Lavinia's POVPaglabas ko ng store ay pupunta na sana ako kung saan nag-park si Kyron nang makita ko si Luis.
Nakita ko siya sa tapat ng isang condominium building. Lalapitan ko sana siya pero biglang dumating si Mika sabay kapit sa braso niya at agad silang pumasok sa loob.
Para akong nanigas dahil sa nakita ko, ni hindi ko man lang maigalaw yung mga paa ko. Hindi ko man gustong isipin pero... Hindi kaya nagli-live in sila?
"Anong tinitingnan mo? Nakabili kana ba?" Napabuntong hininga nalang ako nang marinig ko yung boses ni Kyron.
"Are you fine?" Tanong pa niya.
"Hmmm yes, let's go?" Sabi ko nalang, ngumiti naman siya at agad kaming sumakay sa kotse niya.
Habang nasa biyahe kami ay hindi ko parin maiwasang isipin yung nakita ko kanina. Dapat bang sabihin ko yung nakita ko kila tita?
No! Hindi pwede! Baka kapag sinabi ko kay tita yung nakita ko baka puntahan niya si Luis and when it happens for sure magagalit siya sakin.
Napahawak nalang ako sa ulo ko at umiling iling. Siguro napansin ni Kyron yung ginawa ko kaya tumingin siya sakin saglit.
"Kyron."
"Why?" Tanong niya nang hindi tumitingin sakin.
"Kyron, ano ba ang ibig sabihin kapag ang isang tao ay umalis o gusto nang humiwalay sa mga parents nila?" Agad na kumunot ang noo niya at napatingin sakin saglit. Hindi ko alam kung bakit ko tinanong sa kanya yon. Pero hindi talaga ako matatahimik hanggat naiisip ko parin yung nakita ko kanina.
"It's either gustong maging independent ng taong yon or may ka-live in partner na siya. Pero base sa mga nakikita ko, madalas umaalis ang isang tao sa bahay ng parents nila kapag may mga partner na sila, bakit? Gusto mo live in tayo?" Sabi niya. Napatingin naman ako ng deretsyo sa kanya.
"Alam mo assuming ka." Sabi ko at hinampas ko siya. Tumawa lang siya kaya hindi kona siya pinansin.
Kahit papano napangiti ako ni Kyron dahil sa sinabi niya.
***
"Ingat nalang sa pa da-drive ah, thank you ulit sa ice cream. Don't worry treat ko naman next time."
"It's okay, gusto ko ako lagi ang magti-treat sayo. Gusto mo isama mo pa mga kaibigan mo." Sagot niya sa sinabi ko kaya naman nahampas ko na naman siya ng pabiro.
"Ang yabang mo talaga. Sige next time ah? Isasama ko sila. Sige na ingat." Sabi ko at bababa na sana nang bigla niyang hawakan yung wrist ko at nagulat nalang ako nang yakapin niya ako.
"Thank you."
"For what?" Nagtatakang tanong ko. Bumitaw naman siya sa pagkakayakap niya sakin at hinawi niya pataas yung buhok niya.
"Nothing, I just want to say thank you. Now go and take some rest, good night."
"Good night." Nakangiting sabi ko at agad na bumababa at pumasok na sa loob. Alam ko naman kasi na hindi aalis yon hanggang hindi pa ako pumapasok.
Pagpasok ko sa loob ay agad akong pumunta sa kitchen at inilagay sa refrigerator yung ice cream at yung chocolate na binili ko at tsaka ako pumunta sa kwarto ko at ibinagsak yung katawan ko sa kama. Hindi na ako kakain since hindi naman ako nagugutom.
***
4:20 AM na pero hanggang ngayon gising parin ako. Hindi ko talaga maalis sa isip ko yung nakita ko kahapon. Konting oras nalang magliliwanag na, ni hindi ko alam kung kakayanin ko bang pumasok ngayon.
***
Patulog na sana ako nang biglang tumunog yung alarm clock ko, kailangan ko nang maligo.
Magco-coffee nalang ako para hindi na ako antukin.
Dahan-dahan akong bumangon at inayos yung susuotin ko at agad na naligo. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at bumaba.
Lahat sila nakatingin sakin nung dumating ako sa dining room.
"Bakit para kang zombie?" Tanong ni Jelo. Tiningnan ko lang siya kaya napailing siya.
"Tsk, weird." Bulong pa niya.
"Good morning, kain na." Sabi ni tita, tumango nalang ako at agad na umupo kahit hindi naman ako nagugutom.
Tinitigan ko lang yung pag-kain sa plato ko hanggang sa matapos na silang kumain.
"Alis na po ako." Matamlay na sabi ko at umalis na. Agad akong pumara ng taxi paglabas ko.
♤□♤□♤□
Meriza's POV
"Good morning!!!" Masiglang bati ko kay Lavinia pagpasok niya ng room, tumango lang siya at agad na umupo sa desk niya.
"Anyare?" Tanong ko kay Safina. Nagkibit balikat lang siya at agad naming nilapitan si Lavinia na ngayon ay nakatulala.
"Girl anong nangyari?" Tanong ko, pero hindi siya nagsasalita.
"Hoy bakla! Bakit kaba ganyan?!" Sigaw ni Safina at nag-snap pa siya ng tatlong beses sa harap ni Lavinia pero walang effect.
"Omg ano nangyari sa bestfriend natin?" Tanong ko at tinabihan ko siya. Agad namang sumunod si Safina at sa kabilang side naman ni Lavinia siya umupo
"Hindi kaya effect yan nang pag-alis ni Luis?" Sabi ni Safina pero walang effect kay Lavinia. Dati kasi marinig lang niya yung name ni Luis kilig na kilig na agad yan, tapos ngayon wala lang sa kanya. Ano kayang nangyari sa babaeng to.
"Omg? Dahil ba iniwan kita kahapon? Sorry na girl, ililibre kita ng ice cream at milk tea. Promise wag kana magalit." Biglang sabi ni Safina, umiling lang si Lavinia.
"Bakit kasi iniwan mo siya kahapon?" Tanong ko.
"Namatay nga lola ko diba?" Sagot ni Safina sa tanong ko. Oo nga pla.
"Hayaan muna nga natin siya, gutom lang yan. Tingnan mo masaya nayan mamayang lunch." Tumango nalang si Safina sa sinabi ko at umupo na kami sa mga proper seats namin.
***
Lunch time na, akala namin magiging okay na siya pero hindi parin pala. In-order namin siya ng lunch pero hindi man lang niya ginagalaw yung pag-kain niya, kapag tinatanong naman namin kung anong problema ayaw naman niyang sabihin.
"Hindi kaba talaga kakain? Ayan oh? Nilibre na kita ng ice cream at fries, binilhan kapa ng lunch ni Meriza. Kumain kana please." Pangungulit ni Safina sa kanya pero umiling lang siya.
"Hindi ako gutom." Mabagal na sabi niya at bigla siyang tumayo.
Hindi pa siya nakakalayo samin ni Safina nang bigla siyang bumagsak.
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss