Lavinia's POVNagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sakin si Meriza na tawa nang tawa habang hawak yung phone niya at bigla siyang tumigil nang makita niya ako.
"Omg, buti gising kana may masakit ba sayo? Nagugutom kana? Nauuhaw? Baka nac-cr kana? Ice cream gusto mo? Spaghetti? Carbonara?" Sunod sunod na tanong niya nang makalapit na siya sakin.
"Nasan ako?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"OMG?!!! Don't tell me hindi mo ako naaalala? Nagka-amnesia kaba dahil sa pagkakabagok mo kanina?" Oa na sabi niya kaya napa-irap nalang ako.
"Wag ka ngang oa Meriza. Nasa clinic ka lang Vinia and guess what? It's 5:50 PM na. Sa haba ng itinulog mo sana naman okay kana." Sabi naman ni Safina na kakapasok lang dito sa clinic.
"Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanila, ang huli kong naaalala nasa canteen kami.
"Sabi kona eh! May amnesia ka talaga! Pati ba naman yung pagka-himatay mo sa canteen nakalimutan mo?!"
"Alam mo Meriza isa nalang makakatikim ka sakin. Itikom mo muna nga yang bibig mo please." Naiiritang sabi ni Safina kaya agad na napa-peace sign si Meriza.
"Ahh ganon ba? Sige mauna na ako." Matamlay na sabi ko at agad na bumangon.
Tutulungan pa sana nila ako pero pinigilan ko sila. Kaya ko naman yung sarili ko eh.
"Okay! I can't take this anymore Ms. Lavinia Klues! Ano ba kasing problema mo? Magkakaibigan tayo dito Vinia. Pwede ka naman magsabi samin anytime eh, pakikinggan at tutulungan kapa namin. Hindi mo kailangan sarilihin yung problema mo." Dahil sa sinabi ni Meriza ay agad akong napahinto sa paglalakad at pumunta sa kinatatayuan nila sabay yakap sa kanilang dalawa. Tama naman sila eh pero ayoko munang magsabi ng kung ano ano sa kanila. Lalo na hindi naman ako sure sa mga nakita ko.
"Alam ko, thank you pero wala lang talaga to. Sorry kung nag-alala pa kayo."
"Sure?" Tumango lang ako kay Safina at agad na naglakad, naramdaman ko naman na nakasunod sila sakin.
♡♧♡♧♡
Luis's POV
"Luis ano gusto mong kainin mamayang dinner? Chicken adobo, beef broccoli or gusto mo mag ord- Aray! Ano ba?! Ang tanga tanga naman eh." Inis na sabi ni Mika habang tinitingnan yung damit niya, tumapon kasi sa kanya yung manggo shake na iniinom niya dahil may nakabungguan siya. Pagtaas ng ulo nung nakabungguan niya ay mas lalong nainis si Mika.
"Kaya naman pala tatanga tanga."
Walang naging reaction si Lavinia sa sinabi ni Mika at agad siyang umalis kasama yung mga kaibigan niya. Nakakapagtaka, ni hindi man lang niya nakuhang tumingin sakin.
"Luis nakikinig kaba sakin?" Iritang tanong ni Mika. May sinasabi pala siya.
"Yup." Sabi ko nalang kahit hindi ko naman talaga narinig yung mga sinasabi niya.
•○•○•○
Lavinia's POV
Pagdating ko sa bahay ay agad akong humiga sa kama ko at niyakap yung malaking teddy bear na binigay sakin ni papa nung birthday ko.
Tama nga yung hinala ko. Nagli-live in nga sila. Kasi bakit itatanong ni Mika kung anong gustong kainin ni Luis for dinner kung hindi sila nakatira sa iisang condo?
Dahil sa sobrang inis ko kanina, sinadya ko talagang banggain at hindi mag-sorry sa kanya. Gusto kong ngumiti kanina dahil nakita ko siyang naiinis pero at the same time ayoko, ang sakit kasi malaman ang katotohanan.
"Stupid! Pwede ba ako pumasok?" Agad akong napa-upo sa kama nang marinig ko yung boses Jelo.
"Come in." Sabi ko kaya naman agad siyang pumasok.
"Bakit Jelo anong kailangan mo?"
"Wala, gusto ko lang sabihin na nag-aalala sayo si mama. Kumain kana daw. Bakit ka nga pala umiiyak?" Sabi niya kaya naman agad akong napahawak sa pisnge ko. Hala? Umiiyak nga ako.
"Napuwing lang ako, paki sabi kay tita wag na siyang mag worry. Kumain na ako kanina."
"Hmmm? Okay, sabi mo eh." Sabi niya at agad na lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga nalang ako at humiga ulit.
Patulog na sana ako nang biglang mag-ring yung phone ko, tumatawag si Kyron.
Ano naman kayang kailangan ng lalakeng to?
"Good evening, nakaka-disturb ba ako?" - Kyron.
Sa tano ng pananalita niya halatang good mood siya.
"Nope, patulog lang naman na yung taong tinawagan mo." Sarcastic na sabi ko, narinig ko namam yung nakakahawa niyang tawa sa kabilang linya.
"Is that so Ms. Kleus?" - Kyron.
"Yup."
"Sorry for disturbing you Ms. Lavinia Kleus, now end this call and go to sleep." - Kyron.
"Alright Mr. Kyron Monterde, good night."
"Good night." - Kyron.
Pagkasabi niya non ay agad kong in-end yung call.
Ngayong clear na sakin ang lahat, ito na siguro yung time para kalimutan kona si Luis. Bata pa naman ako, alam kong may tamang lalake din na dadating sa buhay ko someday, yung kayang suklian yung pagmamahal na ibinibigay ko.
■□■□■
"Good morning tita, good morning tito, good morning Jelo and good morning papa." Sabi ko pagdating ko sa dining room at agad na umupo. Lahat sila nakatingin sakin na parang gulat na gulat.
"Bakit po?" Tanong ko kaya agad nilang ibinaling yung mga tingin nila sa mga kinakain nila.
"Wala lang, I'm glad na okay kana. Kumain ka ng marami ah." Sabi ni tita.
"Oo nga, tapos mamaya pumunta ka sa restaurant okay?" Dagdag pa ni papa. Tumango nalang ako at agad na kumakain. Nakaka-miss pala kumain.
***
Pagpasok ko sa loob ng school sobrang saya ko pero agad ding nawala yung saya nayon nang makita ko si Luis. Sinubukan kong hindi siya tingnan gusto kona kasi talaga siyang kalimutan pero bakit bigla bigla nalang siyang lumapit sakin? Lord pagsubok nanaman ba ito? Ganito po ba talaga maglaro si destiny? Lalo akong pinapahirapan.
Aalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan yung wrist ko at hinipo yung noo ko.
"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko. Hindi kona napigilan na magtanong. Ang weird kasi niya eh.
Hindi pa nagsasalita si Luis nang biglang dumating si Mika kaya agad inalis ni Luis yung kamay niya sa noo ko.
"Anong ginagawa niyo?" Tanong ni Mika, mage-explain na sana ako nang biglang...
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss