Lavinia's POV"Where are you going?"
"Why are you in a hurry?"
"Hindi mo ba ako papansinin?"
Napahinto nalang ako sa paglalakad at napabuntong hininga bago humarap sa kanya.
"Mr. Kyron Monterde ano bang kailangan kong gawin para tigilan mo ako? Kanina mo pa ako iniinis at bakit ka ba nandito? Wala naman kayong laban dito ngayon, sa pagkakaalam ko bukas pa yon." Mahinahon na sabi ko, napakamot naman siya sa batok niya at tumawa.
"Wala nga. Pero pwede kaya outsider dito. Wait?! how did you know na bukas pa game namin dito? Siguro ini-stalk mo ako noh? Yieeee." Mapang-asar na sabi niya.
"In your face, diyan kana nga." Masungit na sabi ko at nagsimula nang maglakad, pero sinusundan parin niya ako.
"Tsk, tingnan lang natin kung makasunod ka pa sakin." Bulong ko.
"What?"
Hindi ko nalang siya pinansin at binilisan na yung paglalakad ko, nang malapit na ako sa locker room ng girls ay agad akong pumasok don.
Pagpasok ko sa locker room ay may nadatnan akong limang babae at parang gulat na gulat sila nang makita nila ako.
"Omg? Kyron!" Sigaw nung isang babae at ngayon ko lang na realized na sinundan parin pala niya ako.
"So-sorry." Nauutal na sabi niya at agad na lumabas ng locker room, nag-pigil nalang ako ng tawa baka kasi awayin ako ng mga babae dito, mukang fan na fan kasi sila ni Kyron.
***
"Tagala?! Hanggang locker room sinundan ka niya?" Dahil sa sinabi ni Safina ay agad ko siyang sinubuan ng chips.
"Wag ka ngang maingay, baliw ka talaga."
"Girl?! Sinong hindi mapapalakas ang boses dahil sa sinabi mo. Eh isang Kyron Monterde kaya yon! Nakaka-inggit talaga." Sabi naman naman Meriza. Tsk gustong gusto talaga niya yung bwisit na lalakeng yon.
Magsasalita na sana ako nang mapatingin ako sa dumating sa cafeteria.
"Luis?" Gulat na sabi ko kaya napatingin sakin si Safina at Meriza.
"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka na makita si Luis ngayon?"
Hindi ko pinansin yung tanong ni Safina at agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko para lapitan si Luis. Paglapit ko sa kanya ay napahinto sila ng mga kaibigan niya sa paglalakad kaya agad kong hinipo yung noo niya.
"Bakit ka pumasok? May lagnat ka pa ah. Kinain mo ba yung soup na niluto ko? At tsaka yung gamot mo ininom mo ba? nahihilo ka ba? may gamot pa ako sa bag, kaya mo ba?" Sunod sunod na tanong ko. Marahas naman niyang inalis yung kamay ko mula sa noo niya kaya napatingin nalang ako sa kamay ko.
"Do you think papasok ako kung hindi ko kaya?" Sarcastic na sabi niya.
"Sorry, nag-aalala lang ako sayo." Nakayukong sabi ko. Hindi na siya nagsalita at agad silang umalis ng mga kaibigan niya at eto ako, naiwang nakatayo sa gitna ng cafeteria. Hindi ko maigalaw yung mga paa ko, nahihiya ako. Feeling ko lahat ng tao nakatingin sakin, maiiyak na yata ako.
"Vinia!" Tawag sakin ni Meriza kaya napatingin ako sa kanya. Napa-ngiti ako ng slight kasi palapit na sila ni Safina sakin pero bago pa man sila makalapit ay biglang may humawak sa kamay ko.
"Hiramin ko muna bestfriend niyo." Bago pa ako tumanggi ay agad niya akong hinitak.
"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko kay Kyron na ngayon ay patuloy sa paghitak sakin.
"Secret." Sabi niya. Pagdhating namin sa parking lot ay agad niyang binuksan yung pintuan ng kotse niya at tumingin sakin, kaya sumakay nalang ako.
***
Hindi ko parin alam kung saan niya ako dadalin, siguro mga 15 minutes na siyang nagda-drive pero hindi man lang siya nagsasalita.
Kukuhanin kona sana sa bag ko yung earphone ko nang bigla siyang magsalita.
"Si Luis."
Agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Bakit?"
"Si Luis, bakit ganon ka niya tratohin? May gusto ka ba sa kanya."
Napabuntong hininga nalang ako bago tumango sa tanong niya.
"Since High school." Tanging nasabi ko. Napatango naman siya at kasabay non ang pag-park niya ng kotse niya kaya agad akong napa-silip sa bintana, Icy's Ice cream? Mahal dito ah? Wala akong pera ngayon.
"Don't worry, libre ko." Sabi niya at agad na bumababa ng kotse at tsaka ako pinagbuksan.
Nababasa ba niya yung mga iniisip ko?
Agad kaming pumasok sa loob at binati siya nung guard.
"Anong gusto mo?" Tanong niya, napa-ngiti nalang ako at umiling.
"Come on! Tell me. Bakit nahihiya ka sakin?"
Hyssst? Lavinia libre na ito oh? Tatanggi kapa ba?
"Sige na nga, sure ka ah? Libre mo." Sabi ko kaya agad siyang napa-ngiti at tumango.
"Mint chocolate chip ice cream." Nakangiting sabi ko.
***
"You know what? Mabait ka naman pala eh." Sabi ko habang kumakain kami ng ice cream.
"Sino bang nag-sabi na masama ako?" Natatawang sabi niya.
"Wala, yon kasi yung first impression ko sayo eh."
"Dahil tinamaan kita ng bola sa ulo?" Tanong niya.
"Nope, dahil napaka-ungentleman mo. Hindi ka marunong mag-sorry plus manyak kapa." Natatawang sabi ko.
"Sorry okay? Hindi talaga ako ganon." Tumango nalang ako sa sinabi niya at chineck yung phone ko. Nag-text si tita, bakit kaya pinapa uwi niya ako ng maaga?
***
Napatingin ako sa cellphone ko, 5:00 PM na pala. Hindi ko namalayan yung oras, ang daldal kasi ni Kyron. Sobrang dami ko nang alam about sa kanya, may twinny sister pala siya. Kaya lang nasa ibang bansa.
"Kyron, I have to go. Kailangan ko kasing umuwi ng maaga eh, bye." Sabi ko at aalis na sana ako pero bigla niya akong pinigilan.
"Hatid na kita."
***
"Thanks." Sabi ko at agad na bumaba. Pagsarado ko ng pinto ay ibinaba niya yung bintana ng kotse.
"Follow back naman sa ig please." Sabi niya kaya tumango ako, isasara na sana niya yung bintana nang pigilan ko ito at sumilip.
"Thanks sa ice cream and ingat ka, bye." Sabi ko, napangiti naman siya ng todo.
"Pasok na, hindi ako aalis hanggang hindi ka pumapasok sa loob." Tumango nalang ako at agad na pumasok sa loob ng bahay.
Pagpunta ko sa living room ay agad akong niyakap ni tita nang makita niya ako.
Teka? Anong nangyayari?
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss