman talaga. Ngayon mas lalong mahihirapan si papa na ayusin yung company, sorry po papa."
"Aalis kana sa company ko, dahil gusto kong mag-aral ka ng doctor."
Agad na napa-angat ng ulo si Luis nang sabihin yon ni tito.
"Po?" Nagtatakang tanong ni Luis.
"Akala moba anak hindi ko alam? Akala mo ba hindi ko alam na gusto mong maging doctor? Pasensya kana kung ipinasa ko sayo yung problema ng company na ako naman talaga dapat ang umaayos. Wag kang mag-alala ako nang bahala kay Mr. Vasco, ang mahalaga masaya ka."
Agad na niyakap ni Luis si tito matapos niyang sabihin yon.
"Wag kayong mag-alala pagtungtong ko sa tamang age, ako na ang tutulong kay papa sa company!" Sabi naman ni Jelo kaya agad siyang niyakap ni tita.
"Napaka-bait naman talaga ng bunso ko!" Masayang sabi ni tita.
Sobrang saya ko, sobrang saya ko hindi dahil sa alam kong gusto din ako ni Luis.. Sobrang saya ko dahil matutupad niya yung mga pangarap niya.
Napa-isip tuloy ako bigla kung ano ba yung gusto kong dream job.
°•○•°●°•○•°
Luis's POV
"I knew it kuya! Si stupid lang talaga yung gusto mo. Kase bakit mo siya hahalikan at bibigyan ng flowers kung hindi mo talaga siya gusto diba?" Sabi ni Jelo na ngayon ay nakahiga sa kama ko habang nagbabasa ng libro.
Agad ko naman siyang tiningnan ng masama.
"Matulog kana kaya?" Masungit na sabi ko sa kanya. Umirap lang siya kaya agad akong lumabas ng kwarto ko at kumatok sa kwarto ni Lavinia. Agad naman niyang binuksan yung pinto.
"L-luis?" Gulat na sabi niya at ngumiti ng awkward.
"Baka gusto mo akong papasukin?" Sarcastic na sabi ko kaya agad niyang binuksan ng todo yung pinto.
"Did I disturb you?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya kaya agad akong lumapit sa kanya at inilagay yung towel niya sa ulo niya.
"Patuyuin mo na yung buhok mo. Baka magkasakit kapa."
Agad naman siyang ngumiti kaya hinawakan ko yung magkabilang pisnge niya.
"Luis, sigurado kaba talaga sakin?" Nahihiyang tanong niya. Agad naman akong tumango.
"Bakit? Hindi kaba naniniwala sakin?"
"Hindi naman sa ganon Luis. Natatakot lang kasi ako na baka pag gising ko bukas bumalik ka na naman sa pagiging cold at masungit. Natatakot ako na baka panaginip lang ang lahat."
"Gusto mo ba tabihan kita ngayon? O gusto mong halikan kita ulit?" Nakasmirk na sabi ko at dahan dahan akong lumapit sa kanya habang pa-atras naman siya nang pa-atras hanggang sa mapa-sandal siya sa pinto.
Yumuko siya kaya agad kong hinawakan yung baba niya para itaas yung tingin niya sakin.
Kitang kita ko na pulang pula na yung mga pisnge niya.
"L-luis?" Nauutal na sabi niya kaya agad ko siyang hinalikan.
Yung halik na hinding hindi niya makakalimutan.
Agad naman siyang tumugon sa halik ko kaya kinagat ko yung lower lip niya at dahan dahan kong inilipat yung mga halik ko sa leeg niya papunta sa collarbone niya.
"Luis..." Ungol niya sa pangalan ko kaya agad kong ibinalik yung halik ko sa labi niya at humawak siya sa batok ko para maidiin yung halik habang nakahawak naman yung dalawang kamay ko sa bewang niya.
Ipapasok ko na sana yung kamay ko sa loob ng t-shirt niya nang biglang may kumatok kaya agad akong itinulak ni Lavinia.
Kitang kita ko sa mukha niya na kinakabahan siya kaya agad akong napangiti at muli ko siyang hinalikan papunta sa leeg niya.
"Vinia? Gising ka pa? Kasama mo ba si Luis?" Rinig naming sabi ni mama.
"Ah eh o-opo tita, babalik na din po siya sa kwarto niya." Sabi naman ni Lavinia.
"Oh sige, magpahinga na kayo ah! Good night." Sabi pa ni mama. Agad ko namang tinigilan yung leeg ni Lavinia at tumawa.
"Baliw ka talaga! Nakuha mo pa talagang tumawa, alis na. Good night." Sabi niya sabay bukas sa pinto at pilit akong pinalabas.
"Good night." Sabi ko at isasarado na sana niya yung pinto pero agad ko siyang pinigilan.
"I love you." Sabi ko pa. Agad naman siyang namula dahil sa sinabi ko at napa-yuko.
"I-i l-ove you too." Nauutal na sabi niya at agad niyang isinarado yung pinto.
Napangiti na lang ako at agad na bumalik sa kwarto ko.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/175151734-288-k799669.jpg)
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanficWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss