Lavinia's POVPaglapit namin sa apat na lalake ay agad kaming napahinto ni Mika sa paglalakad at agad din akong nakaramdam ng kaba. Nag-iinuman sila at nakakatakot yung mga muka nila. Gusto ko sanang hitakin paalis si Mika pero huli na ang lahat, napansin na nila kami.
"Oy pare may dalawang chix pala tayo dito eh." Sabi nung isang lalake, agad ko namang hinawakan ng mahigit yung kamay ni Mika.
"Pasensya na po sa abala." Sabi ko at hihitakin ko na sana paalis si Mika nang bigla silang tumayo sa mga inuupuan nila at pinagitnaan kami.
"Sorry." Rinig kong sabi ni Mika. Piniga ko na lang yung kamay niya as a respond.
Eh ano pa nga bang magagawa namin? Ayoko namang magalit sa kanya dahil hindi naman niya ginusto to.
"Saan naman kayo pupunta? Hindi pa nga namin kayo nakikilala aalis na agad kayo, ako nga pala si Jay." - Boy 1.
"Tol! Ayusin mo naman, ganito dapat, Hi mga Ms. Beautiful, ako si Toti." - Boy 2.
"Ako naman si Ed, gusto niyo bang mag-enjoy tonight?" - Boy 3.
"Yuck! Sa tingin niyo ba gusto naming makipagkilala sa inyo? Eh pangalan niyo pa lang ang babaho na!" Napa-iling nalang ako dahil sa naging sagot ni Mika sa kanila. Mukhang mas lalo kaming mapapahamak.
"Eh suplada pala to tol! Dapat diyan dinadala agad sa langit." - Boy 4.
Nagulat nalang ako nang bigla nila kaming paghiwalayan ni Mika. Nakahawak sa magkabilang braso ko yung dalawang lalake habang yung dalawa pang lalake nakahawak naman kay Mika.
"Ang papanget niyo! Let go of me!!!!" Sigaw ni Mika. Medyo malayo siya sakin.
"Ano ba?! Bitawan niyo nga ako! Tulong!!!! Tulong!!!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa kanila, tinawanan lang nila ako.
"Kahit anong pagsigaw ang gawin mo, walang tutulong sayo dito Ms. Beautiful!!!" - Boy 3.
Maiiyak na yata ako. Ano ba tong nangyayari samin? Napatingin naman ako kay Mika na ngayon ay pilit na hinihitak nung dalawa pang lalake palayo sakin at kitang kita ko sa muka niya na umiiyak na siya.
Kaya nagpumiglas ako at bigla akong nabitawan nung isang lalake kaya agad kong sinampal yung nakahawak sa kabilang braso ko at tinuhod ko naman yung pagkalalake nung isa. Napunta naman yung atensiyon samin nung dalawa pang lalake na nakahawak kay Mika kaya hindi nila namalayan na nabitawan na nila siya. Tinanguan niya ako at agad niyang kinuha yung opportunity para maka-takbo kaya bumalik yung atensiyon nila kay Mika at nagkaroon din ako ng opportunity para makatakas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero magka-iba kami ng way na tinakbuhan ni Mika.
Habang tumatakbo ako ay naramdaman ko na may nakasunod na sakin at hindi nga ako nagka-mali, nasundan nila ako.
"Humanda ka sakin kapag nahuli kita!" Galit na sigaw nung isa, which is yung tinuhod ko sa ari kanina.
Nagulat nalang ako nang may maapakan akong bato, dahilan ng pagka-dapa ko. Pinipilit kong maka-tayo pero sobrang sakit ng tuhod at paa ko, sumakit na naman yung na sprained na paa ko.
Papa God, help me please.
★•°★°•★•°
Mika's POV
Takbo lang ako nang takbo hanggang sa makakita ako ng lugar na puro puno kaya agad ko itong pinasok at nagtago sa isa sa mga puno.
Halos 1 minute na akong nagtatago, aalis na sana ako nang maka-rinig ako ng mga naglalakad.
"Ms. Beautiful... Lumabas ka na sa pina tataguan mo, pinapahirapan mo pa kami eh."
"Oo nga Ms. Beautiful, nang madala ka na namin sa langit agad. Sigurado ako na yung bestfriend mo papunta na sa langit ngayon."
Napa-iyak nalang ako dahil sa mga sinasabi nila. Hindi ko ma-imagine kung anong nangyayari kay Lavinia ngayon. Kapag may nangyari talagang masama sa kanya hindi ko kakayanin. Maldita ako at madalas insecure pero hindi naman ako yung klase ng tao na gustong mapahamak yung kinaiinisan niyang tao.
Ilang minutes na ang lumipas at hindi ko na sila naririnig. Aalis na sana ako sa pinagtataguan ko nang biglang may humawak sa balikat ko.
Agad akong napahawak sa dibdib ko at sisigaw na sana nang makita ko kung sino yon.
"Luia!" Sabi ko at agad ko siyang niyakap at agad din niya akong tinulak palayo kaya napa-ngiti nalang ako. Kahit papano nawala yung takot na nararamdaman ko.
"Si Lavinia? Kasama mo daw siya? Nasan siya?" Tanong niya kaya agad bumalik yung takot na nararamdaman ko.
"Follow me." Sabi ko. Tumango siya kaya agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at bumungad sakin yung dalawang lalake na naka-handusay sa sahig. Hindi ko nalang sila pinansin at agad na tumakbo.
Sana okay lang siya.
♡°••°♡°••°♡
Pagdating namin sa lugar kung saan namin sila nakitang nag-iinuman ay agad akong huminto. Wala si na Lavinia dito. Nasan na kaya siya? Or saan siya dinala nung mga lalakeng yon?
"F*ck! Nasan si Lavinia?!" Nafu-frustrate na sigaw ni Luis. Agad namang tumulo yung mga luha ko dahil alam kong kasalanan ko kung bakit nangyari to.
"I don't know? K-kanina lang nandito pa siya." Kinakabahan na sagot ko sa kanya habang pinupunasan yung mga luha sa muka ko.
"I'm sorry for shouting, please don't cry." Mahinahon na sabi niya and he tap my head.
Tumango lang ako sa kanya habang pinipigilang umiyak.
Ilang seconds siyang hindi nagsalita at parang may tinitingnan siya.
"Kay Lavinia to." Sabi niya at agad na pinuntahan yung kanina pa niya tinitingnan sa sahig, isang necklace.
Walang sabi sabi ay agad siyang naglakad sa way na hindi naman niya sure kung nandon talaga si Lavinia. Napa-buntong hininga nalang ako at agad ko siyang sinundan.
Hindi ko alam kung anong meron kay Luis at Lavinia. Kitang kita ko sa mukha at mga galaw ni Luis na sobra siyang nag-aalala para sa kanya.
Hindi kaya gusto niya si Lavinia? Hindi kaya may something na sa kanila?
No way?!! Hindi ko dapat iniisip yon. Alam ko at nafe-feel ko na may nararamdaman sakin si Luis, alam kong hindi masasayang yung effort at time na ibinigay ko para mapansin at mapalapit lang ako sa kanya, alam kong may worth tong ginagawa ko.
And hindi sapat na dahilan yung nakikita ko ngayon para sumuko ako, hindi sapat na dahilan yon para tumigil ako.
I won't give up on you Luis... Hindi ako titigil hanggat hindi ka napapasaakin. Walang pwedeng makapag-pasuko sakin, unless ikaw na mismo ang magsasabi sa harap ko na hindi mo ako gusto.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/175151734-288-k799669.jpg)
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss