Chapter 80: Confused

81 5 11
                                    


Lavinia's POV

"Kino ano bang problema mo? Bakit mo ginawa kay Luis yon?!" Galit na sabi ko sa kanya habang hitak hitak pa rin niya ako.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong bitawan at humarap siya sakin.

"Anong problema ko?! Kayo ni Luis! Kayo ang problema ko! Bakit mo siya kasama huh? Bakit kayo magkayakap?! Nawala lang ako saglit tapos makikita kitang kasama siya?! Ako yung kasama mo! Ako yung laging nasa tabi mo! Ako yung nagmamahal sayo Vinia! Pero bakit si Luis nanaman huh?! Alam mo naman na ikakasal na si Luis nilalandi mo pa!" Dahil sa sinabi niya ay agad ko siyang nasampal.

"Oo Kino gusto ko si Luis! mahal na mahal ko siya at alam ko na ikakasal na siya! Pero Kino hindi ako malandi! Never akong naging malandi! Pasensya kana Kino kung nasampal kita huh? Sobrang sakit lang kasi na sayo pa talaga nanggaling yung salitang yan! Magkita na lang tayo bukas, bukas ko ibibigay sayo yung sagot na hinihintay mo sa proposal mo." Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yan ay agad akong umalis.

"V-vinia hindi ko sinasadya, I'm so sorry! Nabigla lang ako!" Rinig kong sigaw niya. Hindi ko na lang siya pinansin at tuluyan na akong umalis sa enchanted kingdom.

Ngayon, sobrang naguguluhan na ako kung ano ba yung isasagot ko sa proposal niya.

Nung una gusto kong ibigay sa kanya yung matamis kong oo. Pero ngayon parang ayoko na, nagdadalawang isip na ako.

Ano bang dapat kong gawin?

°•◇°•◇•°◇•°

"Ano?! Sinabihan ka ng malandi ni Akino? Gago talaga yon! Humanda siya sakin!" Inis na sabi ni Safina at tatayo sana siya pero agad siyang pinigilan ni Meriza.

"Kumalma ka nga. Manggugulo ka sa restaurant ni tito? Gusto mo bang mawalan si tito ng mga costumer?" Dahil sa sinabi ni Meriza ay agad na kumalma si Safina at uminom siya ng juice.

"So anong plano mo ngayon? Don't tell me may balak kang sagutin ng oo yung proposal ni Akino?"

Agad naman akong tumango sa sinabi ni  Safina.

"Yup, nung una gusto ko talaga siyang sagutin ng oo. Pero hindi kona alam, basta! Oo nga pala hindi ako papasok ng afternoon class kasi pupunta ako sa restaurant ni papa and balak kona ding sabihin kay Akino yung sagot ko sa proposal niya." Sagot ko naman kay Safina.

"Basta! Kahit ano pa maging decision mo, susuportahan ka pa din namin, diba Safina?"

Umirap naman si Safina dahil sa sinabi ni Meriza.

Ngumiti na lang ako at agad na inubos yung kinakain ko.

•°☆•°☆°•♡°•♡°•

Luis's POV

"What are you doing here?! Get out!" Cold na sabi ko kay Terese nang pumasok siya sa office ko. Agad naman siyang ngumiti at pumunta sa gilid ko.

"Babe naman. Sorry na nga diba? Engagement party na natin bukas so sana naman wag ka nang magalit sakin! Alam ko naman na matutuloy yung kasal natin, kahit na gusto mo pa si Lavinia. Kase alam kong kailangan mo si daddy para maiahon yung company mo. Wala kang choice kung hindi ang pakasalan ako, so wether you like it or not magbabati tayo." Malambing na sabi niya sakin at umupo siya sa lap ko kaya agad ko siyang tinulak.

Napa-smirk na lang ako nang makita ko siyang mangiyak ngiyak habang naka-upo sa sahig.

"Anong sabi ko sayo? Diba sabi ko tigilan mo muna ako? Eh paano kung ayoko nang ikasal sayo? May magagawa kaba? Now I have to leave." Sarcastic na sabi ko at agad na inayos yung mga gamit ko.

"Saan ka pupunta babe?! Hindi mo ako pwedeng itapon nang basta basta lang! Gagawin ko ang lahat para matuloy yung kasal natin!"

"None of your business." Sagot ko sa kanya at agad akong umalis.

Pupunta lang naman ako sa university namin. Ipapasa ko yung mga projects na ginawa ko.

°••°••°♡°••°••°

"I'm glad na nakapag-pasa ka on time ng mga projects Mr. Valtimontar kahit na sobrang busy mo sa company mo." Sabi nung teacher ko. Agad naman akong ngumiti.

"I still want to graduate ma'am. That's why I submitted projects on time, kahit na hindi ako pumapasok." Sagot ko naman sa kanya.

"Don't worry Mr. Valtimontar, kilalang kilala ka dahil sa napaka-taas na IQ mo kaya makaka-asa ka na aakyat ka ng stage."

"Thank you ma'am, kailangan ko na pong umalis." Sabi ko. Tumango naman si ma'am kaya agad akong umalis.

Nasan kaya si Lavinia? Maaga pa naman pero hindi ko siya nakita sa classroom nila.

"Are you looking for someone?" Agad akong napalingon sa nagsalita.

"Nope? Sino namang hahanapin ko." Pagde-deny ko sa tanong ni Mika.

"Si Vinia. By the way congratulations dahil ikakasal kana. Pero gusto kong maging honest sayo Luis ah. Ayoko kay Terese, pero don't worry a-attend kami ni Vinia sa kasal niyo. So pano? Good luck!" Sabi niya at umalis na siya.

Aalis na din sana ako nang bigla akong makita nung mga kaibigan ni Lavinia.

"Omg?! Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit bawal ba akong pumunta dito? Bawal ba akong pumunta sa university na pinag-aaralan ko?" Masungit na sagot ko sa tanong ni Meriza.

"Tsk! Sungit! Upakan kita diyan eh!" Sabi naman ni Safina kaya agad siyang hinawakan ni Meriza.

"Ano ba Meriza! Bitawan mo nga ako!" Sabi pa niya kaya agad siyang binitawan ni Meriza.

"Hayaan mona kasi siya Safina. By the way congratulations Luis dahil ikakasal kana. Sobrang nae-excite ako dahil ikakasal na din yata si Lavinia. Ngayon niya kasi sasabihin yung sagot niya sa proposal ni Akino."

Dahil sa sinabi ni Meriza ay agad na kumunot ang noo ko.

"Sagot? Proposal?" Nalilitong tanong ko.

"Ay hindi mo alam? Nag-proposed kasi si Akino kay Lavinia. Sana hindi niya i-reject si Akino kasi bagay na bagay talaga sila!!" Sabi naman ni Safina.

"Anong sana hindi niya i-reject si Akino? Eh aya-." Agad na tinakpan ni Safina yung bibig ni Meriza kaya hindi na niya natuloy yung sasabihin niya.

"Paano Luis, aalis na kami! Byeee!" Sabi pa ni Safina at agad niyang hinitak si Meriza.

Naiwan naman akong tulala sa gitna ng hallway.

Paano kung pumayag siya sa proposal ni Akino?

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon