Chapter 46: Worst Christmas break

72 10 0
                                    


Lavinia's POV

"Po? Saan po kayo pupunta and kailan po kayo babalik?" Tanong ko kay tita. Aalis sila ngayon at kami lang ni Jelo ang maiiwan dito sa bahay. At tsaka parang biglaan naman yata yung pag-alis nila.

"Oo nga mama, at tsaka sure kaba? Iiwan mo ako dito kay stupid ng five days?! Pwede bang isama mo nalang ako." Dagdag pa ni Jelo sa sinabi ko. Tsk kung hindi lang talaga siya bata baka nabatukan kona siya.

"Hindi pwede Jelo, tatlong ticket lang binili ko papunta sa Boracay. Para sa papa mo, para sakin at para sa tito mo. Lavinia ikaw nang bahala kay Jelo ah, aalis na kami. Mga pinto at yung gate make sure na naka-lock lagi okay? And ikaw na bahala para sa dinner niyo."

"Okay po tita, ingat po kayo, tito, papa ingat din po." Sabi ko at hinug ko sila.

"Mag-iingat kayo dito ah, aalis na kami. At Lavinia pumunta ka kahit minsan sa restaurant, isama mo si Jelo. Si Akino ang magbubukas ng restaurant lagi." Tumango naman ako sa sinabi ni papa at umalis na nga sila.

Hyssst? Ito na yata yung worst Christmas break na mararanasan ko. Wala na nga sila, tapos wala pa si Luis. Hysst bahala na nga.

***

"Jelo anong gusto mong kainin ngayong dinner?" Tanong ko kay Jelo na ngayon ay busy sa pagbabasa ng books. Para talaga siyang kuya niya.

"Kahit ano." Sagot niya sakin.

"May pagkain bang kahit ano?" Pamimilosopo ko sa kanya.

"Tsk stupid talaga." Sabi niya at umalis na dito sa dining room. Kung ako stupid siya naman napakasungit niya, para siyang si Luis.

Speaking of Luis? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hindi kaya siya nalulungkot dahil siya lang mag-isa ngayong Christmas break?

Napabuntong hininga nalang ako at agad na nagpunta sa kitchen. Magluluto nalang ako ng chicken abodo kahit hindi kopa masyadong alam kung paanong lutuin yon.

***

"Kain na!" Masayang sabi ko at agad na nagdasal pagkatapos ay nilagyan ko ng pag-kain yung plate ni Jelo.

Hindi naman siya nag-reklamo nang gawin ko yon kaya hinintay ko nalang yung magiging reaction niya sa lasa ng niluto ko. Akala ko susungitan na naman niya ako pero hindi, wala siyang sinasabi, kain lang siya nang kain kaya kumain nalang din ako.

▪︎•▪︎•▪︎•

"Stupid!"

"Stupid!"

"Arghh bakit ba ginising mo ako?" Naiinis na sabi ko kay Jelo at napa-upo sa kama sabay tingin sa orasan. 8:40 PM na at kakapikit ko palang. Hindi pa nga ako nakakatulog eh tapos bigla-bigla nalang niya akong gigisingin.

"May naghahanap sayo stupid!" Sabi niya at agad na umalis sa kwarto ko, napaka-pasaway talaga ng batang yon.

"Kainis." Inis na sabi ko at agad na bumaba.

"Kyron? Safina? Meriza?" Gulat na sabi ko pagdating ko sa living room.

"Bakit nagulat ka?" Natatawang sabi ni Meriza.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Eto kasing si Kyron. Nag-chat ka daw sa kanya na nalulungkot ka, kaya nandito kami ngayon." Sagot ni Safina sa tanong ko.

"Yup, bakit ayaw mo ba na nandito kami? Sayang tong mint chocolate chip ice cream oh?" Sabi naman ni Kyron sabay pakita sakin nung one gallon na ice cream. Agad naman akong ngumiti at kinuha sa kanya yung ice cream.

"Wala naman akong sinabing ayaw ko, diyan lang kayo kukuha lang ako ng bowl."

"Samahan na kita." Sabi pa ni Kyron. Tumango nalang ako at sinamahan nga niya ako sa kitchen para kumuha ng mga mangkok at spoon.

Pagdating namin ni Kyron sa kitchen ay nadatnan namin si Jelo doon na nakatayo lang sa gilid at nakatingin samin.

"Gusto mo bang ice cream?" Tanong ni Kyron sa kanya. Buti naman tinanong niya yon dahil talaga namang napakabwisit ng batang yan.

"Yes." Maiksing sabi ni Jelo. Tsk kung ako nagtanong sa kanya for sure susungitan lang niya ako.

☆°☆°☆°

"Ingat kayo ah. Kyron ihatid mo yung mga kaibigan ko ng safe ah?" Sabi ko at sinamahan ko sila palabas ng bahay.

"Oo naman, call me or text me kapag may kailangan or may problema ka, anytime dadating ako."

"Thank you. Sige na ingat kayo ah, bye." Sabi ko kaya agad silang sumakay sa kotse at umalis.

Napakabait talaga ni Kyron. Dati inis na inis ako sa kanya dahil akala ko manyak at ungentleman siyang tao, pero hindi naman pala. Way daw niya kasi yon para makilala yung isang tao.

Siguro kung hindi ko kilala si Luis baka nagka-gusto na ako kay Kyron, sobrang comfortable ko kasi sa kanya.

"Stupid."

Agad akong napatigil sa mga iniisip ko nang marinig ko yung boses ni Jelo. Kanina pa pala ako nakatunganga dito sa labas.

Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko siya na kumakain parin ng ice cream, kaya tinabihan ko siya. Ang dami pa palang natira na ice cream kanina. Actually saglit lang dito sila Kyron dito. Si Safina kasi may date sila ni Roi, si Meriza naman may family dinner pa sila.

"Ano mo yung Kyron?" Biglang tanong ni Jelo sakin kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Si Kyron? Hmmm kaibigan ko." Sagot ko naman sa tanong niya.

"Ahh kaibigan." Tumatango na sabi niya.

"Matutulog na ako ah, pagkatapos mo diyan matulog kana din." Sabi ko, tumango lang siya kaya agad akong nagpunta sa kwarto ko at natulog.

¤▪︎¤▪︎¤▪︎

Bigla nalang akong nagising dahil sa mga ingay na naririnig ko, parang may umiiyak. Kaya agad akong bumangon at lumabas. Mukang si Jelo yung umiiyak ah? Nanggagaling kasi sa kwarto niya yung ingay.

Agad akong pumasok sa kwarto ni Jelo at bumungad siya sakin na umiiyak habang nakayakap sa unan.

Hala? Anong nangyayari?

Agad ako siyang nilapitan at chineck, sobrang init niya.

"Jelo, tell me anong masakit sayo?" Tanong ko pero iyak lang siya nang iyak. Nagulat nalang ako nang bigla siyang magsuka at nasukahan niya yung damit niya. Kaya agad kong hinubad yung damit niya at nagulat nalang ako nang mahawakan ko yung likod niya. Bakit puro rashes yung likod niya?

Hala? Anong gagawin ko? Hindi kaya dahil sa ice cream to?

Dahil sa kaba ay agad kong tinawagan sila tita pero hindi sila sumasagot. Hindi ko naman alam yung bagong number ni Luis, nagpalit na kasi siya ng number simula nung umalis siya dito.

Ayoko mang istorbohin si Luis ng 1:00 ng umaga pero kailangan talaga.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon