Chapter 82: A Miracle from a Shooting Star

121 6 34
                                    


Lavinia's POV

"Ganito ba talaga ako kamalas?" Bulong ko sa sarili ko habang nakapikit pero agad din akong dumilat nang wala na akong nararamdaman na pumapatak na ulan sakin pero kitang kita ko na umuulan pa kaya agad akong tumingala.

"Luis?" Gulat na sabi ko.

Nakita ko lang naman si Luis sa harap ko habang pinapayungan niya ako.

Agad niyang ini-offer sakin yung kamay niya para tulungan akong tumayo kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa at hinawakan ko yung kamay niya.

"Thank you." Sabi ko nang makatayo na ako.

"Let's go, kanina kapa hinahanap ni tito." Sabi naman niya kaya agad kaming naglakad. Hindi niya dala yung kotse niya.

"Pinasundo ba ako ni papa sayo?" Tanong ko pa sa kanya. Tumango lang siya kaya hindi na ako nagsalita pa.

Tahimik lang kami habang naglalakad, gusto ko mang basagin yung katahimikan pero hindi ko naman alam kung ano sasabihin ko sa kanya.

"Bakit nga pala nagpa-ulan ka, diba kasama mo si Akino." Pagbasag niya sa katahimikan namin na ikinatuwa ko pero at the same time ikina-inis ko din, naalala ko na naman kasi si Kino.

"Gusto kona kasing umuwi. Actually nag-aabang ako ng taxi kanina kaya lang biglang umulan kaya naisipan kong sumilong sa ilalim ng puno, may ginagawa pa kasi si Kino sa restaurant kaya hindi niya ako mahahatid sa bahay." Sabi ko kahit ang totoong nangyari naman talaga ay nag-away kami ni Kino.

Hindi siya nag-respond sa sagot ko sa tanong niya kaya naisipan ko na lang siyang batiin about sa engagement party nila ni Terese na gaganapin bukas.

"Bukas na pala yung engagement party niyo ni Terese, congratulations Luis."

"Thanks, by the way nabalitaan ko sa mga kaibigan mo na nag-proposed sayo si Akino. So anong naging sagot mo?" Sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya.

Bakit naman sinabi pa ni Safina at Meriza kay Luis na nag-proposed sakin si Kino? Nakakahiyang sabihin kay Luis na ni-reject ko yung proposal ni Kino nang dahil sa kanya.

"Pumayag ako sa proposal niya. Kapag nakagraduate na ako ng college tsaka kami magpapakasal. Tapos lilipat na din kami ni papa ng bahay." Nakangiting sagot ko sa tanong niya.

"Do you like him?" Seryosong tanong pa niya sakin.

Agad naman akong napa buntong hininga bago magsalita.

"Elementary pa lang kami, gustong gusto na ako ni Kino kaya nam-."

"Pinipilit mo ba yung sarili mo na gustuhin siya dahil alam mo na gustong gusto ka niya?!" Putol ni Luis sa sinasabi ko sabay hinto sa paglalakad at humarap siya sakin kaya naman humarap din ako sa kanya.

Ano bang gusto niyang sabihin? Na hindi ko dapat mahalin o gustuhin man lang si Kino?

"Bakit Luis? Mali ba yon? Mali bang gustuhin ko si Kino?! I've been doing one sided love for freaking years Luis at ngayon pagod na pagod na akong magmahal sa taong hindi naman ako kayang suklian ng pagmamahal na deserve ko. Pagod na pagod na akong mahalin ka Luus. Kaya pwede ba? Layuan mona ako please. Si Terese nalang lagi ang isipin mo, tutal ikakasal naman na kayo." Sabi ko at aalis na sana pero nagulat na lang ako ng bitawan niya yung payong at hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko.

"I know you still like me! You can't like or even love anyone else except me!" Sigaw niya sakin na ikinagalit ko.

"Ganyan ka ba talaga ka-selfish Luis?! Oo gusto kita! Gustong gusto kita! Pero bakit ayaw mo ako hayaang kalimutan ka?! Napaka-selfish mo! Hirap na hirap na ako Luis! Hirap na hi-."

"Yes! Selfish ako!" Putol niya sa sinasabi ko at nagulat na lang ako dahil sa ginawa niya.

Bigla niya akong...

Hinalikan...

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko, tapos feeling ko nag-slow motion yung pagpatak ng mga ulan. Feeling ko nag-slow motion lahat ng nasa paligid ko.

"Never say that again, that you like another man except me." Sabi niya matapos niya akong halikan. Agad naman akong napahawak sa labi ko.

"Se-second kiss..." Nauutal na sabi ko. Hindi kasi ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ko ma-process ng mabuti sa utak ko yung mga nangyayari ngayon. Please lord kung panaginip lang to gisingin mona po ako.

"It's our third kiss."

"Huh?" Gulat na sabi ko dahil sa sinabi niya.

Third kiss? Ang alam ko pang second pa lang yung kiss niya ngayon. Ano bang sinasabi niya?

"Simula ngayon hindi mona kailangan pang magbilang. Cause I will kiss you everyday." Sabi pa niya at hindi na ako nagulat nang muli niya akong halikan.

Saglit lang niya akong hinalikan pero napaka-soft ng halik na ibinigay niya sakin.

Bigla na lang akong nalungkot nang maalala ko yung situation namin ngayon.

"Why are you sad? Hindi kaba naniniwala sakin? Do you want me to kiss you again para lang patunayan sayo na totoo yung nararamdaman ko para sayo?"

Agad akong umiling dahil sa sinabi niya.

"Naniniwala ako sayo Luis. Nalungkot lang ako bigla kasi ngayon na kami aalis ni papa sa bahay niyo tapos bukas na yung engagement party niyo ni Terese. Kung hindi mo naman itutuloy yung kasal niyo for sure mawawala na yung company niyo. May magagawa ba tayo para maayos ang lahat?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Mayaman si Terese at alam kong kaya niyang gawin ang lahat. Alam ko naman na gustong gusto niya si Luis so hindi na ako magugulat kapag may ginawa siyang kakaiba.

"Don't worry, trust me Vinia. Akong bahala sa lahat. Sa ngayon kailangan na muna nating maka-uwi, baka magkasakit kapa." Sabi niya. Agad naman akong ngumiti at naglakad na kami.

♡♡♡♡♡

Napahinga na lang ako ng malalim nang makarating na kami sa bahay. Agad kaming pumasok sa loob at nadatnan namin silang lahat sa living room.

"Omg?! Bakit basang basa kayo?! Saglit lang kukuha ako ng towel."

"Mama wag muna please. Dito ka lang muna sa living room kasi may gusto akong sahihin sa inyong lahat. Mama, papa at tito sana pakinggan niyo akong mabuti."

Dahil sa sinabi ni Luis ay agad na kumunot ako noo ko.

Ano naman kayang sasabihin niya?

Kinakabahan ako.

***
A/N

Happy 4k reads 💜 thank you po sa mga nag babasa, sa mga silent readers diyan, sa mga nag cocomment❤️ thank you po❤️

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon