Chapter 4: Valtimontar Family

94 13 0
                                    


Lavinia's POV

Uwian na, nandito kami nila Safina ngayon sa pathway, hinihintay ko kasi si papa.

"So ngayon na kayo titira sa bahay ng kaibigan ni tito?" Tanong ni Meriza.

Magsasalita na sana ako nang may babaeng lumapit samin at bigla akong pinicturan, agad din naman siyang umalis kaya hindi ko na sinita.

"Grabe, naging famous kana simula nung nagbigay ka ng love letter kay Luis. Bigyan ko din kaya si Rio?" Tumatawang sabi ni Safina, kaya agad siyang nakatikim ng batok mula kay Meriza.

"Tama na nga yan." Awat ko sa kanila. Ayokong naririnig yung pangalan ni Luis, naririndi ako. Naaalala ko yung mga nangyari kanina, nakakahiya.

***

"Papa, malapit naba tayo?" Tanong ko kay papa. Gabi na din kasi at kanina pa siya nagda-drive.

Hindi sinagot ni papa yung tanong ko at bigla niyang hininto yung kotse niya.

"Nandito na tayo, bumati ka agad sa kanila ah."

"Yes, Pa." Sabi ko, agad namang bumaba ng kotse si papa kaya bumaba na din ako.

"Ray! buti maaga kayong dumating para sabay sabay na tayong kumain ng dinner." Sabi ng kaibigan ni papa, napatingin naman siya sakin kaya bigla akong siniko ni papa.

"A-ahh good evening po." Bati ko at nag-mano sa kanya.

"Totoo nga ang sabi ng asawa ko Ray, mas maganda ang anak mo sa personal." Sabi niya, napa-isip naman ako sa sinabi niya. Nakita na ako ng asawa niya in person?

Bigla namang may babaeng lumabas mula sa front door, nakangiti siyang lumapit sakin. Teka? Siya yung babae kanina, yung kinuhanan ako ng picture.

"Honey, hindi mo naman ako tinawag, nandito na pala sila."

Napangiti naman ako at nag-mano sa kanya.

"Good evening po, ako po si Lavinia, Vinia nalang po." Masayang sabi ko. Bigla naman niya akong niyakap, kaya niyakap ko din siya.

"Call me tita Racquel okay? pumasok na kayo welcome na welcome kayo sa bahay namin." Masayang sabi ni tita Racquel at hinitak niya ako papasok sa loob.

Pagpasok namin ay may bumungad samin na bata, ang cute niya.

"Jelo come here, i-welcome mo ang tito Ray mo." Sabi ni tita at agad namang lumapit si Jelo kay papa.

"Hello Jelo, ang laki mo na pala." Sabi ni papa at ginulo niya yung buhok ni Jelo.

"Good evening po. I am Jelo Valtimontar, I'm a grade 3 student. Nice to meet you." Bati niya kay papa at nag-blessed.

"Hi Jelo." Nakangiting sabi ko. Napatingin naman siya sakin, tinitigan lang niya ako kaya natahimik kami.

"Hmm pagod kayo for sure, mag-miryenda muna kayo." Pagbasag ni tita sa katahimikan.

***

"Maraming salamat sa inyo, napakalaking tulong nito." Pagpapasalamat ni papa nang maka-upo na kami sa couch dito sa living room. Grabe pinaghandaan talaga nila yung pagdating namin, nakahanda agad yung snacks.

"Nako, wala yon Ray, pwedeng pwede kayong mag tagal dito ni Vinia, diba Honey?" Masaya paring sabi ni Tita.

"Abah! Oo naman Honey, best friend ko yata tong si Ray." Sagot naman ni tito Kant.

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon