Lavinia's POVNakita ko lang naman si Luis.
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at agad akong naglakad.
"Saan ka galing? Bakit mo siya kasama?" Dahil sa tanong niya ay agad akong napahinto sa paglalakad at tumingin sa kanya. Nakatalikod parin siya sakin.
"Bakit mo tinatanong?" Tanong ko sa kanya kaya agad siyang humarap sakin.
"Tama bang sagutin ng tanong ang isang tanong?" Sarcastic at medyo malakas na sabi niya sakin.
"Luis pagod ako. At tsaka ano bang pake mo?"
Dahil sa sinabi ko ay tumawa siya ng mahina.
"Yeah right, ano nga bang pake ko?" Natatawang sabi niya.
Hindi ko naman gustong sabihin sa kanya yung mga salitang yan, nadala lang talaga ako ng emosiyon ko.
"Sorry." Sabi ko. Tumango lang siya at naglakad na siya paalis.
Pero hindi ko mapigilan yung sarili ko, kaya tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko siya mula sa likod.
"Bakit ka magpapakasal? Gusto mo ba siya? Paano ako? Paano tayo? Luis umasa ako, umasa ako sa mga sweet moves na ginawa mo."
"Gusto ko siya. Wag ka nang umasa Lavinia. Yung mga pinaramdam ko sayo? Lahat yon hindi totoo, ginamit lang kita para layuan na ako ni Mika." Dahil sa naging sagot niya sa tanong ko ay agad akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya kasabay non ang pagtulo ng mga luha ko.
♧◇♡♤♧◇♡♤
Luis's POV
Agad akong napaharap kay Lavinia nang marinig ko siyang umiiyak.
Sh*t?!! Anong ginawa ko? What did I do wrong? Tama ba na sinabi ko sa kanya yung mga salitang yon? Sh*t napaka-tanga ko.
"Sorry I didn't mea-."
"Yes you meant it! You hurt me! You hurt my feelings! Pinagsamantalahan mo yung kahinaan ko! But why?! Bakit ako pa Luis? Dahil ba alam mo na baliw na baliw ako sayo? Na gustong gusto kita? Sobrang sakit! Sana hindi na lang kita nakilala, sana ibang tao na lang nagustuhan ko, sana ibang tao na lang yung minahal ko, sana si Kino na lang. Pero bakit hindi? Ang unfair!" Sigaw niya.
Lalapitan kona sana siya para yakapin pero bigla siyang tumakbo papasok sa loob ng bahay.
Napa-buntong hininga na lang ako at pumasok na din ako sa loob at agad na nagpunta sa kwarto ko.
Pinili ko yung situation na to, kaya paninindigan ko to.
I'm so sorry Lavinia...
▪︎○▪︎○▪︎○▪︎
Lavinia's POV
Sobrang sakit, akala ko meron talaga siyang gusto sakin. Akala ko ako na talaga, ginamit lang pala niya ako. Napakatanga ko.
*Knock knock!*
Agad kong pinunasan yung mga luha ko at tiningnan sa salamin yung mukha ko bago buksan yung pinto at bumungad sakin si Jelo na may dalang tray, kaya agad ko siyang tinulungan.
"Ano to?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Obvious ba? Fresh milk at cookies." Masungit na sabi niya sakin.
"I mean, bakit mo ako binibigyan ng ganito?"
"Pinapabigay ni Ku-, I mean ni mama. Ubusin mo daw yan kasi binake niya yan para sayo." Sagot niya sa tanong ko.
Magsasalita na sana ako pero bigla siyang umalis.
Tsk bastos talaga yung batang yon.
Pero sobrang bait talaga ni tita.
♤°◇°◇°◇°♤
"Good morning!" Sigaw sakin nila Safina at Meriza. Kakapasok ko pa lang sa room.
"Morning." Naka-ngiting bati ko naman sa kanila. Ayoko namang ipakita sa kanila na sobrang down na down ako ngayong araw na ito. Kaya pipilitin kong maging masaya kahit mihirap at tsaka alam ko naman na kapag nakita nilang hindi ako okay ngayon for sure kukulitin lang nila ako at ayoko nang ma-involve pa sila sa mga problema ko.
"Mall ulit tayo mamaya, treat ko naman."
"Game!!!" Sabay at excited na sabi namin ni Meriza.
"Tsk, pag treat ko gustong gusto niyo ah? Pero since may gusto akong pasayahin ng todo diyan, okay lang." Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni Safina at inakbayan ko siya.
°▪︎°▪︎°▪︎°▪︎°
"Finally! Makakapag-mall na tayo!" Masayang sabi ni Meriza nang matapos na yung lesson namin sa last period.
Agad naming inayos yung mga gamit namin at lumabas na ng room.
"May naintindihan kayo sa lesson?" Tanong ni Safina sa kalagitnaan ng paglalakad namin sa hallway, agad naman akong umiling.
"Wala nga eh." Sagot naman ni Meriza kaya nagka-tinginan kaming tatlo.
"High five!" Sigaw ni Safina kaya agad kaming nakipag-high five sa kanya. Nawawala talaga yung stress ko kapag kasama ko sila.
☆•○☆•○☆•○☆
"Hoy Safina sabi mo treat mo ngayon ah, wala nang bawian yon." Sabi ni Meriza nang makapasok na kami sa mall. Agad naman siyang inirapan ni Safina.
"Oo nga, ang kulit mo naman eh." Sagot niya. Nag-make face naman si Meriza at nagulat na lang kami nang biglang may bumunggo sa kanya, dahilan para masubsob yung mukha niya sa sahig.
Agad namang nag-init yung ulo ko at nilapitan ko yung babaeng nakabunggo kay Meriza.
Tsk, hindi man lang niya nakuhang mag-sorry or kahit tingnan at tulungan man lang tumayo yung nabangga niya.
"Excuse me miss." Sabi ko kaya agad siyang napahinto sa paglalakad at agad niya akong tinaasan ng isang kilay pagharap niya sa akin.
"What?" Walang ganang sabi niya
"Miss, nabunggo mo lang naman yung kaibigan ko. Hindi mo ba nakita or naramdaman? Manhid ka ba? Or sadyang masama lang yung ugali mo."
Dahil sa sinabi ko ay tumawa siya.
"So funny, siya naman yung may kasalanan kung bakit ko siya nabunggo ang tanga. Nakaharang sa daanan ko."
"May saltik ka pala sa utak eh! Gusto mo isubsob ko yung mukha mo sa tiles!" Sigaw ni Meriza sa babaeng naka bunggo sa kanya at susugod sana siya kaya agad namin siyang hinitak palayo sa babaeng yon.
"Bakit niyo ako pinigilan?! Isusobsob ko talaga yung pagmumukha niya! Napaka-yabang, nakaka inis. Nawalan tuloy ako ng ganang mag-mall." Inis na sabi ni Meriza nang mai-layo na namin siya.
"Hoy hinaan mo nga yung boses mo, pinagtitinginan na tayo. Baliw ka talaga." Sabi naman ni Safina.
"Anong hinaan? Men nasubsob yung mukha ko tapos hindi nag-sorry. Kung hindi ko kayo kasama baka isinubsob ko talaga mukha non sa tiles."
"Kalma lang okay? Kumain na lang muna tayo." Pag-aaya ko sa kanila at sumang ayon naman sila sa gusto kong mangyayari.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/175151734-288-k799669.jpg)
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss