Lavinia's POV2:56 AM na pero hanggang ngayon nandito parin kami ni Luis sa living room habang naka-upo kami sa iisang couch. Nagce-cellphone siya, mukhang may ka-text yata siya habang ako naman nanonood ng movie sa tv.
Actually simula nung matapos kaming kumain wala nang umiimik samin. Feeling ko tuloy ako lang mag-isa dito kahit kasama ko naman siya. Kahit tingnan ako hindi niya magawa, siguro magka-text sila ni Mika.
Napa-buntong hininga nalang ako at tumayo, agad naman siyang napatingin sakin.
Aalis na sana ako nang biglang namatay yung mga ilaw.
"Hala?! Brown out?" Gulat na sabi ko.
"Obvious ba?" Rinig ko namang sabi niya. Napa-upo nalang ulit ako sa couch, natakot kasi ako bigla. Feeling ko may multo dito.
"Oh? Bakit nandito ka pa?" Tanong niya, pero hindi ko siya makita.
"Ah eh mainit sa kwarto kaya dito nalang ako." Pagde-deny ko, kahit ang totoo naman talaga natatakot ako.
Hindi siya nag-respond sa tanong ko kaya niyakap ko yung unan dito sa couch at pumikit. Gusto kong dumikit sa kanya pero hindi ko magawa dahil bawal, alam ko namam na magagalit siya kaya kailangan kong labanan yung takot ko.
"Are you sleeping?" Dahil sa tanong niya ay agad akong napa-dilat. Nagulat nalang ako nang maramdaman ko na tumabi na siya sakin, as in yung dikit talaga kami.
Umiling ako sa tanong niya tapos bigla kong naalala na hindi nga pala niya ako nakikita.
Hyssst, napaka tanga mo talaga Lavinia.
Nagulat nalang ako ng biglang may dumagan sa balikat ko, pag tingin ko ay nakita ko si Luis na naka patong ang ulo sa balikat ko, kahit madilim nakikita ko naman yung buhok niya kahit papano.
Agad akong napa ngiti at pumikit nalang din, since tulog naman na siya.
Gusto ko mang tumili ng sobrang lakas dahil sa kilig ay hindi ko magagawa, so tamang ngiti nalang muna ako.
♡°♡°♡°♡
Safina's POV
"Dalian mo nga! 10:30 AM na oh!" Naiinis na sabi ko kay Meriza. Ang bagal kasi niya bumaba ng kotse.
"Eto na nga eh. Ano ba kasing gagawin natin dito kila Luis." Naiiritang sabi niya. Napa-sapo nalang ako sa noo ko at umiling iling.
"Gaga ka! Magso-sorry tayo kay Vinia. Alam mo bang wala siyang kasama sa Noche Buena kaninang madaling araw."
"Omg? So ibig sabihin hindi ka din pumunta?" Gulat na sabi niya. Tumango naman ako at sumilip silip sa gate ng bahay nila Luis. Parang wala yatang tao.
"Safina? Meriza? Kanina pa kayo diyan?" Agad akong napa-bitaw sa gate nang marinig ko yung boses ng mama ni Luis. Bakit nasa labas sila nung kapatid ni Luis? Kaka-uwi lang nila?
"Ah hindi po tita, kakadating lang po namin. Bakit po nasa labas kayo?" Tanong ni Meriza.
"Kakauwi lang namin eh, tara pumasok tayo sa loob." Sabi ni tita at agad niyang binuksan yung gate para makapasok kami.
Pagpasok namin sa loob ng bahay nila ay bumungad samin ang mga naka-bukas na ilaw at christmas lights. Agad na kumunot yung noo ni tita dahil sa nadatnan namin.
"Bakit naman naka-bukas lahat ng ilaw?" Gulat na sabi ni tita. Agad niyang pinatay yung ilaw dito malapit sa front door at naglakad siya kaya naman agad namin siyang sinundan ni Meriza.
Pagpasok na pagpasok palang namin sa living room ay agad kaming napahinto sa paglalakad. Walang umiimik samin, sobrang shocked kami sa nakita namin.
Sino ba namang hindi masho-shocked. Mag-kayakap lang naman si Lavinia at Luis habang natutulog sila dito sa couch.
Nagulat nalang ako nang biglang humarap samin si tita na sobrang lawak ang ngiti.
"Omg?! Wag kayong maingay ah? Diyan lang kayo?" Mahina at kinikilig na sabi ni tita. Napatango nalang kami ni Meriza at agad siyang umalis.
Pagbalik ni tita ay may dala siyang camera at agad niyang pinicturan yung dalawa na hanggang ngayon ay sobrang himbing parin ng tulog.
▪︎♧▪︎♧▪︎♧▪︎
Lavinia's POV
Agad akong nagising nang maka-rinig ako ng tunog ng camera at pagmulat na pagmulat ng mga mata ko ay agad na bumungad sakin si tita na may dalang camera at sila Meriza at Safina na nakatingin lang sakin.
"Tita? Safina? Meriza? Bakit po?" Nagtatakang tanong ko at mas lalo akong nagtaka kung bakit sobrang lawak ng ngiti nila sakin. Parang may ginawa akong something.
"Gaga ka ang landi mo!" Mahina at kinikilig na sabi ni Safina agad namang kumunot ang noo ko at tatayo na sana ako nang mapagtanto ko na magkayakap kami ni Luis.
Omg? Anong gagawin ko? Kinakabahan ako.
At mas lalo na nga akong kinabahan nang biglang magising si Luis. Nagkatinginan kami ng sobrang tagal hanggang sa ma-realized niya na magkayakap kami. Agad siyang bumitaw sakin at napatayo.
"I-I'm sorry." Mabilis na sabi niya at agad na umalis. Naiwan naman kami nila tita dito sa living room.
"Omg? Vinia magkwento ka dali!!!" Kinikilig na sabi ni Meriza. Anong ikwekwento ko? Yung pinaghahampas ko ng frying pan si Luis? Eh hindi ko nga maalala kung bakit bigla nalang kami magkayakap eh.
"Omg! I get it! Kaya pala hindi pumunta si Luis dahil ikaw ang gusto niyang makasama, kinikilig talaga ako."
Dahil sa sinabi ni tita ay agad na kumunot yung noo ko.
Hindi siya nag punta sa Noche Buena sa company ni tito? So ibig sabihin hindi totoo yung sinabi niya sakin na boring don?
•●•●•●•
Dinner time na at sobrang awkward namin ni Luis ngayon. As in hindi niya talaga ako pinapansin, hindi din siya makatingin sakin.
"Vinia, kumain ka nga anak. Kanina kapa naka-upo diyan pero wala pang bawas yang kinakain mo." Dahil sa sinabi ni papa ay agad akong napatigil sa mga iniisip ko at kumain nalang.
"Nako ganyan talaga kapag maganda ang gising." Natatawang sabi ni tita. Napatingin naman kami sa kanya. Ni isa walang nag-react sa sinabi ni tita. Dahil siguro hindi gets ni papa at ni tito yung sinabi ni tita.
Agad na napa-peace sign si tita at kumain nalang.
Nang matapos akong kumain ay agad akong nag-paalam sa kanila na pupunta na ako sa kwarto ko. Gusto kasi ni tita siya na ang mag-hugas ng mga pinggan.
Paakyat palang ako ng hagdan nang bigla kong makasalubong si Jelo. Nakatingin lang siya ng seryoso sakin.
Hmm? Ano na naman kayang problema ng batang to?
"Anong problema mo?" Tanong ko.
"Akala mo hindi ko nakita yon ah." Masungit na sabi niya at nagtatakbo siya paalis.
Anong nakita niya? Weird talaga ng mga bata ngayon.
***

BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss