Lavinia's POV"Lavinia kaya mo yan, kakayanin mo." Bulong ko sa sarili ko bago ako tuluyang pumasok sa loob kasama sila Safina at Meriza.
"Vinia, bakit ba kasi nagpunta pa tayo dito? Hindi pa nagsisimula pero kitang kita kona agsd sa mga mata mo na gusto mo nang umiyak." Bulong sakin ni Safina.
Nasaan nga ba kami? Nasa kasal lang naman kami nila Luis at Terese.
"Invited tayo kaya kailangan nating pumunta." Sagot ko sa kanya. Napa-buntong hininga na lang siya at nag-cellphone.
Wala pa si Terese, pero inaayos na nila yung mga abay. Napa-tingin naman ako kay Luis na ngayon ay sobrang saya habang nakikipag-usap sa best man niya, si Roi.
Siguro dahil ikakasal na siya sa babaeng gusto niya kaya sobrang saya niya.
Tumahimik ang lahat at nag-focus sa malaki at magandang pintuan ng simbahan nang marinig nila na dumating na si Terese.
Agad naman akong tumingin kay Luis na ngayon ay inaayos ang buhok niya. Gaya ng iba naka-tingin lang din sa pintuan.
Maya maya lang ay nagsimula na silang magpatugtog ng wedding songs. At sunod sunod nang naglakad ang mga abay hanggang sa maubos ito.
Dahan dahan bumukas ang pinto ng simbahan at bumungad samin si Terese na sobrang laki ng ngiti. Tumingin naman ako kay Luis para makita yung reaction niya.
Nakatulala lang siya kay Terese habang naglalakad ito papalapit sa kanya, na para bang nakakita siya ng anghel, na para bang nakakita siya ng dyosa.
Nang makalapit si Terese sa kanya ay agad itong kumapit sa braso niya at tuluyan na silang naglakad palapit sa priest.
"If anyone objects, speak now or forever hold your peace." Sabi nung priest. Wala namang tumutol kaya sinimulan na ang wedding ceremony.
°°••°°••°°
"Throughout this ceremony, BRIDE and GROOM have vowed, in our presence, to be loyal and loving towards each other, They have formalized the existence of the bond between them with words spoken and with the giving and receiving of rings, Therefore it is my pleasure to now pronounce them husband and wife, You may now kiss your bride!"
Nang marinig kong sabihin ng priest yon ay agad na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Dahan dahang itinaas ni Luis yung veil ni Terese kaya agad akong tumayo at naglakad paalis, dahil ayokong makita yung susunod na mangyayari.
"Vinia! Vinia!" Rinig kong tawag ng mga kaibigan ko sakin. Pero patuloy pa rin ako sa paglalakad.
"Lavinia Kleus!!!!"
Nagising ako dahil sa sigaw nila Safina at Meriza. Agad kong tiningnan yung paligid ko.
"Nasa classroom ako. Hindi totoo yon, hindi totoo yung kasal." Bulong ko sa sarili ko at bigla ko na lang naramdaman na umiiyak pala ako.
"Anong sinasabi mo? Nanaginip kaba? Uiwan na Vinia at kanina kapa namin ginigising, kanina ka pa umiiyak habang natutulog."
"Wa-wala, uuwi na ako." Sabi ko at agad akong tumayo.
"Ingat nalang ah, mamaya pa kasi kami uuwi." Tumango ako sa sinabi ni Meriza at niyakap ko sila bago ako tuluyang lumabas ng classroom.
Nakatulog pala ako sa last period namin.
Dahil sa pagmamadali ko sa paglalakad ay may nabangga ako.
"Tanga ka-." Hindi niya natuloy yung sasabihin niya nang makita niya ako.
"Lavinia." Masayang sabi niya at niyakap niya ako kaya niyakap ko na lang din siya.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya matapos namin bitawan ang isat-isa.
"Bakit mo naman natanong yan Mika? Bakit mo naman naisip na hindi ako okay?" Natatawang sagot ko sa tanong niya.
"Lavinia kalat na sa buong campus na ikakasal si Luis. Akala ko talaga magiging kayo at alam ko naman na nasasaktan ka about don, right?" Tumango ako dahil sa sinabi niya. Bigla naman niya akong inakbayan at naglakad kami sa gitna ng hallway.
"Hindi ko gusto yung Terese Vasco nayon para kay Luis."
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Kasi talo niya yung beauty ko. Mayaman siya, sexy, matalino at sobrang ganda pa. Kaya ayoko siya para kay Luis. Mas gusto ko na ikaw na lang yung makatuluyan niya kasi alam ko na mas maganda parin ako kaysa sayo." Natatawang sabi niya, kaya natawa na lang din ako.
"Thank you Mika. Pero kahit gustuhin mo o gustuhin ko man, hindi mangyayari yon. Kasi si Luis parin ang mag de-decide para sa buhay niya. Dati hindi ko magawang mag-give up pero ngayon... unti unti na akong nag gi-give up Mika. Unti unti ko nang nakakaya lahat ng sakit na nararanasan ko. Sana nga naging manhid na lang ako para kahit anong masasakit na pangyayari yung dumating sa buhay ko okay pa din ako."
"Soon maghe-heal din yung sugat diyan sa puso mo. Magiging maayos din ang lahat. Don't worry marami kaming tutulong sayo, trust me. Tara? milktea tayo treat ko. Don't worry may dala akong kotse ngayon and hindi na tayo magsho-shortcut kahit kailan." Natatawang sabi niya. Agad naman akong napangiti at tumango.
°•▪︎•°°•▪︎•°●°°•▪︎•°°•▪︎•°
"Here's your Red Velvet Cheeseecake miss broken hearted." Agad akong napa-angat ng ulo ko at kinuha yung milktea na binili sakin ni Mika.
"Thank you, hayaan mo next time ako naman ang mangte-treat sayo."
"Sige ah, aabangan ko yan." Masayang sabi niya at agad niyang ininom yung milk tea niya.
Masaya kaming nagkwen-kwentuhan at nagtatawanan kanina pero ngayon hindi na.
"Sa dami dami ba naman ng milktea shop dito pa sila pumunta." Iritang bulong sakin ni Mika. Agad namang napa-smirk si Terese nang makita niya ako.
"Hmm babe, nagbago na pala yung isip ko. Dito na lang natin inumin yung milktea." Tumango lang si Luis kay Terese. Actually hindi naman kami nakita ni Luis, si Terese lang talaga nakakita samin.
Napa-yuko na lang ako habang iniinom yung milktea ko.
"Let's go? Alam kong uncomfortable kana dito dahil sa kanila. Ubusin na lang natin yung milktea sa kotse ko, tapos bili tayo ng isaw at balut, game?." Sabi ni Mika. Ngumiti ako at tumango sa kanya, kaya agad kaming lumabas ng Milktea shop nang hindi napapansin ni Terese.
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
Fiksi PenggemarWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss