Chapter 31: Inviting him on a date

55 12 0
                                    

Lavinia's POV

2 weeks na ang lumipas simula nung bumalik kami ni papa sa bahay ng mga Valtimontar. Sabi ko sa sarili ko susuko na ako, pero hindi ko pala kaya, hindi ko maiwasan na sundan si Luis lalo na kapag kasama niya si Mika.

"Lavinia, kumain kana ija. Kanina kapa nakatulala diyan, baka malate ka niyan." Sabi ni tito, ni hindi ko pa kasi nagagalaw yung pag-kain ko.

"Oo nga naman Vinia, tsaka okay na ba yang paa mo? Gusto mo ihatid kita sa school?" Tanong naman ni tita, well magaling naman na yung paa ko, wag lang akong tatakbo for sure kikirot ulit to.

"Magaling na po yung paa ko tita, at tito hindi po kasi ako nagugutom, papasok na po ako tita, tito." Sabi ko at agad na umalis, baka nga kasi ma-late pa ako.

***

Pagdating ko sa school ay agad akong pumunta sa classroom namin, wala pa si Safina at Meriza.

"Time check." Sabi ko at tiningnan ko yung relo ko. Hala? Maaga pa pala, akala ko malapit nang mag 8:00, 6:46 palang pala.

At dahil maaga pa, lumabas muna ako ng classroom at naglakad lakad sa hallway. Kaya pala konti palang yung mga tao. Nag-ikot nang nag-ikot lang ako dito sa college building hanggang sa nagsisi ako kung bakit ba nag-ikot pa ako, nakita ko lang naman si Luis, as usual kasama na naman niya si Mika.

Hindi ko alam pero automatic na gumalaw yung mga paa ko para magtago nang malapit na sila sakin. Baka kasi sabihin pa ni Mika ini-stalk ko sila, hindi naman diba? Nakita ko lang kaya sila by accident.

Nagulat nalang ako nang biglang may humawak sa braso ko dahilan para maapakan nang na injured na paa ko ang isang malaking bato, ang ending na out of balance ako.

"Warren?!" Gulat na sabi ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakapatong lang naman ako kay sa kanya. Tatayo na sana ako nang biglang dumating si Luis at Mika.

"Oh my gosh, pwede kayong mag-hotel guys. And Warren I didn't know na mga kagaya pala ni Lavinia ang tipo mo, by the way bagay kayo." Tumatawang sabi niya, agad naman akong tumayo at pinagpag yung uniform ko, bwisit sumasakit na naman yata yung paa ko.

"Hindi, mali kayo ng ini-." Mage-explain sana ako kaya lang hindi ko na natuloy dahil nagsalita si Luis.

"Let's go Mika." Cold na sabi niya at umalis na sila ni Mika. Well? Bakit nga ba niya papakinggan yung explanation ko eh wala naman siyang pake sakin.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Warren kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Sa tingin mo okay ako? Ang sakit na naman tuloy ng paa ko. Bakit kaba kasi nanggugulat huh?! At bakit ka nandito? Don't tell me ini-stalk mo din silang dalawa?" Inis na sabi ko sa kanya.

"Sorry okay? Sorry na, so ini-stalk mo pala talaga sila?" Sabi naman niya. Tama bang sagutin ng tanong ang isang tanong?

"Ini-stalk mo ba sila? Oo o hindi lang ang sagot." Inis na sabi ko sa kanya.

"Oo, pero hindi dahil kay Luis ah! Baka isipin mo bakla ako." Sagot niya sa tanong ko.

"Sus! Alam ko po Mr. President, halata namang may gusto ka kay Mika, diba?" Napangiti siya at tumango dahil sa sinabi ko.

"Sabi na eh! Sige pupunta na ako sa room namin bye!" Sabi ko at agad na umalis, baka humaba pa yung usapan namin at ma-late pa ako.

"Hoy! Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Safina pagpasok ko sa loob ng room, buti naman nandito na sila.

"Oo nga! Tamad ka talagang gumising ng maaga." Sabat naman ni Meriza.

"For your information, kanina pa ako dito." Sabi ko at agad na umupo.

"Tsk, sungit talaga. By the way Meriza gusto mo ba ng movie tickets? Hindi ko kasi magagamit to bukas dahil aalis kami ng mother ko, gusto mo sayo nalang?"

"Sorry hindi ko din magagamit yan, bawal akong umalis ng Saturday and Sunday. Ikaw Vinia? Baka magamit mo to, ayain mo si Luis." Sagot ni Meriza sa sinabi ni Safina kaya agad akong napatingin sa kanila.

"Sorry pero ayoko." Sabi ko at hindi na sila pinansin dahil dumating na yung teacher namin.

***

"Go girl kaya mo yan, fighting!" Sabi ni Safina.

Guess what? Nandito lang naman ako sa tapat ng classroom nila Luis, nandito ako para ayain siya na mag-movie date kami.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na kakalimutan ko na siya pero hindi ko talaga kaya, napakarupok ko.

"Girl? Anong ginagawa mo? Nakalabas na si Luis." Bulong sakin ni Meriza.

"Huh?" Gulat na sabi ko at agad na hinanap si Luis, hindi ko pala napansin na nakalabas na siya ng room buti hindi pa siya nakakalayo.

"Luis!" Sigaw ko at binilisan ko yung paglakad ko para masabayan ko siya.

"Bakit?" Walang ganang tanong niya sakin at napahinto siya sa paglalakad.

"Ano kasi, gus-."

"Luia!" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang biglang dumating si Mika kaya agad kong itinago yung movie tickets na hawak ko.

"Luis, gusto ko lang i-remind sayo na 5:00 PM tayo magkikita bukas. Bumili kasi ako ng dalawang movie ticket, magandang manood ng sine kapag gabi, bye." Sabi niya, tumango lang si Luis kaya agad din siyang umalis.

So naunahan na pala ako ni Mika? De sila na magda-date.

Napabuntong hininga nalang ako at aalis na sana nang biglang hawakan ni Luis yung wrist ko, feeling ko sasabog ako sa sobrang kilig dahil sa ginawa niya.

"B-bakit?" Nauutal na tanong ko sa kanya, agad naman niyang binitawan yung wrist ko.

"Ano nga yung sasabihin mo?" Tanong niya sakin, ngumiti naman ako ng pilit sa kanya.

"Ah, nakalimutan kona kasi, wala lang yon!"

"Ahh." Sabi lang niya at nagsimula na siyang maglakad ulit.

Muli akong napabuntong hininga nang makalayo na siya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Meriza.

"Oo naman, okay na okay lang ako. Siguro si Kino nalang aayain ko, sayang yung ticket eh, tara na." Sabi ko at agad na naglakad.

Si Kino nalang talaga aayain ko, at least si Kino sure na sure ako na hindi tatanggi sakin yon.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon