Chapter 34: A Sudden First Date

56 11 0
                                    


Lavinia's POV

"Kuya, ayoko po!" Naiiyak na sabi ko, at dahil sa hindi ko na alam kung anong gagawin ko, kinagat ko nalang yung kamay niya dahilan para mabitawan niya ako at yon din ang dahilan para magalit siya lalo sakin.

Napapikit nalang ako nang makita ko yung kamay niya, sasampalin niya ako.

Ilang seconds na akong nakapikit pero wala paring dumadampi na kamay sa pisnge ko, kaya dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko.

"Luis?" Gulat na sabi ko, nakahawak lang naman siya sa wrist ng malaking lalake na ito, at mas lalo akong nagulat nang hawakan niya yung kamay ko at hitakin ako papunta sa likod niya.

"Sino ka bang epal ka huh?! Hindi mo ba nakikita yung ginawa ng tangang babae nayan sa damit ko! Kaya dapat lang na sumama siya sakin."

Dahil sa sinabi nung lalake ay binitawan ni Luis yung wrist niya at hinawakan niya sa balikat yung lalake.

"Pasensya kana huh? Pero hindi pwedeng ipalit sa isang cheap na damit yung tinatawag mong tangang babae nato." Mapang asar na sabi niya, naasar naman yung lalake kaya susuntukin niya sana si Luis pero naunahan siya nito, kaya ayon na out of balance yung lalake.

"Warren, ikaw nang bahala diyan." Sabi ni Luis at hinitak niya ako.

Teka? Iiwan niya si Mika? Tapos naba sila mag-date?

"Luis! Paano ako?" Rinig kong sigaw ni Mika. Hindi siya pinansin ni Luis at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

"Luia? Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya.

Hindi niya sinagot yung tanong ko kaya napangiti nalang ako. Wala lang, naalala ko lang kasi na magka-holding hands nga pala kami ngayon.

Agad niyang binitawan yung kamay ko ng huminto na kami.

"Sus, sa parking lot mo lang pala ako dadalin eh, tara na baka hinaha-."

"Saan mo gustong pumunta?" Literal na napanganga ako dahil sa tanong niya.

Ano daw? Saan ko daw gusto pumunta? Omg! Inaaya ba niya ako na mag-date kami?

"Ayaw mo? Sige uuwi na ako." Sabi niya at papasok na sana siya sa kotse niya kaya naman agad ko siyang hinarangan.

"Eto naman! Gustong gusto syempre, tinatanong pa ba yon? Tara na!" Masayang sabi ko at agad akong sumakay sa kotse niya, napa-iling nalang siya at sumakay na din.

"So saan mo gusto pumunta?" Tanong niya nang paandarin na niya yung kotse niya.

Saan nga ba kami pupunta?

"Hmmm? Since gutom na ako kumain nalang tayo sa restaurant." Nakangiting sagot ko sa kanya, napatingin naman siya sakin saglit sabay bigay sakin ng panyo niya.

"Kakain tayo sa restaurant nang ganyan yung damit mo?"

Nang sabihin niya yon ay agad akong napatingin sa damit ko.

Hala? May stain pala ng coffee yung damit ko.

Napa-peace sign nalang ako sa kanya at agad na pinunasan yung damit ko, mint green pa naman yung kulay ng crop top nato, kitang kita yung stain.

"Tsk, pa crop top crop top pa kasi."

"Huh?" Tanong ko sa kanya, hindi ko kasi naintindihan yung sinabi niya.

Hindi niya ako sinagot at agad niyang inihinto sa gilid yung kotse niya.

"Bakit? Anong gagawin natin? Nasan ba tayo?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon