Chapter 58: Temporary happiness?

47 8 1
                                    


Lavinia's POV

"Hindi mo talaga maiintindihan dahil wala kang utak! At dahil wala kang utak kaya kahit kailan hinding hindi ka magugustuhan ni Luis! Kaya don't assume na magkakagusto siya sa isang panget, weird! bobo! happy go lucky! feelingera! lampa! tanga! At malan-."

"Stop it Mika!" Agad na napa-tigil si Mika sa mga sinasabi niya nang marinig niya ang galit at malamig na boses ni Luis, kasabay non ang pagbitaw niya sa buhok ko kaya naman binitawan ko na din yung buhok niya.

"L-luis, let me explain. Ang landi landi kasi ng babaeng yan! Hindi ko naman sasabihin sa kanya yung mga bagay na yon ku-."

"I said stop! Akala ko ba genius ka? So bakit hindi mo maintindihan yung word na stop?"

At sa pangalawang pagkakataon muling pinutol ni Luis yung sinasabi ni Mika. Napayuko nalang siya at mukhang iiyak na yata siya.

Nagulat nalang ang lahat nang biglang hawakan ni Luis yung wrist ko at hitakin ako palabas ng cafeteria.

Syempre pati ako nagulat sa ginawa niya. Hindi lang basta bastang gulat kung hindi gulat na gulat as in sobrang gulat.

Patuloy lang siya sa paghitak sakin hanggang sa makarating kami sa locker room ng mga boys.

Pagpasok namin sa loob ng locker room ay agad niyang binitawan yung wrist ko at binuksan yung locker niya. Napahawak naman ako sa wrist ko na ngayon ay namumula, feeling ko namanhid yung wrist ko dahil sa ginawa niya.

At anong trip ng lalakeng to? Bakit dinala niya ako dito? As in dito pa talaga sa loob ng locker room ng mga boys. Baka mamaya biglang may pumasok na ibang students dito tapos masabihan pa ako na manyak.

Magtatanong na sana ako sa kanya kung bakit dinala niya ako dito nang bigla niyang isarado yung pinto ng locker niya sabay bigay sakin ng p.e uniform niya. Agad namang kumunot ang noo ko habang nakatingin sa p.e uniform na hawak ko.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ano bang ginagawa sa damit? Malamang sinusuot, stupid." Masungit na sabi niya. Napangiti nalang ako at agad na nag-peace sign. Sorry naman tao lang, malay ko ba kung gusto pala niyang ipalabhan sakin yung p.e uniform niya.

"Thank you Luis. Sorry sa abala ah? Sorry din kasi pinatulan ko si Mika, sobra na kasi eh. Sige mag-lunch kana. Magpapalit na ako." Sabi ko at aalis na sana para pumunta sa locker room ng mga girls, pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa wrist ko. Agad naman akong napatingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay. It means na nagtatanong ako sa kanya kung bakit.

"May kapalit yan. Ililibre mo ako ng ice cream sa cafeteria kaya dito kana magpalit, maghihintay ako sa labas."

Hindi na ako nakapag-react sa sinabi niya dahil agad siyang lumabas ng locker room. Napangiti nalang ako at napatitig sa p.e uniform niya na hawak ko. Agad ko itong inamoy at isinuot. Second time ko na to, na magsusuot ng damit niya. Pero yung una bago pa, pero this p.e uniform? Omg?! Ilang beses na niyang nasuot to.

Paglabas ko ay agad ko siyang nakita na nakaupo sa bench malapit dito sa locker room ng boys. Agad ko siyang nilapitan kaya naman napatayo siya at agad na naglakad. Syempre ako naman parang aso na sunod nang sunod sa kanya.

"Thank you ulit." Out of nowhere na sabi ko sa kalagitnaan nang paglalakad namin sa gitna ng hallway. Tumango lang siya sa sinabi ko bilang respond kaya ngumiti nalang ako. Hindi ko maipaliwanag kung ano yung nararamdaman ko ngayon, mix emotion eh. Pero eto lang ang maipapaliwanag ko, sobrang saya ng puso ko as in parang gusto na niyang sumabog dahil sa sobrang tuwa.

Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit bigla nalang bumait sakin yung lalakeng to. Akala ko kaya niya ako hinitak kanina kasi papagalitan niya ako dahil sa ginawa ko kay Mika, mali pala ako. Sana ganito na lang siya palagi, sana hindi to temporary happiness lang.

■°■°■°■°

Pagpasok namin sa loob ng cafeteria ay agad na napatingin sakin yung mga tao.

Tsk? Ano na naman ba issue nila? Yung away namin kanina ni Mika? O dahil kasama ko ngayon si Luis?

"Omg sila ba?" - Girl 1

"Hala ang landi talaga nung babaeng yan noh?" - Girl 2

"Oo nga, remember? Nilandi din niya si Kyron." - Girl 3

"Don't worry guys hindi nagkakagusto si Luis sa mga weirdo and chamba lang yon na nalandi niya si Kyron." - Girl 4

Napa-irap nalang ako dahil sa mga naririnig ko. Ang aarte at ang i-issue nila, ang sarap pasakan ng basahan. Pati ba naman yung pakikipag-kaibigan ko kay Kyron ginagawan nila ng issue?

Speaking of Kyron. Sobrang miss na miss ko na yung lalakeng yon.

"Don't mind them, Humanap ka ng seats natin."

Tumango nalang ako sa sinabi ni Luis at agad na humanap ng vacant seat. Nang makahanap na ako ay agad akong umupo don at chineck yung phone ko pero biglang namatay yung phone ko, low battery.

Hyssst, nasan kaya sila Meriza at Safina? Nakakain naba sila? Nakapagpalit ba sila ng damit? Nagwo-worried tuloy ako sa kanila.

"Here." Agad akong napatigil sa pag-iisip ko sa mga bestfriend ko nang marinig ko yung boses ni Luis. Ngumiti nalang ako sa kanya at agad na kinuha yung ice cream.

"Sakto ah, favorite ko." Masayang sabi ko nang makita yung flavor nung binili niyang ice cream para sakin which is yung mint chocolate chip.

"I know." Dahil sa naging respond niya sa sinabi ko ay agad akong napatigil sa pag-kain ng ice cream at napatingin sa kanya. Kaya naman napatigil din siya sa pag-kain at tumingin sakin.

"I- I mean I know dahil sinabi sakin ni Jelo na ang takaw mo sa mint chocolate chip."

"Ahhh." Tanging nasabi ko nalang sa explanation niya at tumango tango. Akala ko pa naman ini-stalk na niya ako. Bwisit talaga yung batang yon eh, siya nga ang mas maraming nakain na ice cream saming dalawa eh.

"Oo nga pala, akala ko ba libre ko? Bakit hindi mo sinabi sakin agad?" Biglang tanong ko sa kanya.

"Next time nalang. By the way may gusto sana akong sabihin sayo."

Agad akong tumingin sa kanya at tinaasan siya ng dalawang kilay.

"Ano yon?"

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"I just wanted to tell you that I-."

"Lavinia Kleus!"

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon