Chapter 59: Detention room is waving

54 6 2
                                    


Lavinia's POV

"Next time nalang. By the way may gusto sana akong sabihin sayo."

Agad akong tumingin sa kanya at tinaasan siya ng dalawang kilay.

"Ano yon?"

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"I just wanted to tell you that I-."

"Lavinia Kleus!"

Napatayo nalang ako nang biglang may tumawag sa full name ko, tsk panira ng moment.

"Bakit?" Tanong ko sa tumawag sakin which is yung vice president ng student council. Si Yurika, hingal na hingal siya nung lumapit siya sa table namin. Kaya hinayaan ko muna siyang maka-recover, siguro tumakbo siya papunta dito.

"Finally! Nahanap din kita, dito lang pala kita mahahanap sa cafeteria. Sumama ka sakin Lavinia." Agad na sabi niya nang maka-recover na siya. Agad naman akong napatingin kay Luis at tiningnan ko siya na para bang nagtatanong kung okay lang ba.

Agad siyang tumango kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Thank you sa ice cream." Nakangiting sabi ko bago kami maglakad ni Yurika palabas ng cafeteria.

"So saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Sa detention room." Dahil sa sinabi niya ay agad akong kinabahan. Hala? Hindi kaya dahil sa nangyari kanina sa cafeteria?

"Huh?! Bakit daw?"

"Hindi ko din alam eh, inutusan lang ako. So paano? nandito na tayo. Pumasok kana lang ah, may klase pa ako. Good luck." Sabi niya at tinap niya yung balikat ko bago siya umalis. Napa-lunok nalang ako nang humarap na ako sa pinto ng detention room.

Hyssst! Bakit ko ba kasi pinatulan yung baliw na Mika na yon?

Kakatok na sana ako nang biglang may bumunggo sakin.

"Tanga talaga." Inis na sabi niya. Napa-irap nalang ako sabay bunggo din sa kanya at tsaka ako kumatok sa pinto bago ito tuluyang buksan.

"Good morning ma'am." Bati ni Mika na nasa likod ko.

"It's already afternoon at walang good sa morning ko." Mataray na sabi ni ma'am Delerica sabay pakita nung mini clock niya kay Mika. 1:00 PM na pala.

And wait? Hindi pala ako nag-iisa? Nandito din sila Safia at Meriza kaya naman agad akong naglakad palapit sa kanila.

"Kanina pa kayo dito?" Pabulong na tanong ko sa kanila nang maka-upo na ako sa tabi nila.

"Oo kanina pa, as in hindi man lang niya kami pinakain ng lunch." Inis na sabi ni Safina. Napa-tingin naman ako sa ice cream na nilibre sakin ni Luis na hanggang ngayon ay hawak ko pa. Nadala ko tong ice cream hanggang dito sa detention room, naka-solo cup kasi to.

"Oh sa inyo na tong ice cream ko, nakaka-apat na subo palang ako diyan. Pasensya na huh?"

"Omg! Anong pasensya ka diyan? Okay lang to noh! At least makaka-kain kami kahit papaano. By the way saan ka ba nagpunta?"

Sasagutin ko na sana yung tanong ni Meriza nang biglang hampasin ni ma'am Delerica yung table niya.

"So? Alam niyo naman siguro kung bakit kayo nandito?"

Walang kumibo samin, lahat kami nakatikom lang ang bibig.

"So walang may balak magsalita sa inyo ganon!?" Sabi pa niya at muli niyang hinampas yung table niya na nakapag-pasalita sa aming apat.

"Yes ma'am." Sabay sabay na sabi namin.

"Mika, totoo bang ikaw ang nag simula ng gulo sa cafeteria kaninang lunch? Yes or No?"

"Ma'am, alam mo nama-." Pinutol ni ma'am yung sinasabi ni Mika sa pamamagitan ng pagbalibag ng chalk nito sa mukha niya.

"I said Yes or No lang, mahirap bang intindihin yon?!" Galit na sabi ni ma'am.

"No ma'am, sorry."

"Now I will repeat my question Ms. Mika Tan. Totoo bang ikaw ang nagsimula ng gulo sa cafeteria kaninang lunch? Yes or No?" Pag-uulit ni ma'am sa tanong niya.

"No ma'am." Napa-irap nalang ako dahil sa naging sagot ni Mika. Napaka-sinungaling niya.

"And Ms. Lavinia Kleus since no ang answer ni Ms. Tan sa tanong ko so it means ikaw ang nagsimula ng gulo? Yes or No?"

"No." Simpleng sagot ko kay ma'am, napatango naman siya at tumayo mula sa inuupuan niya.

"Since walang gustong umamin sa inyo walang masu-suspend." Dahil sa sinabi ni ma'am ay agad kaming nagkatinginan nila Safina at Meriza.

"But."

Ngingiti na sana ako pero narinig ko pa yung word na yan.

"But bilang kapalit bibigyan ko kayo ng punishment. Ms. Lavinia, Ms. Safina and Ms. Meriza, ang punishment niyo ay linisin ang pool area, dapat malinis niyo yon before mag 6:00 PM. And for you Ms. Mika, since wala dito yung mga kasama mong nanggulo sa cafeteria para damayan ka sa punishment mo, ang gagawin mo lang naman ay linisin ang cr ng mga girls, yung nasa first, second, third and so on but hindi lang yung mga cr dito sa college building, pati yung mga cr sa high school building idamay mo na huh? God bless." Sabi ni ma'am akala ko aalis na siya pero hindi pa pala.

"Oo nga pala Mika pati lahat ng hallway at pathway lilinisin mo, plus ikaw din ang magco-collect ng mga basura sa buong school then ilalabas mo lang siya. Kailangan matapos mo yung punishment mo before mag 6:00 PM, so paano? Mauna na ako." Dagdag pa niya sa sinabi niya at agad na umalis.

"Kayong tatlo ang may kasalanan nito! Humanda talaga kayo sakin! Hindi pa tayo tapos!" Galit na sabi niya at agad na lumabas ng detention room. Natawa nalang kaming tatlo dahil sa naging reaction ni Mika.

☆♡☆♡☆

"Yes! Tapos na! Napaka-easy!" Masayang sigaw ni Meriza matapos naming linisin yung pool. Bakit nga ba kasi napaka-dali ng binigay na punishment samin?

"Oo nga super!" Pagsang-ayon ko naman sa sinabi niya.

"Eh ikaw Safina? Nadalian ka ba?" Tanong ko kay Safina nang hindi humaharap sa kanya.

Hindi siya nag-respond sa tanong ko kaya agad akong humarap sa kanya pero agad niya akong pinigilan at pinatalikod niya ulit ako.

"Come here Meriza!" Tawag niya kay Meriza. Kaya naman agad lumapit si Meriza sa kanya. Ako naman pilit kong tinitingnan kung ano yung tinitingnan nila sa likod ko pero pareho silang nakahawak sa magkabilang balikat ko.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon