Chapter 63: I'll be right by your side

56 8 8
                                    


Lavinia's POV

"Sir pa fill up na lang po nito. Name, age, pirma niyo po and kung kaano-ano niyo po si Ms. Lavinia Kleus, since kayo daw po ang kasama ng patient nung kuhanin siya nung mga medical team."

Napa-angat ako ng ulo ko nang marinig ko yung sinabi ng nurse kaya agad kong kinuha sa kanya yung form na pinapafill up-an niya.

"Hanggang anong oras yung visiting hours? And sino-sino lang yung pwedeng magbantay sa pasyente?" Rinig kong tanong ni Mika sa nurse. Katabi ko lang kasi siya at nasa waiting area kami ngayon.

"Ma'am hanggang 12:30 AM lang po yung visiting hours dito. Pero pwede pong may maiwan na isa para magbantay sa patient and required po na relatives ng patient ang magbabantay sa kanya or kaya naman po boyfriend niya kung no choice po. Kapag mga kaibigan po required lang po na bisitahin nila yung patient."

Dahil sa sinabi nung nurse ay agad akong napa-tigil sa pagsusulat ko at tinitigan yung form na hawak ko. Yung relationship with the patient nalang yung hindi ko nasasagutan.

Kung ilalagay ko dito sa form na friends lang kami hindi ko siya mababantayan, pero kung boyfriend naman pwede ko siyang bantayan. Naisip ko lang kasi na walang ibang pwedeng magbantay kay Lavinia kundi si tito. Alam ko naman na laging pagod si tito dahil sa restaurant niya, so baka hindi niya mabantayan si Lavinia.

"Sir okay na po?"

Napatigil ako sa pag-iisip ko nang magsalita yung nurse. Napa-buntong hininga nalang ako at agad na isinulat yung kanina ko pa pinag-iisipan kung isusulat ko ba.

"Thank you sir, pwede niyo na pong puntahan yung patient sa room 305" Sabi pa niya matapos kong ibalik sa kanya yung form at agad siyang umalis.

Napatingin naman ako kay Mika na ngayon ay naka-ngiti sakin.

"Pano? Ingat nalang, I need to go home. Don't worry susunduin ako ng cousin ko." Naka-ngiting sabi niya, tumango ako at sinamahan ko siya palabas ng hospital.

Paglabas namin sa hospital ay agad na may bumusinang kotse. Huminto si Mika sa paglalakad at tumingin siya sakin.

"Thank you Luis." Sabi niya at bigla niya akong niyakap. Bumusina ulit yung kotse kaya agad niya akong binitawan.

"Go ahead, ingat nalang." Sabi ko at pinat ko yung balikat niya. Ngumiti siya ulit sakin bago siya sumakay sa kotse. Pagka-alis niya ay papasok na sana ako sa loob nang makita ko yung kotse ni tito. Agad siyang nag-park at nagmadali sa pagbaba ng kotse. Kasama din niya si mama.

"Luis anong nangyari sa anak ko?" Nag-aalalang tanong ni tito ng makalapit sila ni mama sakin.

□°□°□°□°

"Grabe, iniisip ko lang pero ramdam na ramdam ko na sobrang takot na takot si Lavinia nung mga oras na yon. Wala man lang akong nagawa bilang tatay niya, tapos hindi ko pa siya mababantayan ngayon dahil maraming may day off sa mga tauhan ko." Naiiyak na sabi ni tito matapos kong i-kwento sa kanila ni mama yung nangyari kay Lavinia.

"Don't worry, pwede ko namang bantayan si Vinia. Magpahinga ka pag-uwi mo."

"No!" React ko sa sinabi ni mama kaya agad silang napatingin ni tito sakin.

"I mean hindi pwede, ako kasi yung nagfill-up sa form so required na ako lang ang pwedeng magbantay sa kanya." Pagsisinungaling ko, kahit ang totoo naman hindi talaga pwede si mama dahil hindi siya relative ni Lavinia.

Napatango na lang si mama sa sinabi ko at agad silang tumayo ni tito.

Akala ko aalis na sila, pero nagulat na lang ako nang biglang lumuhod si tito sa harap ko habang naka-yuko.

"Luis, maraming salamat sa ginawa mo. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran sa ginawa mong pagligtas sa buhay ng anak ko." Umiiyak na sabi niya, agad ko namang tinulungan na tumayo si tito.

"Wala po yon tito, hindi niyo po kailangang lumuhod sa harap ko para magpasalamat." Sabi ko, napa-ngiti naman sakin si mama at niyakap niya ako.

"Eh mare, napaka-bait naman pala talaga ng anak mo."

"Oo naman, mana sa sakin eh." Proud na sabi ni mama at bumitaw na sa pagkakayakap niya sakin.

"By the way mama, tito, it's already 12:25 AM. Kailangan niyo nang umalis." Dahil sa sinabi ko ay agad na nalungkot si mama.

"Sayang dahil hindi ko mababantayan si Lavinia. Pero okay lang, at least ikaw ang magbabantay sa kanya. By the way anak nagdala ako ng mga foods, kumain ka na lang kapag nagutom ka."

Tumango nalang ako sa sinabi ni mama at sinamahan ko sila palabas ng hospital, bago sila tuluyang umalis ay biglang tinap ni tito yung balikat ko.

"Mag pakatotoo ka anak." Sabi niya at tuluyan na silang umalis.

Hindi ko naman naintindihan kung anong ibig sabihan ni tito sa sinabi niya kaya agad akong bumalik sa room ni Lavinia.

Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko siya na mahimbing pa rin na natutulog kaya dahan dahan kong hinitak yung sofa chair sa gilid ng kama niya at agad na umupo at tinitigan siya.

Hindi ko alam pero bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko nung mapatingin ako sa mapula niyang labi. Naalala ko kasi yung first and second time na hinalikan ko siya. Well hindi ko naman talaga gustong halikan siya intentionally but... I don't know? Hindi ko alam kung bakit naaakit ako sa labi niya.

"F*uck!" Pabulong at medyo may diin na sabi ko.

Ano bang nangyayari sakin?

Napabuntong hininga na lang ako at pumikit, pero agad din akong dumilat at tinitigan ulit siya.

"Don't worry, I'll be right by your side."

°•○°•○°•○

Lavinia's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sakin ang paa ko na naka-bandage wrap, hindi ko siya magalaw.

Pipikit na sana ako para matulog ulit nang mapatingin ako sa gilid ko.

Napa-ngiti na lang ako habang tinititigan yung napaka-angelic na mukha niya.

"Finally ma'am gising ka na." Agad akong napa-tingin sa pinto at nakita ko yung nurse na naka-silip at tuluyan na siyang pumasok nang ngitian ko siya. May dala siyang breakfast.

"Thank you po." Sabi ko nang ibaba na niya yung tray sa side table. Ngumiti naman siya at inayos niya yung dextrose ko.

"Ma'am check ko lang ulit temperature mo, may fever ka kasi kagabi." Sabi pa niya. Tumango ako kaya agad niyang itinapat sa ulo ko yung thermometer gun. Napa-tingin naman ako kay Luis na ngayon ay tulog parin at ngumiti ako nang maalala ko yung nangyari kagabi. Kung hindi dahil sa kanya baka wala na ako ngayon.

"Ang sarap titigan ng boyfriend niyo ma'am noh? Gwapo." Dahil sa sinabi nung nurse ay agad kong binalik yung tingin ko sa kanya at kumunot yung noo ko.

Anong sinasabi niya?

Napag-kamalan na naman ba kami na mag-jowa?

"Sige ma'am, alis na ako may iba pa kasi akong patient na kailangan i-check. Don't hesitate to call me ma'am kapag may kailangan kayo ni sir."

"Thank you ate." Sabi ko bago siya lumabas.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon